BAP ATTACK! Diary ng Dominasyon 6: Dusseldorf

Translator: Kei
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/04/youngjae-tweets-bap-attack-clip.html


BAP: Kami ay B A P -- A...TTACK!

Dominasyon ng Mundo Chapter 6:
Nagbabahagi sa BABY

Caption: Ang Diary ng Pagsalakay Chapter 6: DUSSELDORF
Ini-engjoy yung Pahinga
2014.05.03  PM4:51
Papunta na sa kainan
Rekomendasyon ni Daehyun: John Legend - Save Room

Daehyun(22) / Kailangan ipakita yung mga astig na bagay
Ang ganda ng view
DH: Kita nyo ba? Merong fountain. Pati fountain meron.
Caption: Si Daehyun na gustong ipakita sa mga BABY yung view

DH: Di bale na, dahil ngayon ay Labor Day, pagkagising namin tahimik lahat at walang masyadong tao.
Caption: Sinong binabati niya?
DH: Hi~  Hi~
Caption: Hello?  Ako si Bang Yongguk, Bang Yongguk.
DH: Ngayon kakain na kami.  Hay ang sarap, nagrerelaks/walang masyadong ginagawa.  Let’s go!
Caption: (kaya ngayon, kain na tayo ng mga masasarap na pagkain!) Let's go!
Caption: Ang Diary ng Pagsalakay Chapter 6: DUSSELDORF
Episode ng paglusob ng Germany para sa almusal
2014.05.03  AM9:00
Umaga ng kaarawan ng concert

JU: Hrm~
Caption: Moon Jongup
JU: Junhong-ssi~
Z: Oo
Caption: Puting salita, Zelo (19) / Episode ng pagsalakay para sa almusal
JU: Kakain ka ba ng almusal dito sa Germany? Ganun ba?
Caption: Zelo (19) / Episode ng pagsalakay para sa almusal
Z: Opo, kakain na po kami ng almusal.
Caption: Moon Jongup
JU: Karaniwang ka bang kumakain pag umaga?
Caption: Zelo (19) / Episode ng pagsalakay para sa almusal
Z: Oh, minsan kumakain ako ng almusal, pero minsan din hindi ako kumakain ng almusal.  Kakain tayo ng almusal ngayon.
Caption: Moon Jongup: Magandang pag-iisip mo ^^
JU: Magandang pag-iisip mo.
Caption: Zelo (19) / Woo-jjujju Maknae
[T/N: ginagamit ang salita na “woojjujju” pag nakikipaglaro sa bata]
Z: Umaasa ako. Kung anong pagkain nilang ihahanda.
JU: Woooo~ Iyon ay German elevator.

Caption: Zelo (19) / Dalawang beses kang kumain ng marami (salitang balbal)
Z: Kasi pinupuno ko muna yung plato ko ng pagkain, yung Team Leader namin muna ang kailangan mag-film sa akin.  Anong kakainin ko?
Caption: Mabilis ang galaw ng mga tongs ni Jongup
Inaamoy~, Inaamoy~
Mas seryoso kaysa dati, pinipili ni Jongup ang meatball(?) [T/N Koreanong pancake na bilog)
Z: Do you speak English?
Chef: Yes.
Caption: Junhong-ah~ Ako din~
Chef: Omelet?
Z: Yes.
Chef: Okay, for you the same?
JU: Yeah.
Caption: Jongup (20) / Biglang pagod
JU: Nag-order kami ng omelet.
Caption: Jongup (20) / Taga pag-cheer sa omelet
JU: Masarap! Fighting!

Caption: Zelo (19) / Hong Baby
Ah Inaantok ㅠㅠ

Caption: Jongup (20) / Gourmet
JU: Sa wakas ang dakilang sausage~!  Nandito na ang dakilang sausage.

Caption: Nakakahangang Jongup

Caption: Zelo (19) / Magaling! Magaling!
Z: Sa una, hindi ako nakakain ng almusal sa Germany, pero ngayon, kumakain ako ng almusal.
Caption: Zelo (19) / Ginagamit ang Tinidor ~ogu ogu~
Z: Nawawasak na ang omelet.
Caption: Masarap ba ang omelet?
Jongup (20) / Hindi na makagalaw si Jongup sa sarap
JU: Yung lasa. Sobrang sarap.
Caption: Jongup (20) / Kritiko ng Almusal
JU: Naubos ko na yung sausage.  Sa tingin ko masarap.  Sobrang lambot.
Caption: Mapiling Jong
JU: Karaniwan kapag kumakain ako ng almusal, hindi ako masyadong kumakain ng mga sausage o bacon.  Pero ngayon na kinain ko ng ganito, masarap pala.

Caption: ~Ogu~ Magandang kain ang maknae line ~Ogu~
Z: Tapos ka na bang kumain?
Caption: Jongup (20) / Tinatapos ang Almusal
JU: Hindi pa. Meron pa akong kaunting Coke.

Caption: Jongup-ah, pagod ka ba kasi maaga kang gumising?
JU: (Ang B.A.P ATTACK ay isang) 100% Reality TV.

Z: Anong oras na?
JU: Hindi ba nakasulat diyan?
Z: Walang nakasulat dito. Anong oras na?
JU: 9:00 tayo dumating dito, so bali 9:20 na ngayon.  Pagkatapos nito, aakyat ulit kami at iidlip pa ng konti.
Z: At pagkatapos, anong oras dapat ang alis natin?
JU: 1:30 ng tanghali, dapat umalis na tayo ng hotel at pumunta sa rehearsal.  Tatapusin namin ang concert sa Germany, ang huling show para sa Europe.
Z: Ayun.

Z: Jonguppie-hyung.  Jonguppie-hyuuuuung~
JU: Oo, tama yan.
Z: Diba?
Caption: Nagustuhan mo ba yung mga concert sa Europe?
JU: Sunod-sunod ang London, Paris, at Germany.  Sa bawat na mga venue, mas lumalakas ang palakpakan ng mga tao (fans).  Dinig ko na mas ganyan ang Germany, kaya inaasahan ko yan.  Intindi ko yan.

Caption: Moon Jongup: Ah~ Busog ako!
JU: Ah, busog ako!  Oh? Nandito na tayo.
Z: Natapos ang almusal na German namin ng ganito.
Caption: Natapos na ang Episode ng paglusob ng Germany para sa almusal~
JU: Natapos na ang Episode ng paglusob ng Germany para sa almusal~ Paalam~

Caption: Ang Diary ng Pagsalakay Chapter 6: DUSSELDORF
Ang pagbili ng postcard ni Loveholic Himchan
2014.05.02  PM6:00
Old Town Alstadt

HC: O hello, ito si Himchan.  Lalabas sana ako kasama ng mga members pero tulog sila lahat ngayon.  Kaya kasama ko yung team leader ng kumpanya namin.  Ito ang Germany.  Sa Germany, maraming nagmamahal sa amin.  Kaya, para matupad yung pangako namin, dumating kami para makita sila.  Pagkarating namin kahapon, Labor Day kaya walang maraming bukas na mga tindahan kaya hindi naman kami naka pasyal.  Ngayon, pwede kami mamasyal.
Caption: Isang lalaki na hindi maalis sa pagiisip niya
HC: Gutom ako.  Pero ngayon, erm… Naglakwatcha ako sa Germany para bumili ng postcard para magsulat ako sa inyong lahat.
Caption: Balak ni Himchan na magsulat sa mga BABY na miss na miss niya
HC: Bili na tayo ng postcard? Hi~

HC: Bbang~ [T/N: ang “bbang” ay tinapay, pero ang pananalita ay parehas kay Bang Yongguk]
Caption: Hindi naman siya, pero isang display ng mga masarap na tinapay
Parang masarap yan… *lunok* [T/N: “jjeop” = nilulunok ang laway]
Caption: Gutom na Himchan
HC: Gutom na ako.

HC: Dapat uminom ako ng kape.  Meron naman akong card (credit card) na dala.
Caption: Himchan, isang lalaki na may-ari ng credit card (Dapat dalawang tasa lang ng kape kada araw!)

HC: Pagka hintay, pagka hintay, bumili ako ng kape.  Sa panahong ito, kahit saan man sa mundo pwede ka nang bumili ng kape.  Sa Germany, ang kape ay “coffee” pero sa France, ang tawag nila doon ay glacé.  Ang dapat mo daw sabihin ay "café glacé.”  Saan ba dapat tayo? Di ba doon?

Caption: Pagka dating sa Germany, ano ang ginawa ninyo?
HC: Tulog na tulog ako kahapon.  Mga 12 hours?  Hindi pa ako nakakain, kaya kakain muna ako.
Caption: Hindi din naman madaling uminom ng kape;
HC: Ah~ Gutom na ako~ Lumabas ako ng konti kagabi at talagang naramdaman ko yung damdamin ng mga German.  Wow~ Kahit ngayon ang ganda. Ipakita nyo po sa kanila.  Gusto ko din sanang makisali, pero kailangan ko munang bumili ng postcard.  Bibilhin ko muna.
Caption: Isang lalaki na sigurado sa pag apak niya upang magawa ang balak
HC: Pero bago pang bumili ng postcard, kasi gutom na gutom na ako, kakain muna ako.
Caption: Ay oo, kailangan kumain muna bago mag tingin-tingin. [T/N: salita sa Korea yun na kailangan kumain ang tao bago mag-sightsee/akyatin yung mga bundok]
HC: Kakain na, kakain ng simple lang.  Kakain ng simple lang at magugustuhan.

Caption: Simpleng Babati ni Chan si Chicken-nim :) [T/N: ang “Chicken-nim” ay isang Koreanong salitang balbal para sa Chicken God]
HC: Kakain na ako kasi gutom na gutom na ako.  Yung coleslaw. Ah, di dapat ako kumakain ng mamantika.
Caption: Nguyain ng mabuti at kain lang~

Caption: Lumakas ulit si Himchan pagkatapos niyang makita si Chicken-nim
HC: Ngayon na tapos na akong kumain, maglilinis ako at aalis na.

HC: Ah, busog na ako. Dito ba ang daan?  Nandito.
Caption: Rekomendasyon ni Himchan: Matt Wertz - Somebody’s Gonna Love You
HC: Nandito ako para bumili ng postcard.  Hindi ko alam kung anong magugustuhan ninyo, pero pipili na ako.
HC: Sori po.  Pero… Ayos ba ‘to? Ito? Sa tingin ko okay lang ‘to.
Caption: Parang may gusto si Himchan sa pusa na kamukha niya
Kasi para sa mga BABY ito, nag-iingat si Himchan
HC: Ah, hindi ito… Paano naman ito?
Caption: Mga asong grabe naman ng buhok
HC: Wow! Astig sila.  Ito ang bibilhin ko.  Maganda ‘to. Kasi madamdamin akong tao.
Caption: Sensitive na lalaki, ang pinili ni Himchan
HC: Mahilig ako sa bulaklak.  Bibilhin ko 'to.  Sa tour namin, para may alaala kami kasama ng fans namin,
Caption: Pagkatapos ng mahabang paglalakbay, bumili siya ng postcard!
HC: binili ko ang postcard na ito.  Ngayon, pagbalik ko sa hotel, magsusulat ako sa inyo, para sa inyo.
HC: Ngayon, pabalik na kami sa hotel. Oh, nandoon.  Oo, pabalik na kami sa hotel.
Caption: Kita ulit tayo kapag nandoon na sa hotel~ Bye!
HC: Kita ulit tayo sa hotel, bye!

Caption: Ang Diary ng Pagsalakay Chapter 6: DUSSELDORF

2014.05.03  AM1:48
Hotel room ni Himchan

HC: 1:48 ng umaga dito na.  Araw bago ng concert.  Yung postcard na binili ko kanina, magsusulat na ako.  Hindi ko alam kung paano ninyo lahat makukuha yung sulat ko.  Sinusubukan ko laging binabasa lahat ng sulat para sa akin galing sa fans.  Talagang pinag isipan nila yun.  Kaya, susubukan ko din magsulat ng isa.  Magiging maikli lang 'to.
Caption: Dapat ko bang pirmahan din?
HC: Dapat ko bang pirmahan din?
Caption: Himchan-ah, pag-isipan ng mabuti!  Pag-isipan ng mabuti!
HC: Ah, sori po.  Papagbutihin ko naman.  Kasama ang buong puso ko.
Caption: Seryosong nagsusulat
HC: Tapos na akong magsulat.
Caption: Para sa isang BABY lamang, ang sulat-ibig ni Mr. Kim Loveholic
HC: Hindi ako masyadong sigurado kung sinong makakatangap nito, pero sila lamang ang makaka basa nito.  Ipapadala ko.  Sana magustuhan mo~
Caption: (Nahihiya) Goodbye sa inyong lahat~
HC: Goodbye sa inyong lahat~

ABANGAN
Z: Jonguppie hyung?
JU: Ano?
Z: Anong kailangan mo sa akin?
Caption: MOON JONGUP
JU: Sa hinaharap, kung pwede na ako ng mag-release ng solo,
Caption: NASAAN KA?
JU: Talagang mas magaling siya sa akin.
Caption: ANONG GINAGAWA MO?
Z: Bilis, mag-disguise ka.
JU: Huwag mo akong tignan ng masama.  Huwag mo akong pabayaan.
Caption: Isang secret mission na maganap ng hatinggabi
Sigurong addicted ka na sa kanya
BAP IN AUSTRALIA

© BAPYESSIR.COM #Kei (Filipino)

No comments:

Post a Comment