B.A.P Attack! Talaarawan ng Pananakop Kabanata 10: Fukuoka

Translator: Bernz
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/04/youngjae-tweets-bap-attack-clip.html


[Pagsakop sa Mundo Kabanata 10 LETGO sa Fukuoka!]

[Sa eroplano patungong Fukuoka]
Daehyun: Pakiusap mag-hello ka

Youngjae: Hello! [YJ (21) / Hindi Intern ng Camera Team pero Manunulat Yoo]

Daehyun: Kita tayo pag dating namin. [DH (22) / Matamis na tulog Zzz] Matutulog muna kaming mahimbing. Good night♥

[Nakarating na ng Fukuoka]
Himchan: Tinuruan ako ni Jongup [HC (25) / Sa kalagitnaan ng 20]
Daehyun: Sino?
Himchan: Jongup! [HC (25) / Uppie♥ pinaka magaling na fan] May itlog ba akong baba?
Daehyun: Jongup-ssi punta ka rito. Di kita makuhanan. Pakita mo sa amin ang orihinal.
Jongup: Pakita ang alin? [JU (20) / Lalaking chic na maagang 20]
Daehyun: May itlog ba akong baba?
Jongup: Tara na [JU (20) / Chic na Moon Angel]
Himchan: Wag kang magalit. Ya~ [HC (25) / Chan noona na nagpapanggap na iwasan ang away] Parang gusto mo ng suntukin si Daehyun. No~
Daehyun: Paalis na kami [Bakit di ka nagsasalita ng kahit ano? (Yonggukie hyung bilis…)]

Daehyun: Paglabas namin, makikita namin ang mga fans na naghihintay para sa amin.

[Kwarto ni Daehyun sa hotel]
Daehyun: Hello sa lahat. Ako si Daehyun ng B.A.P. Ito ang Fukuoka, at nagpunta kami rito para sa konsyerto bukas. Ito ang gabing tanawin ng Fukuoka.

[Punta tayong konbini!]
Daehyun: Youngjae, bumuo tayo ng taong-nyebe. Okay nakuha ko;; Aah;; Saglit lang;;;;;
Youngjae: Bakit? [YJ (21) / Negosyo lang ang pag-usapan] Anong ginagawa mo?
Daehyun: Do you wanna~♬ Kailangan mong pumuntang konbini kasama ko. Kailangan mong sumama sa akin ngayon.
Youngjae: Di ako sasama [YJ (21) / Mapilit]
Daehyun: Di ka aalis?
Youngjae: O!
Daehyun: Bakit?
Youngjae: Kumain na akong sorbetes kaya okay lang [YJ (21) / Kalma kalma]
Daehyun: Gumagamit ka ba ng banmal ngayon? (banmal = impormal na salita) Ang mga tagapanuod? Sa mga tagapanuod?
Youngjae: Kayong lahat... [YJ (21) / Kalma kalma] ay aking mga kaibigan, aking mga noonas...
Daehyun: Kung sila ay mga noona, di ka dapat gumagamit ng banmal.
Youngjae: ... aking mga hyungs.
Daehyun: Humingi kang tawad.
Youngjae: Paumanhin [YJ (21) / Maagang 94-line]
Daehyun: E di aalis na ako! ... Siguradong di ka sasama? Okay, e di aalis na ako.
[Katok!! Katok!! Katok!! Katok!!]
Daehyun: Gusto mo bang bumuo ng taong-nyebe?
Jongup: Taong-nyebe?
Daehyun: Oo
Jongup: Go away!
Daehyun: Bakit pinagsasaraduhan ako lahat ng pinto? Go, hey goodbye~ Kailangan nating pumuntang konbini!
Jongup: Hindi, di ako sasama [JU (20) / Pagtanggi ni Moon (‘ㅅ’)]
Daehyun: Di ka rin sasama??? Bakit!?
Jongup: Pagod ako [JU (20) / Pagod na Moon (‘ㅅ’)]
Daehyun: Anong ginawa mo para mapagod?
Jongup: Sumakay ako ng eroplano [JU (20) / Pagod na Moon (‘ㅅ’)]
Daehyun: Paano naman ako?
Jongup: Iba ako [JU (20) / Iba ako]
Daehyun: At bakit ang dilim? May mga sariling kwarto tulad nito na tayo ngayon
Jongup: Oo
Daehyun: Gusto mo ba ito? O hindi?
Jongup: Gusto ko ito [JU (20) / Sariling kwarto I LIKE]
Daehyun: Gusto mo? E di ayaw sigurong makisalo ng kwarto kasama ni Junhong! Anong sinasabi ko ngayon? Ayaw sigurong makisalo ng kwarto kasama ni Junhong. Huli ka!!! Leggo!

Daehyun: Tapos na! Leggo ang paraan para tapusin ang mga bagay. May tumawag ba sa akin?

Youngjae: Hindi, okay lang ako; [YJ (21) / Pag tinawag mo pa ako muli]

Daehyun: Ha~ Talagang... galit na ako. [DH (22) / Gustong may sumama sa kaniya sa konbini] Sa lahat, napag-usapan naming pupuntang konbini ng alas 8. Pero nakita ba ngayon? Itong walang lamang pasilyo… [DH (22) / Aigoo aigoo] Ha~ Nalulungkot talaga ako. [Wag kang umiyah Daehyun-ah T_T.]

Daehyun: Ya~ Wag kang magpanggap na matulog. Alam kong hindi. Ya~
Jongup: Hello [JU (20) / Naiinis na]
Daehyun: Punta tayong konbini [Tama, ako si Jung Daehyun! Ang lalaking di marunong sumuko]
Jongup: Go away~

Daehyun: Punta tayong konbini. … Sa lahat, ang balat ni Jongup ay sinisiwalat!! Sa lahat, ito ang mga muscle ni Jongup sa braso. Papakita ko ang kaniyang mga muscle sa braso. Ayaw mo bang magpakuha para sa mga fans?
Jongup: Ano?
Daehyun: A-ayaw mo? Hindi mo gusto?
Jongup: Hindi sa ganoon, gusto ko lang na magandang imahe ko ang makita nila… [JU (20) / Sinusuyo]
Daehyun: Pero nagpakuha ka na ng tulad nito nang nag-iisa ka.
Jongup: Gusto ko lang na magandang imahe ko ang makita nila ㅠㅠ… [JU (20) / Naririnig mo ba ang puso ko?]
Daehyun: Pero nakita kong kumuha ka ng ganito… Huh, Jongup-ah! Jongup-ah! Papakita ko sayo.
[Tinitignan ang sariling mukha sa LCD ng camcorder]
Daehyun: Aarte kang ganito? Talagang aarte ka ng ganito?
[Pinupuri ng palihim ang magandang mukha]
Jongup: Paalam [JU (20) / Intindihin mo rin ang nararamdaman ng dongsaeng mo]
Daehyun: Ah, talaga?

Daehyun: Sa lahat, ito ang mga mata ko.

Daehyun: Parang ayoko ng pumunta [DH (22) / Punta tayong konbini!]
Jongup: Go away
Daehyun: Go! Hey, goodbye~ Ah basta… ha~ talaga… [DH (22) / Malungkot na Jung Elsa]  Wala ni isa. E di susuko na akong punmuntang konbini [DH (22) / Jung Daehyun, ang lalaking marunong sumuko] Susuko na ako. Di ako pupunta~! Leggo!


[Matamis na tulog, matamis na tulog, magandang gabi :)]
Daehyun: Hello sa lahat. Ngayon, ang oras dito ay 11:40. Kaliligo ko lang. Mukha bang malaki ang mukha ko? Sobrang inaantok na ako, sa totoo lang. Nakakamangha na gising pa rin ako hanggang sa ngayon pero talagang pagod na ako ngayon.Ngayon, ang mga kagrupo ko ay natulog ng maaga kasi sobrang inaantok at pagod na sila. Maghahanda na ako para matulog ngayon. … Sobrang inaantok ako na walang lumabas na salita. Lagi kong gustong ipakita lang sa inyo ang maganda kong imahe, pero di ito umaayon sa gusto ko. Sana ay maintindihan niyong lahat.

[Patungo kung saan gaganapin ang konsyerto]
Daehyun: Kayong lahat! Saan tayo pupunta?
Lahat: Kung saan gaganapin ang konsyerto~
Daehyun: Make Some Noise!!!

Himchan: Hello~ Daehyun~ [HC (25) / Mask man]
Daehyun: Batiin mo ang mga tagapanuod.
Himchan: Hello sa lahat~ [HC (25) / Kalahating-sisentang kagiliw-giliw na lalaki]
Daehyun: Pagbati sa morning!
Himchan: Good morning~
Daehyun: Aegyo~!
Himchan: …. Anong kailangan kong gawin? [HC (25) / >:^0]
Daehyun: Pakita mo ag mukha mo.
Himchan: Pinapakita ko na ngayon [HC (25) / Napapagod na Chan]
Daehyun: Di namin makita dahil sa mask mo.
Himchan: May sakit talaga si hyung ngayon [HC (25) / Kim Jjangjjang] Nakakatawa ba na may sakit si hyung?
Daehyun: Ito si Yongguk hyung na sobrang nakatuon sa kanyang laro. Sa kabaling banda ay si Jongup na natutulog. At...! Sentro ng B.A.P [DH (22) / Ang P ng B.A.P Attack!] na naatasan ng vocals ay ako, Daehyun ng B.A.P.

Daehyun: Napaka-init ng panahon ngayon sa Japan. Woah! Naglagay akong suncream at ang putla ng mukha ko... mali ata ang pagkakalagay ko. Wow, ang putla talaga! Gayunpaman, papunta kaming sa paggaganapan ng konsyerto ngayon. Kita tayo doon! LEGGO! Lalabas ang logo pag sinabi ko ito.

[Sa waiting room ng Fukuoka concert]
Himchan: Hello [HC (25) / Nagniningning Nagniningning] Si Himchan ito. Ito ang~ waiting room sa una naming konsyerto sa Japan.

Himchan: Junhong-ah~ Ngiti!

Himchan: Ito si Jonguppie na kumakain ngayon.
Daehyun: (*Kumakanta)
Himchan: Ayoko niyan. Gusto ko ng cute na halik.
Daehyun: Gusto kong halikan ka♥

Himchan: Ngayon kami~ [HC (25) / Mahalagang maskara ni Himchan]
Daehyun: Lalabas ulit ang leggo.
Himchan: pupunta ng~
Daehyun: LEGGO! [Nangongopya ng Leggo Jung Daehyun]
Himchan: rehearsal! LEGGO! [HC (25) / Nangongopya ng Leggo 2]
[Ang sentro ng B.A.P Attack Jung Daehyun]
Daehyun: May 20 minuto bago kami mag-konsyerto. May gusto akong pakita sa inyo. Nakita niyo ito? Larawan namin ito. Maganda ba ang kinalabasan? Oh wow, napaka-cool ni Jongup sa larawan. At sunod ako, Yongguk hyung. Himchan hyung, Junhongie, at sunod si Youngjae.

Daehyun: Jongup-ssi!
Jongup: O?
Daehyun: Anong ginagawa mo?
Jongup: Nakikinig ako s kanta ni Taeyang sunbaenim. Cut mo ito~
Himchan: Sa tingin ko lalabas ito bilang Cut~ tapos Leggo!

Daehyun: Sa lahat, ipapakita ko ang mga larawang kinuha ko hanggang sa ngayon.
Himchan: Sa aming lahat, tuwang tuwa si Daehyun sa pagkuha ng mga ganitong bagay.
Daehyun: Ito. Larawan na kinuha matagal ng panahon.
Himchan: Sa lahat, ang screentime ni Daehyun ay tataas.
Himchan: Minsan nagmumukmok siya pag wala siyang screentime.
Daehyun: Di ako nagmumukmok.
Himchan: Magrereklamo siya na di kawili-wili.
Daehyun: Pero seryoso ako, di talaga kawili-wili.
Himchan: Sinabi niya sa kumpanya na wala siyang screentime.
Daehyun: Ito ang mga pagkaing kinain namin.
Himchan: Kinain natin iyan?
Daehyun: Ang sasarap talaga niyan.
Himchan: Kelan?
Daehyun: Noong una nating punta sa America, sa Sohu Street~
Jongup: Karne?
Daehyun: Ah oo
Himchan: Kumain kaming sushi.
Daehyun: Unang beses kong pinapakita ito [BABY paki-screencap♥] Naglagay akong pekeng buhok at nakakatawa kaya kinuhanan ng larawan. Ito... ito... ay noong Pasko ng Pagkabuhay.
Himchan: Wag ka na magsalita. Cut mo na; di na masaya.
Daehyun: E di hyung, gawin mong kagiliw-giliw [Nagliliyab nagliliyab]
Himchan: Mapapasaya ko ito [HC (25) / Pakita mo]
Daehyun: Subukan mo. Ay~ di masaya. Hindi hindi hindi. Masyadong mahina. Owo~! Tignan mo siya sinusubukang magmukhang gwapo! Hyung! Isang dighay…!!
Himchan: Anong ibig mong sabihing dighay? Anong sinasabi mo? Ngayon may imahe ako ng paghikab at anu pa man… [Ito ang tinutukoy mo, di ba ^^?]
Daehyun: Hyung ginawa mo iyon.
Himchan: Di ako ganoong klaseng tao guys.

Daehyun: Tapos na ang konsyerto!
Jongup: Alam ko [JU (20) / Lalaking chic]
Daehyun: Ano?
Jongup: Alam ko rin iyon.
Daehyun: Nakita ko. Tapos na ang konsyerto!
Youngjae: Magaling ang ginawa mo!
Daehyun: Junhong-ah, tapos na ang konsyerto! Yay! Tapos na ang konsyerto!
Junhong: Yay!
Daehyun: Nasa panganib ka na. Moon Jongup, nasa panganib ka!
Jongup: Yay!
Daehyun: Gayunpaman, sa ngayon, kami… Omo. Natapos na rin ang konsyerto at patungo na kaming Hi-touch. Meron kaming gi-touch event para sa mga fans, at kukunan ko ito.

Daehyun: Saan tayo pupunta Jongup?
Jongup: Tayo?
Daehyun: Oo
Jongup: Matapos ang konsyerto, may kamayan tayo kasama ng mga fans.
Daehyun: Hi-touch event.
Jongup: Oo, hi-touch.
Himchan: Ito na huling pagkakataon para sa akin sa edad na ito. Huling pagkakataon [HC (25) / Wag kang umiyak~ Pabo-yaㅠㅠ]
Daehyun: Alam namin

Daehyun: At ngayon babatiin na naman ang aming mga fans. Tara na!!! Okay! Alis na tayo! Saan ka? Anong ginagawa mo? Patawad.

Daehyun: Salamat sa inyong pagsusumikap! (sa Nihongo) Salamat! (x6) Pupunta na kaming hotel! Bye!

[Preview ng NAGOYA/OSAKA]
Yongguk: King of Baking, Bang Takgu (*2010 drama na King of Baking, Kim Takgu; takgu = pingpong)

Himchan: Naglaro sila ang mga bata, habang lumabas ako para maglakad-lakad. Gugustuhin ni Jongup pumunta rito.

Daehyun: Anong kinakain mo umagang-umaga?

© BAPYESSIR.COM #Bernz (Filipino)

No comments:

Post a Comment