/!\ 2015 Comeback: 5 Paraan upang makatulong sa B.A.P /!\

Translator: Jireh
Original post: http://www.bapyessir.com/2015/11/HOWTOHELP.html

B.A.P, ILALABAS ANG IKAAPAT NA MINI-ALBUM NA 'MATRIX' NA MAY TITLE SONG NA 'YOUNG, WILD AND FREE' SA IKA-15 NG NOBYEMBRE, 2015



________________________________________
Nakalista ang lahat ng mga paraan upang MATULUNGAN silang makakuha ng pansin para sa kanilang comeback !

1. Pagbili ng album
Ang pinakamadaling paraan upang makatulong ay ang pagkuha ng kanilang bagong album. Maaaring ito ay isang pisikal o digital na kopya ng album. Ang benta sa pisikal at digital na mga kopya ay 60% sa tsart ng mga Music shows.

*Pisikal na album para sa mga music charts:
Mga Intl-friendly shops na nabibilang sa Hanteo Chart*:
TS E-SHOP; YesAsia; Kpoptown; Kpopmart; Ktown4u; iTunes*


*Ang mga Music shows ay gumagamit ng impormasyon galing sa Hanteo Chart para sa pisikal at digital na benta ng mga album (60%)
*Maaari kang bumili sa iTunes ng mga digital na kopya ng album. Ang mga benta ay direktang mapupunta sa B.A.P ngunit hindi ito mabibilang sa Hanteo Chart.

*Streaming:
Ang MelOn, Naver, Daum, Genie, Soribada ay ilan sa mga korean-based sites kung saan pwede kang mag-stream ng mga kanta at ito ay makakatulong sa pagdagdag ng points para sa mga music shows. Bilhin mo ang kanta at pakinggan sa kanilang platform. Rules: Huwag i-mute ang bolyum, pakinggan ang buong kanta, isang pakikinig lamang sa isang araw para sa isang tao ang bibilangin.

Tutulungan ng Team BYS, at ng mga Korean fans, ang mga fans mula sa ibang bansa sa pagbili ng mga kanta mula sa mga sites na nakalista. Magbigay din sila ng tutorials upang ang mga internasyonal na mga fans ay maka-stream sa mga sites na nabanggit.

2. Panoorin ang Music Video
40% ng SNS points sa charts. Ang SNS points ay 30% sa mga Music shows.

Panoorin ang MV sa Opisyal na Youtube Channel ng B.A.P. Para mabilang ang iyong mga views, tandaan ang mga sumusunod:
  • Huwag i-mute ang video
  • Panoorin ang MV mula simula hanggang huli
  • Linisin ang history at cookies upang mapanatili ang pagtaas ng counter
  • Palaging i-SEARCH ang MV sa Youtube sa tuwing manonood
3. I-promote ang B.A.P at ang 'MATRIX' sa SNS at ipa-trend
60% ng SNS points sa charts. Ang SNS points ay 30% sa mga Music shows.

  • Sinasama ng ibang mga music shows ang mga SNS accounts, kaya  siguraduhing mag-tweet tungkol sa B.A.P! Gagamitin natin ang hashtag na #WelcomeBackBAP sa ika-16 ng Nobyembre, 12AM KST!
  • Kasama rin bilang SNS points ang mga mentions sa Twitter; i-retweet ang mga updates mula sa mga Opisyal na Twitter Accounts ng B.A.P:@BAP_Bangyongguk, @BAP_Himchan, @BAP_Daehyun, @BAP_Youngjae, @BAP_Jongup and @ZELO96
  • I-like ang Official Facebook ng B.A.P at i-share ang updates tungkol sa bagong album/promotions
  • Search Engines: I-type ang "B.A.P MATRIX" sa search box ng mga Korean portals tulad ng Naver, Nate, Daum at MelOn at buksan ang kahit anong artikulo tungkol sa B.A.P. Hayaan itong nakabukas ng hindi bababa ng 1 minuto. Isara ang browser window bago gumamit ng panibagong search engine. Maaari mong gawin ito isang beses sa isang araw kapag mayroon kang oras. Medyo tatagal ng ilang minuto ito at makakatulong sa pagpapa-trend sa B.A.P!
4. Sumali sa Fancafe, show some love ^3^
  • Narito ang ilan sa mga tutorials para makasali sa Fancafe.
  • Maaari mo ring i-follow ang mga official accounts ng grupo at ng mga miyembro sa  Twitter, Instagram, Facebook at I-SHARE ang kanilang updates sa inyong pamilya at mga kaibigan. Isa ring magandang paraan ng pagpopromote sa kanila ang pakikipag-usap sa ibang tao patungkol sa kanila!
5. Iboto ang B.A.P sa mga Music Shows
10% sa charts ng Music shows.
  • Ang bawat Music shows (SBS The Show, SBS Inkigayo, KBS Music Bank, MBC Music Core, etc.) ay mayroong kani-kaniyang sistema. Mayroong maraming paraan upang matulungan ng mga International Fans ang B.A.P.
  • Huwag kalimutan na ang digital at pisikal na benta ng album ay may malaking porsiyento sa mga boto, kaya sa pamamagitan lamang ng pagbili ng mga ito, malaki na ang ating nagagawa.
*Time zone Converter HERE*




SBS The Show
Tuwing Martes, 8;00PM KST
Oras ng Pagboto: Huwebes hanggang Lunes 12:00 PM KST


IBOTO ANG B.A.P [TUTORIAL]


*Malaki ang naitutulong ng mga Intl fans dahil 35% ng puntos ay nanggagaling sa pag-iistream sa Todou.
* Mayroon ding SMS, ngunit hindi pa kami sigurado kung ang mga SMS na ipinapadala sa pamamagitan ng mga websites tulad ng freesms o sendsms ay nabibilang.
*Ang The Show ang pinakamagandang pagkakataon para makuha nila ang unang parangal para sa comeback na ito. Kapag nagkaroon na kami ng mas maraming impormasyon kung paano sila manomina at maboto, sisiguraduhin naming mai-publish ang lahat dito!!


Sistema ng Pagra-rank:
35 % – Pisikal + Digital + SNS
35 % – Mga views sa Tudou MV
15% – Pag boto sa Korea SMS
15% – Mga boto mula sa China Tudou

MBC Show Champion
Tuwing Miyerkules, 6:00PM KST
Oras ng pagboto: Mula Martes 11PM KST hanggang Linggo 11PM KST


IBOTO ANG B.A.P [TUTORIAL]

* Ang bawang email address ay maaaring makarehistro ng 5 Melon ID.
* Huwag kalimutang i-rate at ilike ang B.A.P "Matrix" album sa MelOn!


Sistema ng Pagra-rank:
45% Digital na benta (na karamihang makukuha sa MelOn)
10% Pisikal na benta (Hanteo)
15% Ranking mula sa netizens
15% Ranking mula sa professionals sa industriya ng musika
15% Puntos sa MBC music broadcast

Mnet M!Countdown
Tuwing Huwebes, 6:00PM KST
Oras ng Pagboto: Mula Biyernes 11AM KST hanggang Lunes 9AM KST


IBOTO ANG B.A.P [TUTORIAL]

* Ang ID na nakarehistro sa MWAVE (global) ay maaaring makaboto sa Mnet Korea o Mnet Japan (1 ID = 2 boto).
* Ang bawat IP ay maaaring maglaman ng 10 IDs. Maaari kang gumawa ng mas maraming accounts kung mag-iiba ng IP.
* Iwasang isama ang bap o kahit anumang salitang patungkol sa bap sa iyong Mnet ID.
* Siguraduhing ang mga IDs ay hindi nakasunod-sunod. (e.g. bapangel01, ...)


Sistema ng Pagra-rank:
50% Digital na benta (Mnet, MelOn, Bugs!, Soribada)
10% Benta sa Album
10% SNS (Youtube MV at SNS data)
10% Rating (sa boto ng mga fans)
10% Puntos sa Broadcast (kung ilang beses ginamit ang kanta sa Mnet channel)
10% Live Broadcast voting

KBS Music Bank
Tuwing Biyernes, 6:10PM KST
Walang botohan


Sistema ng Pagra-rank:
65% Digital na benta (lalo na sa MelOn, pero kasami rin ang Bugs!, Mnet, Olleh at ang Soribada)
20% Oras ng Broadcast (Kung ilang beses nagamit ang mga kanta ng B.A.P habang broadcast, kasama ang paggamit bilang BG music sa iba pang KBS programs, etc.)
10% Viewer’s Choice
5% Pisikal na mga benta (Hanteo)

MBC Music Core
Tuwing Sabado, 3:50PM KST
Oras ng Pagboto: habang broadcast via SMS (ara lang sa top 3)


IBOTO ANG B.A.P [TUTORIAL]
Sistema ng Pagra-rank:
70% Pisikal at digital na benta
10% Views sa Youtube
10% Boto ng Board of viewers
10% Boto sa SMS

SBS Inkigayo
Tuwing Linggo, 4:10PM KST
Oras ng Pagboto: Mula Lunes 12AM KST hanggang Linggo 11:59PM KST


IBOTO ANG B.A.P [TUTORIAL]

* Magiging mahirap para sa mga international fans na makuha ang voting app, pero subukan pa rin kung maari ^^
* Panoorin ang MV sa Gaon para matulungan ang B.A.P na manalo sa Inkigayo! Kasama ito sa SNS points (35%)
* Pumunta sa Gaon Social Chart at sundin ang aming TUTORIAL. Panoorin at tapusin ang MV. Hindi ito maibabahagi sa SNS kapag hindi natapos hanggang huli.


Sistema ng Pagra-rank:
60% Digital na benta (MelOn, Bugs, at Soribada)
35% SNS (Para lamang sa top 3 hanggang sa araw ng pagbo-broadcast)
5% Mga boto
10% Real time voting (SNS o MV TV talk app, para lamang sa top 3)



* Kung mayroon pang tanong tungkol sa pagboboto, maaaring tanungin ang BYS sa ASK.FM/BYSFANSITE *

Translation © B.A.P Yessir | bapyessir.com #Jireh (Filipino)

No comments:

Post a Comment