Panayam ng 987 kasama ang B.A.P

Translator: Jireh
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/06/987fms-interview-with-bap.html


Q: Wala pang isang taon noong pumunta ang B.A.P sa Singapore. Ano ang na-miss niyo sa Singapore?
Himchan: Karaniwang kumukuha ako ng mga litrato ng mga fans tuwing may show kami, at kakatingin ko lang ung litrato ng mga Singaporean fans at talagang mukhang masaya sila. Kaya sana ang show namin bukas ay makakapagbigay ng parehas na kasiyahan.

Q: Bukod sa Chilli Crabs, may iba pa ba kayong gustong pagkain sa Singapore?
Himchan: Para sa akin, ung memorya namin ng Chilli Crab ay napaka-intense at sa ngayon, wala pa kaming tsansa para kumain nito. Pero ngayon, kakain kami ng Chilli Crab.

Q: Ano ang pinagkaiba ng First Sensibility sa inyong nakaraang album, Badman?
Yongguk: Tungkol sa hustisya ang Badman, mga bagay tungkol sa paglaban sa masama. Ang First Sensibility naman ay nakatuon sa mga maliliit na bagay sa buhay. Mga bagay na madalas na hindi napapansin ng mga tao. Kaya sa album na ito, sana ay masiyahan kayo sa maliliit na emosyon na nararanasan natin sa buhay.

Q: Dahil napakaemosyonal ng music video para sa 1004 (Angel), nahirapan ba kayong ipakita ang inyong mga emosyon?
Daehyun: Mayroon akong napakalungkot na role sa music video na ito. Kailangan kong umarte bilang isang napakalungkot na tao na gustong magkaroon ng minamahal. Dahil first time ko lang, talagang naging pagsubok ito para sa akin. Pero salamat sa mga miyembro at sa mga staff na napakamatulungin, nagawa kong gawin iyon.

Q: Ano sa tingin niyo ang kailangan para maging sexy ang isang lalaki?
Jongup: Iba-iba ang mayroon ang bawat miyembro namin. Ang bawat isa sa amin ay nagpapakita ng ibang mga kulay. Kaya sa tingin ko, natural na lumalabas ito at hindi pinipilit.

Q: Kung gagawa kayo ng K-Pop group na mayroong 6 na tao, sino-sino sila?
Himchan: Kung gagawa ako ng grupo, magiging puro lalaki iyon at sisiguraduhin ko na mayroong kakaibang personalidad ang bawat isa sa kanila.

Q: Kung isang araw ay nagising kayo bilang isang babae, ano ang 2 bagay na gagawin ninyo?
Himchan: Kahit na hindi ko pa naiisip ang sarili ko bilang isang babae noon, pero siguro ang una kong gagawin ay maglalagay ako ng make-up o makipagkita sa mga kaibigan kong babae para uminom ng kape.

Yongguk: Medyo matagal na nung pumunta kami dito sa Singapore. Maraming salamat sa mainit na pagtanggap sa amin ulit at gusto naming ibalik ang lahat ng pagmamahal at suporta na natanggap namin. Salamat!

© 987FM | bapyessir.com #Jireh (Filipino)

No comments:

Post a Comment