B.A.P sa Haru Hana Vol.26 Okt/Nob na isyu

Translator: Bernz
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/09/bap-in-haru-hana-magazine-vol-26-octnov.html

Ang lead track sa kanilang ika-4 na single ay napagpasyahan mula sa mainit na tugon ng mga fans!
Ang B.A.P na pinagpatuloy ang kanilang mga gawain sa Japan na may mayamang tunog ay inilabas ang kanilang ika-4 na single na may agaw-pansing party tune, ‘Excuse me’.

― Bibihirang kaso na ilabas ang kantang hindi lead track sa Korea at piliin ito bilang lead track sa Japan
Yongguk: Tama. Sa katotohanan, ang kapaligiran ay maganda kapag tinatanghal namin ang kantang ito sa mga konsyerto o live na pagtatanghal, kaya pinagusapan naming ang kantang ito ang gamitin [para sa susunod na single].
Daehyun: Lahat ay nagsasaya sama-sama sa parte ni Himchan hyung na ‘let’s getting’ high~ ♪’, kaya sana ay magsaya rin kayo sa mga live!
Himchan: (kanta) let’s getting’ high~ ♪
Jongup: (pumalakpak sa beat) Yoohoo~!!
Himchan: We so fly to the sky high~♪
Jongup: Yoohoo~!!
Himchan: Galing~ (tawa)
Yongguk: Talagang maganda ang tunog, at sasaya ako kung titignan niyo rin ang liriko.
Youngjae: Puno ng kumpiyansa at may pang-iintrigang pakiramdam ang parehong  pamagat at liriko.
Daehyun: Oo. Naisip naming, ‘pakita natin ang pinaka mahusay na pinaka cool na bagay!’ na may matibay na moral at kumpiyansa.
Himchan: Kaya pag kumakanta kami, cool kaming kumamakanta!


― Aabangan kong mapanuod ang pagtatangahal
Daehyun: (biglang MC-mode) Para sa punto ng sayaw ngayon… Jongup-san?
Jongup: Sa tingin ko ang pakikipag-usap sa iba ay mas mahalaga kesa sa pagpapakita ng nakasanayang estilo sa musikang ito. Kaya ang MV at stage ay may unting pagkakaiba sa pagbuo.
Youngjae: Kaya, ang iniisip kong gusto niyang sabihin ay, ‘maganda kung masaya rin kayo sa pagbabagong itp’ (tawa)
Zelo: Sa totoo lang, wala kaming masyadong oras para magawa ang MV kaya masaya akong maganda ang kinalabasan. Lahat ay may sariling papel, tulad ni Daehyun hyung sa graffiti at Himchan hyung na nagtatapon ng pero, kaya abanagan niyo ito.

― Laging napaka-interesante ring makita kung ano ang pinili niyo para sa kasamang kanta, ano ang paborito niyong kanta sa single na ito?
Yongguk: Para sa akin, ‘Coffee Shop’. Gusto ko ang acoustic at jazz na genre una sa lahat, at ito ang unang beses na sinubukan ng B.A.P ang genreng ito kaya tagos sa puso ko ito. May charm ito na di ka magsasawa kahit na lagi mong pinakikinggan.
Youngjae: Nakakalma rin ako sa kantang ito. Gusto ko ang mga gantong tipo ng himig, kaya masaya ako na kaya naming makapaghatid ng ganitong genre kahit na ang mayorya ng aming kanta ay malakas.
Jongup: Bagay ang kantang ito sa iba’ ibang kaganapan at nagpapaganda ng pakiramdam, kaya gustong gusto ko rin ito. Bagay na bagay itong musika sa background habang nagtatrabaho.
Himchan: Tama iyon. Kahit na makinig ka lang sa instrumental, napaka ganda ng himig ng piano!
Zelo: At, para sa kantang bagay na bagay sa akin sa single album na ito, iyon ay ‘Zero’!
Youngjae: Para sayo lang Zelo. (tawa)
Zelo: Huhuhu… (nahiya kahit sinabi niya mismo)

― May mga nagbago ba sa gitna ng huli at nitong promosyon?
Yongguk: Hhh~m, lumipat kaming dorm (tawa) Natutulog kaming anim sa iisang kwarto, kaya wala talaga kaming ‘roommate’.
Zelo: Ngayon si Daehyun hyung at ako, Yongguk hyung at Youngjae hyung, at si Himchan hyung at Jongup hyung ay nagsasalo ng kwarto.
Youngjae: Di namin plinanong ang ganitong hatian sa umpisa, natural na naging ganito ang pagpili base sa miyembrong kapareho namin ng pamumuhay.
Himchan: Halimbawa, si Jongup at ako ay madalas matulog, kaya ang aming pamumuhay ay pareho at madami kaming bagay na pinagkakatuwaang magkasama. Nilagay ko sa Instagram, para kaming nagkaroon ng meat party sa hating gabi… (tawa) Kaming dalawa ay laging natutulog, (tawa) kaya di rin kami nag-aaway..
Daehyun: Tinatawag namin silang dalawa na ‘koala’ Ang karaniwang oras ng tulog nila ay lumalagpas ng 15 na oras. (tawa)
Jongup: Walang masyadong maraming kabanata maliban sa pagtulog… (tawa)Pero nakakausap ko madalas si Himchan hyung, at sa palagay ko ay nagiging mas mabuting combo kami. Magkasama sa kaswal na araw ang nagpapadama sa aking talagang roommates kami, gusto ko talaga ang pakiramdam na iyon!

KEYWORD TALK

※ Live ※
Nakapagtanghal na kayo sa mas maraming bansa sa tour niyo ngayong taon, mayroon bang di malalimutang pangyayari?
Yongguk: Makita ang mga tao sa iba’t ibang bansang nakikinig at nagugutuhan ang aming mga kanta, at tumatanggap sa amin ay nakakaantig ng aking puso.
Youngjae: Pagdating sa laki, ang mga venue sa Japan ang pinakamalaki, di ba? Natututwa akong makapagtanghal ng maraming beses sa Japan.
Himchan: Ang saya sa pakiramdam, di ba? Walang abala kahit magtagal kami rito.
Daehyun: Pero di kami nakakapaglibang kahit saan sa Japan, kaya ang naalala lang namin ay mga venue ng konsyerto.  (tawa)
Jongup: Tama… (tingin sa staff) Um, kayo na po ang bahala sa amin!
Lahat: Hahahahaha! (tawa)

※ B.A.P Attack ※
Sa kabanata ng ‘B.A.P Attack’ sa Fukuoka, pinakita niyo na ang lahat ay gumagamit ng sariling kuwarto, gusto niyo bang sarili o magkasalong kwarto?
Yongguk: Dahil laagi kaming magkasama, maganda ang magkaroon ng sariling kuwarto paminsan habang nasa ibang bansa.
Youngjae: Pahinga rin sa banyo. [T/N: Hindi nila kailangang maghintay]
Daehyun: May mga bentahe sakanilang dalawa.
Jongup: Wala sa akin ang pareho~
Zelo: Kumakailan lang, pag natulog ako kasama ng mga hyung nakakatulog ako hanggang sa tanghali kaya ang pagkakaroon ng kwarto ng sama-sama ay… (tawa)
Himchan: Kahit na may sarili kaming kwarto, nagsama-sama pa rin kami sa kwarto ng isa bago matulog kaya di ko pa rin nadadama ang pagkaka-iba… (tawa)

MEMBER CORNER

Q1: Ano ang madalas mong inumin sa cafe?
Q2: Kung maiisahintulad mo ang iyong kagrupo na kaugnay sa kape?
Q3: Ang mukhang mahusay na gumawa ng menu at magpangasiwa ng cafe?
Q4: May linyang “I’m from Zero, I’m hero”; sino ang iyong childhood hero?
Q5: Hashtag talk

Yongguk
A1. Americano. Mabango ang aroma kaya gusto ko ito.
A2. Hmm… Wala akong naiisip. Sa mga sagot ng iba, mukhang tama sila. (tawa)
A3. Himchan. Mahilig siya sa kape una sa lahat, lagi siyang umiinom ng kape at pumupunta sa iba’t ibang cafe. Kaya maliban sa pagpapatakbo ng cafe, mukhang magaling siya gumawa ng menu na bagay sa mga inumin.
A4. Si Hepoi ng anime na ‘RPG Densetsu Hepoi’. Siya iyong batang manika, at nakikipaglaban gamit ang espada kahit na wala siyang daliri. Cool para sa akin iyon at naging hero ko siya. Pero siyempre, iyon ay noong napakabata ko pa. (tawa)
A5. #hairstyle #hairstyle_na_gusto_mo #short_hair : Madami na akong nasubukang hairstyle, pero kung short hair ito, dapat ay talagang maikli ito. Dati ang gupit ko ay parang sa monghe at napakakumportable kaya gusto ko iyon.

Himchan
A1. Americano. Mahilig ako sa kahit anong coffee flavored pero matapang ang espresso kaya...
A2. Si Jongup ang buzzer na nakukuha mo pag hinihintay mo ang inumin mo. Di ka ba natutuwa na pag natapos mo ang inumin mo at tumunog na ang buzzer?
A3. Daehyun. Mahilig siyang kumain, kaya mukhang kaya niyang gumawa ng menu na mapagsasama ang masarap na pagkaing nakuha niya. At magagarantiya ko ang 100% para sa kalinisan dahil napaka linis niya, at magiging tanyag siya sa mga customer dahil palakaibigan siya. Mukhang magiging kabigha-bighaning cafe iyon na gugustuhin mong bisitahin ng paulit-ulit dahil sa kaniya. Siyempre sa umpisa, pupunta ako doon para masiyasat ang lasa at mag-uulat ako ng foodstagram!
A4. Ang tatay ko. Noong bata pa ako, di ako manalonalo sa mga laro laban sa tatay ko, kaya malaki ang paghanga ko sa kaniya at iniisip na ‘gusto ko manalo’.
A5. #foodstagram #gatilyo #susunod_na_kandidato : Sa umpisa, mga tanawin at mga selca lang ang punto ko, pero sa pagtagal gusto kong ibahagi ang mga masasarap na pagkaing kinain ko sa mga fans. Di ba may kasabihang gusto mong ibahagi ang kaligayahan mo sa mga taong mahal mo? Kaya iyon ang nararamdaman ko noong nag-umpisa ako at nagulat sa malaking reaksyon. Mag-popost ako pag nasa Japan ako at umaasa akong maipapahatid ko ang preskong charm ng mga putaheng Japanese. Abangan niyo po ito!

Daehyun
A1. Inumin na may mangga. Masarap, mabangong aroma, at matamis. Gusto ng aking panlasa.
A2. Si Yongguk hyung ay malakas na aura ng isang black coffee, si Youngjae ay soft caramel macchiato, si Jongup ay cold ice tea, at si Zelo ay sweet frappe with fresh cream on top.
A3. Laging may natatanging ideya si Jongup kaya mukhang magaling siya sa pag-isip ng menu.
A4. Wala akong childhood hero, pero pagdating sa musika, gusto kong maging indibidwal na hinahangan ng lahat.
A5. #BAP_Attack! #may_pinaka_maraming_screentime #pinakasikat_na_cameraman : Tinawag ko ang sarili kong ‘Reporter Jung Daehyun’ kaya may pananagutan ako, at lagi akong lumalabas. (tawa) Gusto naming ipakita kung ano ang mga natural na nangyayari sa backstage sa ‘B.A.P Attack!’. Halimbawa, nagbibiro habang kumakain, ang mga sarili namin habang namimili, kung gaano kami kasabik bago makita ang mga fans, at kung ano pa. Pang-rookie pa rin ang aming filmograpiya, pero ang staff ay inayos ito ng mabuti at tinukoy ang mga importanteng bagay na kahit kami ay di nakapansin. Salamat doon, nakapagsaya kami, at higit sa lahat, masayang masaya akong nagustuhan ito ng BABY!

Youngjae
A1. Americano. Dahil sa mabangong aroma nito.
A2. Si Zelo ay yelo. Ang isang iced drink ay kumpleto lang sa yelo. Ang hugis at pagkaka-iba ay nagbabago sa franchise, kaya napakahalaga nito.
A3. Himchan hyung
A4. Ang kuya ko. Ang kinakilahan kong kuya noongbata ako ay kayang gawin ang lahat at mukhang napaka cool. Lagi ko siyang ginagaya sa lahat ng ginagawa ko. Kahit ngayon ay may nakapa espesyal siyang presensya sa akin, siya ang nakakaintindi at laging nasa tabi ko. Iyong pagiging maasahan ang di ko maikukupara sa kahit anong bayani. Noong nangarap akong maging mang-aawit, lahat ng mga musikero ay naging hero para sa akin. Gusto kong maging pangarap rin ng iba, at maging taong magpapakabog sa puso nila.
A5. #mga_larawan #paksa_ng_larawan #paraan_para_magsaya : Hindi ko alam kung mas gumaling ako, pero mas kumukuha ako ng madaming larawan sa kinaugalian. Sa simula, gusto kong kumuha ng larawan ng tanawin; pero nabigyan ako ng lens na magandang kumuha ng mga fans at tao, kaya kumukuha ako ng maraming larawan ng mga kagrupo ko. Kumukuha ako ng larawan ng mga tao sa kalsada habang nasa ibang bansa ako. Nakakapanghina sa umpisa pag pinag-aaralan ang kanta at musika kaya ayokong matali dito kapag nag-aaral ako ng ibang genre. Kaya ganoon ako kumuha ng mga larawan, malaya at para sa aking interes.

Jongup
A1. Iced Chocolate
A2. Naalala ko si Daehyun hyung sa natirang beans ng drip coffee. (tawa) Dahil sa kulay nito.
A3. Himchan hyung, Youngjae hyung. Si Himchan hyung ay maalam at si Youngjae hyung ang tipong tatapusin ito hanggang sa huli kung gagawin niya.
A4. Ang mga magulang ko. Dahil sila ang nagsilang sa aming magkakapatid, nagmamahal, at nagpalaki sa aming maging matapat. Paghahanap sa gusto kong gawin, at sa kung anong magaling ako, pinangalagaan nila ang pangarap na iyon - sa pisikal at sa mental - para di ako magsisi. Bilang anak na isang salita lang, di ko maipahayag mabuti ang sarili ko, pero ginagalang ko ang mga magulang kong nagbigay sa akin ng pangarap at lubos na pagmamahal, at nagtitiwala sa akin. Pag nagka-pamilya ako, gusto kong maging tulad ng mga magulang ko.  
A5. #Peter #English_name #dahilan : Walang espesyal na dahilan, binigay lang ang pangalan na ito ng pastor na pinili ito mula sa bibliya noong bata pa ako. Ang pangalan ay isang bagay na binibigay matapos mapag-isipang mabuti at ng may pagmamahal di ba? Naniniwala akong ang pagmamahal ko ay napag-isipang mabuti ng maibigay sa akin kaya talagang nagpapasalamat ako. Ngayon bilang B.A.P, di lang sa Korea, pati sa Asia, America, Europe at kung saan pa man, ang pangalang ‘Moon Jongup’ ay tinatawag, kaya nagpapasalamat rin akong di siya English name.

Zelo
A1. Kumakain akong tinapay at sandwiches pero di ako bumibili ng inumin
A2. Americano si Himchan hyung. Mukha siyang walang malasakit at sumpungin pero ang totoo ay mabait at maalaga siya, siya ay nagnining-ning at maligayang-maligaya, gusto-ng-lahat na karakter. Nababalot siya sa imahe ng Americano na, ‘pag natikman mo na, mababaliw ka, at iyon lang ang iinumin mo’
A3. Si Himchan hyung para sa menu. May mainam siyang panlasa, kaya sa palagay kong makakagawa rin siya ng bagay na maganda. Si Yongguk hyung sa pangangasiwa. Mukhang ka niyang mabigyan ng magandang direksyon ang cafe tulad ng pagdala niya sa B.A.P. Parang pag-iispan niyang maiigi ang ang tungkol sa mga parokyano at makakabuo ng marikit na lugar. Ang cafe na binuksan nilang dalawa… perpekto para sa kanila, di ba?
A4.  Ang nanay ko na laging sumusuporta sa aking magtatagumpay ako. Siya ang aking hero simula pa noon.
A5. #BAP_Attack! #anggulo_ng_camera #kinahumalingan : Ako ang tipo ng tao na nanabik sa mga bagong bagay, at interesado sa mga bagay na di interesado ang iba; kaya lagi kong gustong gumawa ng kakaiba para sa mga selca at sa photoshoots ng magazine. Sa ‘B.A.P Attack!’, gumawa ako ng mga bagay tulad ng paglagay ng camera sa taas ng bag ko, sinubukan ang mga di karaniwan na anggulo sa kinaugalian. Kung gagawa kami ng pangalawang season, gusto kong sumubok ng mas pambihirang anggulo. (tawa)

B.A.P RANKINGS

Mula sa kantang ‘Excuse Me’…
Q1. Sa ‘eksklusibo’, sino sang walang ‘limited edition’ ‘limited items’?
Daehyun: Ok isa-publiko natin~
Youngjae: Oh, akala ko lahat tayo boboto para kay Yongguk hyung, pero sorpresang hati ang boto. Yongguk hyung – 3 boto, Himchan hyung, Zelo at Daehyun – tig-1 boto.
Himchan: Si Yongguk is ay may mania ng pangongolekta. Bagay tulad ng fashion items at sari’t saring bagay. At, andyan si Zelo. Ang mga natitira ay halos magkakapareho.
Yongguk: Mmm. Si Zelo rin ang pinipili ko… Parang, bakit ikaw magkokomento kung sinulat mo ang sarili mong pangalan. (tawa)
Jongup: Ano ang ranggo para sa amin ni Youngjae hyung na walang boto?
Zelo: Jak en poy? (tawa)
Daehyun: Handa, jak en poy! Panalo si Youngjae!

Resulta
1st: Yongguk
2nd: Zelo
3rd: Daehyun at Himchan
5th: Youngjae
6th: Jongup

Mula sa kantang ‘Coffee Shop’...
Q2. Sino ang pinaka picture-perfect sa ‘Coffee Shop’?
Youngjae: Si Himchan hyung at Youngjae ay may tig-2 boto, Yongguk hyung at Daehyun ay may tig-1 boto.
Himchan: Kung sinulat ko sarili kong pangalan, ako ang una!
Yongguk: Si Youngjae at Himchan ay madalas uminom ng kape
Youngjae: Meron akong MacBook na mahalaga bagay para maging picture-perfect guy sa cafe, kaya dapat ako ang una!
Daehyun: Huh…? (tawa) Isantabi natin iyan. Masasabi nating si Yongguk hyung at ako ay pantay sa pangatlo, at ang maknae line sa panglima.

Resulta
1st: Himchan at Youngjae
3rd: Yongguk at Daehyun
5th: Jongup at Zelo

Mula sa kantang ‘Zero’...
Q3. Sa ‘tulad ni Superman o Batman?’, sino ang pinaka mala-superhero?
Lahat: Si Jongup ito!
Daehyun: Malusog siya, may malakas na pangangatawan at di napapagod
Himchan: Di siya umiinom ng gamot kahit na may sakit siya
Yongguk: Kahit na di siya kumakain o umiinom ng kahit anong supplements o masustansiyang pagkain
Jongup: Pero madalas ako kumain. Madami akong gustong kainin.
Zelo: Ang pwersang tumutulak sa kaniya ay mga hamburger. Kahit na di ito masustansiya.
Jongup: Pero may karne kaya puno ito ng protina
Youngjae: Pangalawa si Zelo. Kasi matangkad siya. (tawa) Dahil bata pa siya, punong puno siya ng lakas.
Daehyun: Ang mga natitira sa grupo ay pangkaraniwang tao na maiiligtas ng mga super maknae. (tawa)

Resulta
1st: Jongup
2nd: Zelo
3rd: Yongguk, Daehyun at Youngjae
6th: Himchan

Mula sa kantang ‘Zero’...
Q4. Sa ‘Hanggang sa alam namin ang aming limitasyon, kami ay malalayang paru-paro’, ang pinaka ‘malayang paru-paro’ ay si?
Himchan: Nakakamangha si Jongup, di ba? Natutulog siya kung gusto, kumakain kung gusto niya, isang suwail na pamumuhay. Hindi suwail, walang batas!
Jongup: Si Himchan hyung mismo ang bagay sa tawag na ‘paru-paro’
Zelo: Naiinggit akong malaya silang nakakapunta kung saan
Youngjae: May mga limitasyon sa edad si Zelo
Yongguk: Wala talaga akong batas, pero napaka-disente ni Daehyun kaya huli ako
Jongup: Si Daehyun-san bilang pang-apat ay mainam
Daehyun: Bakit? (tawa) Kaiba kay Jongup, naiiba ako ayon sa batas!
Himchan: At heto, ang mapusok na salita ng malayang tao!

Resulta
1st: Jongup
2nd: Zelo
3rd: Himchan
4th: Daehyun
5th: Yongguk at Youngjae

Translation ©cassie_babyz | bapyessir.com #Bernz (Filipino)

No comments:

Post a Comment