Ikaapat na Kabanata ng Diary ng Pagsakop: “B.A.P Attack!”

Translator: Jireh
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/04/youngjae-tweets-bap-attack-clip.html



Yongguk: Kami ang B!

B.A.P: A! P!

Yongguk: A-

B.A.P: Ttack!

Caption: Ikaapat na kabanata ng Pagsakop sa Mundo.

Zelo: Wassup. Hello, pupunta kaming LA. Plano naming pumuntang LA. Lumala ung kondisyon ng balat ko. Makikita ko na ulit ung mga fans namin sa LA.

OH! Ang gwapong si Yongguk hyung.

Wag mong kagatin.

Wag. Kahit na hindi niya maririnig.

Kadarating lang namin sa airport. Ang paraan ng pagfifilm ko ay: sa loob ng bag ko. Ilagay ito sa bulsa at magfilm habang naglalakad ako. Maganda!

Caption: Masayang Zelo!

Zelo: Ganito kung paano umuupo ang B.A.P sa airport. Nakikita niyo ba? Daehyun hyung. Ah ang bigat~ Youngjae hyung.

Daehyun: Nasa Los Angeles kami. Matapos namin makarating sa hotel sa LA, pumunta kami rito para maglaro ng basketball. Pumunta kami rito para maglaro ng basketball, at ngayon, ang mga miyembro, at si Saejoong hyung, na palaging kumukuha ng mga litrato at nagtatrabaho ng mabuti, at ang mga tagarito ay naglalaro ng 3 on 3 game. Ngayon, panoorin natin!

Himchan: Daehyun, nasisiyahan ka sa mga katulad  nito diba?

Daehyun: Oo nasisiyahan ako. Ung naka red at white na shirt ay si Youngjae. At ngayon ung taong nasa harapan ko na nakaputing sapatos at may suot na New Era ay si Yongguk hyung. Magagaling sa basketball ung mga taga rito.

Ah anong giangawa  niya? Yoo Youngjae! Ah! Yoo Youngjae anong ginagawa niya? Ah lagot. Magaling si Yongguk pero medyo hindi magaling si Youngjae.

Jongup.

Jongup: Bakit?

Caption: Boluntaryong sumali si Jung Daehyun. Nakuha niya ung sa mga bata. Nakakahiya!

Daehyun: Titigil na ko sa paglalaro.

Yongguk: Park ito sa LA. Matagal na rin nang ung mga staff at mga miyembro namin ay naglaro ng basketball ng magkasama. Sa totoo lang, katatapos ko lang mag warm-up at tatakbo na sana ako pero dahil matanda na rin kami, sabi ng lahat ay umuwi na. Oo, babalik na ulit kami, sa kasamaang palad. May filming na naman bukas at mayroon pang ibang bagay na dapat gawin, kaya babalik na kami agad para magpahinga. Matagal na rin nung huli akong naglaro ng basketball, at para sabihin sa inyo ang totoo, napakabagal ko. Pero pag naglaro ako ng basketball, ako ang Kevin Garnett ng Gaebong-dong. Ngayon, mayroong data screen si Kevin Garnett.

Panaginipan niyo ako.

Youngjae: Hi sa inyong lahat! Ito ang New York's Morning ca-! Ah!!! Hindi pala New York, ulit uli.

Hi. Ito ay LA! Ito ang ikalawang araw ng umaga sa LA. Magandang umaga. Gabi sa Korea  ngayon, kaya nasa mundo na ng mga panaginip ang mga tao roon. Ngayon, mayroon kaming panayam sa Mnet America. At marami pang libreng oras, kaya...magkakaroon ulit ako ng masayang araw.

Yongguk: Ito ay isang observatory sa LA. Ito ang unang beses ko na makapunta rin dito pero, kung pumunta kami ng hapon, mas makikita namin ng maayos. Gabi na kami pumunta dito kaya, hindi namin makita ng mabuti.

Youngjae: Sarado na.

Himchan: Hindi.

Youngjae: Nagsasara iyan ng 10. Sarado iyan tuwing Lunes at Lunes ngayon.

Yongguk: Ah~ sa lahat ng mga araw ba naman, umuulan pa sa araw ng paglabas namin. Umakyat tayo ng bundok, pero sarado itong lugar na ito.

Himchan: Itong lugar na ito...

Daehyun: Aso! Mangangagat yan! Mangangagat yan!

Himchan: Hindi ba dapat pumunta ang mga magkasintahan dito?

Daehyun: Sa tingin ko guide dog siya, hindi ba?

Himchan: Tama ba ako? Pero kahit na...

Daehyun: Ginagalaw niya ung buntot niya salang~salang~?

Himchan: Pumunta pa rin kami dito kahit wala kaming mga kasintahan.

Daehyun: Oh, natatakot ako. Napakahaba nung binti nung tuta. Gusto kong mag-alaga ng tuta. Kung mag-alaga tayo ng tuta, anong mangyayari sa dorm.

Himchan: Sino makakaalam kung ano at saan dudumi ung aso.

Daehyun: At maapakan pa natin.

Yongguk: Madedepress ung aso.

Daehyun: Tama, dahil wala tayo palagi sa dorm, madedepress ung aso araw-araw.

Himchan: Halika na mga bata~ Halika na!!

Daehyun: Ppoppiya! Maling daan yan~

Himchan: Wag, wag, wag!

Yongguk: Maasahan ung aso.

Daehyun: Hey! Maasahan din kami! Mayroon tayong maasahang Jongup! Haha! Diba?

Yongguk: Huling concert sa US tour ang concert sa LA, at...talagang uhm...namimiss ko masyado. Sa susunod na taon, gusto ko pang bumisita sa mas maraming mga lungsod at mas maraming mga lugar. At dahil malaking bansa rin ang US, marami pang mga lungsod ang hindi pa namin nabibisita kaya, gusto kong pumunta sa iba't ibang mga lugar at makita ang mga fans.

Kami, ang B.A.P, ay pumunta sa mataas na lugar na ito at guguhit ng medyo mas malaking pangarap. Sa pamamagitan ng musika namin, gusto naming baguhin ang mundo, at hanggang sa umabot ang mga kanta namin sa buong mundo, hihintayin namin ang araw na iyon. At para sa araw na iyon, tumatakbo kami patungo doon. Bago kami magdebut, maraming mga tao ang nagreact at sinabing ambisyon lang iyan ng isang bagong grupo. Pero, inaabot namin ito paunti-unti.

Sa mataas na lugar na ito, hindi mo makita ang mga bituin diba? Pero magaganda ang mga bituin ngayon. Oh?! Ha~ ang galing, nakita ko. Hanggang sa ang bituing nakikita niyo ngayon ay maging kami, gusto kong gumawa ng magagandang mga kanta at maging mabuting tao at gusto kong maging musikero na makakapagbigay ng pangarap sa maraming tao. Salamat.

Jongup: Hello.

Youngjae: Hello.

Jongup: Kumain kami ng brunch ngayon.

Youngjae: Oo.

Jongup: Pagkatapos nun, mayroon kaming interview kasama si Danny sunbaenim at si Dumb sunbaenim. Masaya kami sa interview at pumunta kami sa Dennis beach, diba?

Himchan: Venice Beach.

Jongup: Hindi Dennis?

Himchan: Venice.

Jongup: Oo, pumunta kami sa Venice beach- nagsaya, at kumain ulit.

Youngjae: Oo.

Himchan: Hindi biro ang mga muscles ni Jongup.

Jongup: At kumain ng hapunan. Magandang gabi!

Himchan: Hindi biro ung chest muscle mo.

Jongup: Taba iyan. Taba.

Youngjae: Magandang gabi sa inyong lahat.

Daehyun: Ito ang waiting room at wala akong make-up. Sorry. Nakatulog na siya. Sa tingin ko pagod na pagod siya. Himchan hyung. Himchan hyung~ anong ginagawa mo?

Himchan: Ako?

Daehyun: Oo.

Himchan: Ano lang...

Daehyun: Parang,

Himchan: Dumudugo.

Daehyun: I-ooff ko na ang kamera.

Daehyun: Naghahanda na kami ngayon para sa make-up at pag-aayos ng buhok namin. Hindi pa nawawala itong kaibigan na ito simula nung pagdating namin sa US. Ano ka? Kung tighiyawat yan, gusto ko yang mawala. At, pag natapos na ang concert, pupunta kami sa UK. Sa tingin ko mahaba itong tour na ito. Gusto ko nang makita ang mga Korean fans at dahil wala namang ganon karaming tao na nakakapagsalita ng Korean dito, kapag wala ang mga staff members, nalulungkot ako.

Daehyun: Kamusta ang araw ngayon? Ayos ba? Masyadong dark ang eye make-up. Ngayon pag naghintay pa ako ng kaunti, makikita ko na ang mga fans at talagang tumitibok na ng mabilis ang puso ko.

Daehyun: Pupunta na kami sa stage. Aakyat na kami, kukunin ang mga in-ear at mic at maghahanda na talaga kami para sa pag-akyat sa entablado. Um...dahil ito na ang huling concert sa US, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko!

Zelo: Halos lahat ay mayroong dalang manika. Ano ang gagawin natin dito? Hyung~

Youngjae: Ang baby natin ay...

© BAPYESSIR.COM #Jireh (Filipino)

No comments:

Post a Comment