B.A.P Attack! Talaarawan ng Pananakop Kabanata 8: Taiwan

Translator: Bernz
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/04/youngjae-tweets-bap-attack-clip.html


[Pagsakop sa Mundo Kabanata 8 Daesty Road (tasty road)]

[Balitang Meokbang ni Jung Daehyun] (meokbang = eating broadcast)
Daehyun: Hello sa lahat! [DH (22) / taga-ulat ng meokbang] Ito ay si taga-ulat Jung Daehyun! Ngayon! Nasa Taiwan kami kung saan may sari’t saring pagkain. Magdadala ako ng iba’t ibang pagkain at raranguhan ko ang mga ito. A~ totoong gusto kong kumain pero ginagawa ko ito para ipakilala sa mga fans ang mga pagkain sa Taipei kaya wag niyong isiping ginagawa ko dahil gusto ko lang kumain. Gayunpaman, gagawa ako ng espesyal na video para sa mga fans sa uunting oras na binigay sa amin.

[Meokbang TIME]
Daehyun: Titikman ko ito na may mangga. Kagat muna kayo. [Sabihin niyo Ah~] Ngayon, titikman ko na. Patawad. … Bakit walang nagbebenta nito sa Korea? Meron? Napaka sarap.

Daehyun: Youngjae, gusto mo tikman?
Youngjae: Magpatuloy ka lang.
Daehyun: Sa totoo lang, gustong gusto ni Youngjae ang mango bingsoo. (bingsoo = shaved ice) Tama?
Youngjae: Ang sarap.
Daehyun: Medyo tunaw na pero masarap di ba?
Youngjae: Di mahalaga kung natunaw na o hindi.
Daehyun: Tama? Jongup!
Jongup: O?
Daehyun: Halika rito. Ikaw ang aking katulong. Pumarito ka.
[Katulong ng Maestrong Kain-Daehyun, Pin-Jongup]
Daehyun: Dito ka sa kabila dumaan.

Daehyun: Okay, ang bingsoo na may mangga… tumigil ka sa pagkain. Tigil.
Youngjae: Tumuloy na kayo sa susunod…
Daehyun: Tigil!!! Kailangan mong sabihin sa mga fans kung ano ang lasa.
Youngjae: Oras mo ito, kaya kakain lang ako.
Daehyun: A hindi! Tapos ka na! Alis ka na. Ito, tikim ka. Ikaw! Inumin mo ang lason!
Youngjae: Ang sarap rin nito.
Daehyun: Ah, tigil sa pagkain! Di ko pa nasusubukan iyan. Kumusta? Argh! Namatay siya! Ang mango bingsoo na nakakapatay ng tao (sa sarap).
Youngjae: Huwag ka ng umarte ng namamatay. Di na nakakatawa.
Daehyun: Ngayon, maglaho na po kayong dalawa.
Youngjae: Tapos na.
Jongup: Pwedeng pahingi ng isa lang?
Daehyun: Tapos na. Hindi! Di pa tapos iyan. Hoy, anong ginagawa mo?!
Youngjae: Magpatuloy ka lang.
Daehyun: Aaaah!!
Youngjae: Patuloy lang.
Daehyun: Sira na...
Daehyun: Ang susunod na ipapakila ko sa inyo ay chicken. Guys, meron rin tayong chicken song, di ba? 1 2 3 4!
Daehyun/Youngjae: (*Chicken Hip hop Song)
Daehyun: Jongup! 5 6 7 8
Jongup: (*Chicken Hip hop Song)
Daehyun: Swag hip hop chicken~ Patawad… gayunpaman, titikman ko na ang chicken. Kalasa rin kaya niya ang fried chicken sa Korea. Mukhang fried chicken. Titikman ko.
Youngjae: Kalahati tinimplahan, kalahati prinito.
Daehyun: Euk! Mukhang tinimplahan na siya sa loob. Ang Kentucky fried chicken ay chewy bbabang! Ang sarap talaga. [Naglalabas si Daehyun ng di matalong depensa] Hoy, alis! Alis! Naglipana ang mga langaw. Ang daming paraan para kainin ang chicken. Pwedeng gumamit lang ng pantuhog… alis. Alis!
Youngjae: Wala ako sa anggulo ng kamera.
Daehyun: Alis. Bilisan mo at umalis.
Youngjae: Aalis na ako…
Daehyun: Nahulog niya! Kung di mo gustong madumihan ang mga kamay mo, at gustong kainin ito ng mas sosyal, may paraan. May mga tinidor at mga kutsilyo na madali niyong makikita kung saan. Youngjae?
Youngjae: O?
Daehyun: Kantahan mo ko.
Youngjae: (*You are my destiny ng You Who Came from the Stars OST)
Daehyun: Cheon Songyi, nanunuod ka ba? Cheon Songyi, gusto kong pakainin kita. Saang planeta ka galing?

Daehyun: Youngjae, music cue!
Youngjae: (*inulit ang Bubble Tea song) [Natural na lumabas ang kasiyahan~ / Balikat ni Nasirang-Jung / Balakang ni Yoo-nasasabik-jae]
Daehyun: Oo, ito ang bubble tea. Sa totoo lang, di ko masyadong gusto ang bubble tea. Iyong maliit na bilog sa bubble tea ay di ko style kaya di ko laging binibili ito.
Youngjae: Mahilig sa bubble tea si Himchan hyung.
Daehyun: Tama! Kailan ka titigil kumain? Kung sasabihin kong masarap ito, e di talagang masarap ito dahil di ako mahilig sa bubble tea. Titikim ako ng unti.
Youngjae: Hello!

Daehyun: Guys, nakita niyo? Ang sandaling umakyat sa straw ang bubble tea.
Youngjae: Pakita mo sa amin ulit!
Daehyun: Papakita ko sa inyo.
Youngjae: Oh oh~ umaakyat [Bubble tea na hinihigop] Dalawa sa kanila! Dalawa! Chewy ba?
Daehyun: Wow, ang sarap ng bubble na ito! Talagang masarap! Ang… anong tawag dito… iyong bubble? Oo, iyong bubble… Ang bubble…

[Sasabog na]
Daehyun: Di ako galit. May dalawang natira… [May 2 (chicken) na lang ang natira ㅠㅠ] Guys, kumain lang ako ng isa’t kahalating piraso ng chicken hanggang ngayon.
Youngjae: Di namin nanakawin ang chicken mo. Wag ka mag-alala.
Daehyun: Dalawa na lang ang natira. Pag tumayo ako may masamang mangyayari.
Youngjae: Okay, e di uupo ako.
Daehyun: Sa huli itong mga cookie. Ah, ang amoy ay talagang… Parang kapag iniisip mo ang tinapay na castella, iyong malambot at matutunaw sa iyong bibig. Katulad noon ang ganoong pakiramdam. Ah, ito ang amoy na gusto ko. Titikman ko. … Merong jam na pinya sa loob. Parang ganoon ito. Sa mga pangmerienda sa Korea, [Kumukulo kumukulo]
Youngjae: Hindi. Itong mga piraso…
Daehyun: Sa mga pangmerienda sa Korea…
Youngjae: Mga piraso. Iiwan ko ang malaki sa iyo.
Daehyun: Sa mga pangmerienda sa Korea, may OOO na kakanin. (*OOO dahil sadyang hindi sinabi ni Daehyun ang brand) Iyong sikat na may palaman sa loob. Katulad nito iyon. Masarap!

Daehyun: Titikman ko ito. [Nag-aalala si Daehyun sa kakaibang hugis na cookie] Hindi masama [DH (22) / Matakaw X Kritiko ng Pagkain O] Di masama. Pero di ko imumungkahi. Alis, pakiusap. Di ako mapakali at di maganda pakiramdam ko.
Youngjae: Relax~
Daehyun: Ito na talaga ang huling putahe. Di ito putahe, cookie ito. Inaabangan ko ito. Sa tingin mukhang maganda di ba?
Youngjae: Oo!
Daehyun: Ok, unang kagat muna sa inyo. Uhm~ Masarap~ at kagat para kay Youngjae. Anong lasa? Pagpag mo rito. Wag kang magsinungaling. Nanunuod ang ating mga fans. Magsisinungaling siya para mapakain ako.
Youngjae: Ang lasa ay parang… Gawa sa mga sinulid na mahigpit na hinabi para maprotektahan ang kanyang mga supling.
Daehyun: O sige
Youngjae: Parang ganoon ang lasa.
Daehyun: Aaaahhh!!! [Isang piraso na lang ng chicken ni Daehyun ang natira!]

[Ang malungkot na piraso ng chikichiki hip hop chicken]
Daehyun: Sa lahat, ito… Ay lasang maharinang tinapay.

Daehyun: Magaling ako sa paggamit ng kutsilyo ngayon. Magiging 19+ na palabas ba ito? At ngayon… kagat muna ang mga hyung. Kagat rin ang mga noona. Kagat rin ang mga tatay. [At tahimik na tinago ni Daehyun ang kaniyang ekstensyon. Lumitaw si Youngjae para batiin ang chicken] Mga tatay… di iyon ganoon, kayong lahat.  Kagat rin ang mga nanay.  Kagat rin ang mga lolo, pati na rin ang mga lola.  At ikaw na nandiyan, kagat ka rin. At inay, nanunuod ka di ba? Mama, kagat ka rin. Si itay rin. Ngayon, kakain na ako. Kahit na wala na masyadong natira sa chicken na ito. Nahuli ko siya! Itong taong ito! Nahuli ko!

Daehyun: Okay lang. Makakain ng mabuti ang mga kagrupo ko ay parang nakakain na rin ako kaya ok lang.

[Mga saloobin tungkol sa meokbang]
Daehyun: Ang resulta ngayon ay… Madaming pagkain pero pinakamasarap ang chicken. Nawala ng walang bakas ang chicken na ito. Ah… napaka sarap. Talagang masarap. Masarap ang chicken at… Saan nagpunta ito?
[Si Youngjae, na di mapigilang ang pagpalakpak sa magandang mango bingsoo]
Daehyun: Walang natira maliban sa malulungkot na piraso ng mangga. Pwede niyo bang tugtugin ang ‘All Alone’ ni Lee Sooyoung sunbaenim para sa likuran? (*Kumakanta) May nag-iisang piraso na lang ng mangga ang natitira sa bingsoo.
Himchan: Hoy, kinain mo lahat? Di mo kinain ito di ba? [Masarap♡] Oh, ang sarap.
Youngjae: Nakakatawa talaga ito.
Daehyun: Gusto mo ng kapiraso ng mangga?
Himchan: Pinaka gusto ko ito.
Daehyun: O sige… [Daehyun… Magsaya ka na :|] Kayo, ang naiisip niyo dito sa ngayon? Ano ang ginagawa mo?
Youngjae: Katapusan. Gusto kitang tulungan sa pagtatapos.
Daehyun: Di kita kailangan, kaya alis.
Youngjae: Okay
[Kim Himchan na sinisinghot ang bubble tea]
Daehyun: O, kayong lahat. Ano ang naiisip niyo? Di ko alam kung anong naiisip niyo sa meokbang ni Daehyun ng B.A.P Pero nagsaya ako kaya lang di ko alam kung masaya para sa inyong aming fans.
Himchan: Alis na tayo? (*Nag-eensayo si Himchan ng Chinese)
Daehyun: Kinain nilang lahat at umalis. Kung ano pa man, kung maglalakbay kayo sa labas ng bansa, may maraming masarap na pagkain na sana ay matuklasan at makain ninyo. At ito si Daehyun ng B.A.P. Sana ay bigyan niyo kami ng maraming pagmamahal. Salamat!
Youngjae: Salamat!

[BTS ng meokbang]
Daehyun: Tatatlong piraso lang nakain ko!
Youngjae: Binuhay ko ito.
Daehyun: Tatatlong piraso lang nakain ko… wow!
Youngjae: Ako ang nagpabuhay ng lahat.
Daehyun: Ikaw ang nagpabuhay ng lahat?
Youngjae: Malaki ang naging parte ko nito. Pasalamat ka sa hyung na ito. Tawagin mo kong hyungnim. Hyungnim!
Daehyun: Hoy!
Youngjae: Hyungnim! Salamat hyungnim! Sabihin mo! Dahil sayo, isa na namang kabanata… Okay! Okay! Okay!

[Preview ng Singapore]
Youngjae: Hello sa lahat! B.A.P Attack!
Daehyun: Attack!
Youngjae: Plano kong ipakita ko sa inyong lahat ang mga larawang kinuha ko hanggang ngayon.

Youngjae: Si Hyung at Zelo. Si Himchannie hyung. Ang cute nila. Cute.

Himchan: Hello~

Daehyun: Hello~

Daehyun: Sa lahat, di ba may natuklasan tayong kamangha-manghang bagay?


© BAPYESSIR.COM #Bernz (Filipino)

No comments:

Post a Comment