B.A.P Attack: Talaarawan sa Pagsakop Kabanata 2 New York

Translator: Bernz
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/04/youngjae-tweets-bap-attack-clip.html



[Pagsakop sa Mundo Kabanata 2 Akin ang New York~]

[Taga-ulat Jung Daehyun : 2014.04.11 10:00AM Incheon Int'l Airport / Bago umalis patungong US]
Daehyun: Hello sa lahat~ [DH (22) / Taong mala-lawa ang mga mata] Loob ng eroplano ito. [Ang... ang focus di gumagana?] Paalis kami papuntang New York. Paalis papuntang America.

Daehyun: Anong mukha iyan? Ako si Himeu-jjang! Ito ba iyon?
Himchan: Anong pinagsasabi mo? Dahil umaga ngayon... [(nag-aalala sa kondisyon ng kaniyang mukha)]
Daehyun: Dahil sa sleeping habits.

[YJ (21) / Intern ng Camera Team na nasa isang business trip patungong America; Gwapo~ Gwapo~ Gwapo~]
Daehyun: Di ka makakita ng maayos.

Daehyun: Junhong-ah~ [ZL (19) / Junhong Bunny]
Zelo: (Hello)
Daehyun: Tulog kang mahimbing.

Daehyun: Baliktad, baliktad. [JU (20) / …] Hi~

[Choi Junhong : 2014.04.11 05:00PM Tanghali sa Korea / Madaling Araw sa America]
Zelo: Alas singko y media na ng umaga. [Si Jongup ay parang mantikang natutulog]

[Taga-ulat Jung Daehyun]
Himchan: Binabasa ko ang mga sulat na galing sa mga fans. Ang dami no?
Daehyun: Maligayang bati.
Himchan: Ganito ako alagaan ng ating mga fans, anong ginagawa mo? [HC (25) / Kalahati ng 50 ngayong taon] Ha?
Daehyun: Ha? Ako?
Himchan: Jung Daehyun, anong hinanda mo?
Daehyun: Ako? Iniisip ko madalas ang ating mga fans.
Himchan: Hinanda ito (kaarawan) ng aming mga fans nang napaka-aga. [HC (25) / Napaka nakakalungkot na edad] Ikaw, dalhin mo ito pagdating natin.
Daehyun: Ito?
Himchan: Misyon iyan. [HC (25) / Nag-uumpisa na ng laro]
Daehyun: Anong sinasabi mo?
Himchan: Dahil kaarawan ng iyong hyung.

Daehyun: Fan ka ba ni Himchan hyung? [JU (20) / Lalaking fan na nabigyan ng puhunan galing kay Himchan] Kung oo, maglagay ka ng bilog sa taas ng iyong ulo. Bilog sa taas ng iyong ulo.

Daehyun: Whoa, whoa, whoa. Ano iyon?
Himchan: Merienda.
Daehyun: Anong kailangan nila para bumati?
Himchan: (Una muna) Pakita mo lang ang mga larawan. [HC (25) / Gwapo sa totoong buhay]
Daehyun: Oh tama, napaka gwapo niya. E sino ang taong ito?
Himchan: Kung 10 oras kang nakasakay sa eroplano, may mga masamang epekto ito. [HC (25) / Taong nakakaranas ng mahahabang biyahe] Tignan nga natin kung may larawang kasama si Daehyun? [HC (25) / Kolektor ng Patunay na Larawan(?)]
Daehyun: Ni isa siguro wala.
Himchan: Pwedeng merong isang larawan.
Daehyun: Fan mo ang gumawa nito para sayo.
Himchan: Daebak, merong isa!
Daehyun: Kailangan kong kumain ng tinapay.
Himchan: Andito.
Daehyun: Oh, ito nga. [Maligayang bati Himchan :D] Maraming salamat sa mga fans ni Himchan hyung. Mas lamang ako ng kakaunti sa kagwapuhan.

Daehyun: Pagkain namin, aayusin ang aming buhok at make-up, at nasa tamang katinuan na kami, magkikita tayong muli. B.A.P Yessir! Ito po si Jung Daehyun!

[Intern ng CamTeam Youngjae : 2014.04.11 12:50AM Isang araw na nasa eroplano]
Zelo: Naghanda ako ng skateboard dahil magpupunta akong America. [ZL (19) / Makabayan] Korea~

Youngjae: Dahil sa haba ng biyahe, ang kondisyon ng aming grupo ay di maganda. Pero dahil ito ay di pa napapakita ang aming bahaging ito sa aming mga fans, susubukan ko irekord ito.

Youngjae: Baseball Stadium~ [YJ (21) / Ikaw lang ang nakikita ko] Base.Ball.Stadium.

Youngjae: Malapit na ang paglapag, kaya kailangan na naming maghanda. Bye~

[Taga-ulat Jung Daehyun]
Jongup: America ito, kaya umaga na.
Daehyun: Oo.
Jongup: Umalis tayo sa Korea ng umaga. Umalis at dumating tayo, pero umaga pa rin. Pero naiisip ko na lumilipad tayo sa kaparehong bilis ng pag-ikot ng mundo.
Daehyun: Oo, naiintindihan ko...

[Taga-ulat Jung Daehyun : 2014.04.11 12:59AM JFK Int'l Airport]
Daehyun: Nasaan tayo? Nasaan tayo?
Youngjae: Nasa America.
Zelo: America!
Daehyun: Anong oras na?
Youngjae: Ala una na sa Korea at alas nuebe y media ng tanghali sa America.
Daehyun: Ah, syempre! Mas matalino kesa sa iba.

[Choi Junhong : 2014.04.12 11:41AM New York 5th Ave]
Zelo: Sumagot ka Youngjae hyung!
Jongup: Sagot sagot sagot!
Zelo: Youngjae hyung~
Youngjae: What's your name?

Zelo: Daehyunnie hyung~
Daehyun: Oh?
Zelo: Oras na para makita ang iyong ugat (ng buhok).
Daehyun: Tinakpan ko.
Zelo: Kailangan nating tignan.
Daehyun: Tinakpan ko ang aking ugat.
Zelo: Ah, talaga? O sige. Okay, bye bye.

[Taga-ulat Jung Daehyun]
Daehyun: Ano ang dahilan kung bakit tayo nagpunta dito?
Youngjae: Dahil lang. Habang napadaan, tumitingin lang.
Daehyun: Sino bumili ng juice mo?
Youngjae: Binilhan ako ni Daehyun ang juice.

Youngjae: Magkasama kami ni Daehyun, at magkasama sina Zelo at Jongup. Pero gustong gusto kami ng dalawang ito kaya sinundan nila kami. At si Himchan hyung at Yongguk hyung ay nagpunta kung saan.
Daehyun: Oo nga. Mag-rekord tayo ng madaming bagay ngayon.

[Taga-ulat Jung Daehyun : 2014.04.12 11:50PM Broadway St.]
Youngjae: Pupunta kami sa lugar na tinatawag na Soho. Dahil sa filming (Coffee Shop), di ako nakapuntang Soho. Daehyun-ssi nakapunta ka na ba doon?
Daehyun: Di rin.
Youngjae: O di ba? Di kami nakapunta ni Daehyun kaya pupunta kami sa unang pagkakataon. Kung ihahambing mo ito sa Korea, para itong Myeongodong. Parang... parang...
Daehyun: Gusto mo ang ganiyang klase ng bagay?
Youngjae: Kalye ng kabataan?! Ganoong klase ng bagay. Sasabihin ko ba ang ganoong klase ng pakiramdam? Tingin ko iyon na iyon.  
Daehyun: Ano, ano iyon?

Youngjae: Ako... [YJ (21) / Ang intern na di pa lumilipas ang probasyon] ako ay nagdala ng camera, pero um~ bumili rin akong 2 extra na mga baterya [YJ (21) / Bunso ng CamTeam ㅠㅠ] um~ pero pareho ay wala ng natitirang baterya. [YJ (21) / Bunsong Intern] Kaya nag-alala talaga ako. Kaya... bibili tayo ngayon ng baterya.
Daehyun: Oo, tara na, bili tayong baterya.

Daehyun: Pumasok sa loob si Youngjae para bumili ng baterya. Tumitingin tingin lang ako mag-isa. Tumitingin lahat sa akin pag napapadaan sila. Nahihiya ako. Kita tayo mamaya~

[Choi Junhong : 2014.04.14 2:40AM New York MoMA]
Zelo: Si Youngjae hyung at ang kaniyang kamera. Kumukuha siyang larawan gamit ang kamerang binili niya. Ang style ni Youngjae hyung ngayon, ang ganda no?

[(Kuha) Ni: MOON]
Jongup: Hello! Si Jongup ito ng B.A.P. Ito ang MoMA... Ang museo ng MoMA.
Himchan: Jongup-ah, hawakan mo ito. [HC (25) / Maharlika]

[Ito ang unang beses mong makakita ng ganito kagawpong Koryano di ba...?

[(Kuha) Ni: MOON : 2014.04.14 7:30PM Ot*f*ku (Kumakain ng merienda)]
Jongup: Takoyaki! [America ay talagang lugar para sa takoyaki; JU (20) / Ang lalaking na parang isang oras ang isang segundo; Naghihintay para sa takoyaki] Nandito na ang takoyaki.

Zelo: Sasabihin ba natin kay Yongguk hyung na magpunta rito?
Jongup: Nasaan siya?
Yongguk: Di ko alam na may hawak kang kamera~ [BYG (25) / Ang hyung na hinahanap na  hyung ni Jonguppie]

[ChanStrong : 2014.04.14 9:29PM New York Times Square]
Himchan: Sa lahat, ito ang...
Jongup: Mc*onald*~
Himchan: Ang daming tao di ba? Ang oras ngayon ... alas nuebe y media.

Jongup: Ang daming tao. At ito ang mga tao.
Himchan: Kalimutan na natin ito. [*T/N: tigilan na natin ito]
Jongup: Mukha silang masaya.
Himchan: Ikot ka. Ganito namin pinalilipas ang huling gabi sa New York at bukas...
Jongup: Dallas.
Himchan: … lilipad kami patungong Dallas. Idadaos namin ang aming konsyerto sa Dallas. Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya.

Himchan: Natapos na ang konsyerto sa New York, at matapos anf isang araw sa New York, patungo na kami sa Dallas.
Daehyun: Dallas~ [DH (22) / Rhymer ng Swag] Merong bagay sa Dallas ang medyo kakaiba~ [T/N: 달라 (dalla) ay magka-iba; at 달라스 (dallaseu) ay Dallas]
Himchan: Hello. Bumati ka. Wag kang humikab. Isa pa. Mas masigla. Bilis. Magpakita ka ng iba't ibang emosyon.

[(Kuha) ni Moon]
Jongup: Hello~ [JU (20) / Si Upjong na nagpagupit ng buhok] Umikli ang buhok ko.

[Taga-ulat Jung Daehyun : 2014.04.15 12:50PM La Guardia Airport]
Jongup: Nasa airport kami.
Daehyun: Airport nga ito no? LA airport ito. Hindi, NY airport ito. Dapat mas maaga tayong aalis, pero di tayo umalis.
Jongup: Oo.
Daehyun: Bakit di tayo umalis?
Jongup: Pandastorm [T/N: Sa tingin ko ay gusto niyang sabihin ay 'thunderstorm']
Daehyun: Ano?
Jongup: Pandastorm. Narinig kong madaming eroplano ang nakansela. Kaya tayo rin di naka-aalis agad. Ah~ Pandastorm.
Daehyun: Magbigay ka ng mensahe sa Pandastorm.
Jongup: Maling tao ang ginulo mo!! ... Salamat.
Daehyun: Mas direkta pa.
Jongup: Uh... [JU (20) / Da.Do.Nam. (lalaking malupit pero moral)] Humanda ka.

Jongup: Manunuod kaming baseball ngayon.
Daehyun: Kaninong laro ang panunuorin natin?
Jongup: Choo Shinsoo. [Nagsasaya; Manunuod kami ng laro ng manlalarong si Choo Shinsoo]
Daehyun: Manlalaro.
Jongup: Anong itatawag ko sa kaniya?
Daehyun: Madalas na naunuod si Youngjae ng baseball, di ba?
Jongup: Oo, kaya nga dahil... Ang pangalan ng atletang si Choo Shinsoo ay kaparehas ng kay Choo Sarang?

Daehyun: Mahilig ka ba sa baseball, Jongup?
Jongup: Ah, di ko gusto [Matatag] Baseball... Di ko gusto dati ang baseball tapos nanuod ako ng laro minsan at masaya siya.
Youngjae: Di ba?
Jongup: Di ko alam kung bakit.

Youngjae: Kapapanuod lang namin ng B.A.P Attack Ep.01. [Ang katangi-tanging balat ni Jongup] Ang saya kaya nagiging maramot kami ngayon... Nakikita kitang nag-zoom in. Nakikita kong palabas na lumalaki ang lens. Nakikita ko lahat. Zoom out. Zoom out.
Daehyun: Ang gwapo mo.
Youngjae: Zoom out!
Daehyun: Ginagawa ko ito dahil gwapo ka.

Jongup: Wag niyo pong gawin iyan.
Daehyun: Okay okay hindi na. Di ko na ii-zoom in.
Youngjae: Di na naka-zoom in ngayon.

Youngjae: Ang eroplano ngayon... dahil di maganda ang panahon...
Daehyun: Kalimutan mo na iyon. Magbigay ka ng mensahe sa ating mga fans sa Korea. Pakiusap magbigay ka ng unting mensahe sa ating mga fans sa Korea.
Youngjae: Sa aming fans sa Korea, mahal ko kayo.
Daehyun: Okay, Jongup, ikaw rin. Nag-iintay sa atin ang ating mga fans.
Jongup: Sa ating mga fans, bumili akong pantalon. Hindi, bumili akong palda.
Daehyun: Ha?
Jongup: Bumili akong palda.
Daehyun: Magugustuhan ito ng ating mga fans.
Jongup: Sabi ko, bumili akong palda.
Daehyun: Pakita mo sa amin.
Youngjae: Kembot mo pwet mo.
Daehyun: Pakiusap magbigay ka ng unting mensahe sa ating mga fans sa Korea. HInihintay nila tayo.
Jongup: Pag lumabas na ito, siguro ay nasa Ep.02 na ito. Kung ano pa man, katatapos lang ng aming konsyerto sa New York.

Daehyun: Dali. Pakita mo ng maayos. Pati mga daliri mo. Ito, ito. ... Ah, iyong maayos.
Jongup: Ah hyung. Hyung!
Daehyun: Ang OA ni Jongup ngayon. Jonguppie... ang ating mga fans...
Youngjae: Atakehin ko ang tuktok ng ulo mo!
Daehyun: Gawa ka ng puso, pakiusap.

Daehyun: Sa lahat ... Gusto niyo ang mga ganitong bagay no? Babalik kami agad agad. Kung tatakas ka kayo, huhulihin namin kayo!
Youngjae: Isa pa. Encore!
Daehyun: Kung tatakas ka kayo, huhulihin namin kayo! Abangan niyo ang B.A.P Attack! Kung ano pa man, mahal ko kayo~ng lahat! Bye bye!

[Behind Cut]
PD: Bakit iyan 'A'?

© bapyessir.com #Bernz (Filipino)

No comments:

Post a Comment