Panayam ng B.A.P sa Officially K-Music

Translator: Bernz
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/05/bap-interview-shoutout-for-officially.html


MC: (*Nagpapakilala ng mga MC) Kasama namin ang nakakamanghang grupong B.A.P. Maligayang pagdating sa Australia at maraming salamat sa pagdala ng Live on Earth sa lungsod ng Melbourne.

MC: Nagunita niyo bang magpupunta kayo rito o may alam ba kayo tungkol sa bansang ito bago kayo magpunta?
Jongup: Lagi naming pinapangarap na magkaroon ng world tour, at isiping kung aling mga bansa ang pupuntahan namin. Sa mga bansang ito, di namin inakalang makakapunta kami sa Australia ng ganito kabilis. Ang saya saya ko at gagawin ko ang lahat ng aking makakaya sa konsyerto na may magandang diwa.
Youngjae: Ang kuya ko ay isang taong nag-aral sa Australia kaya madami siyang nakwento sa akin. Sinabi niyang dapat kong makita ang mga kangaroo at napakaganda ng sinag ng araw. Maganda ang tanawin pati ang kalikasan kaya sinabi niya sa aking tignan ang maraming bagay at bumalik.

MC: Kunwari di kayo kasapi ng B.A.P at pumunta sa Australia para sa trabaho habang bakasyon, anong propesyon ang pipiliin mong gawin?
Zelo: Gusto kong pumunta para sa isang skateboard tour.
Jongup: Gusto kong subukang magtrabaho sa mga kainan.
Daehyun: Pag nanunuod akong drama o pelikula, napaka ganda ng pinapakitang karagatan ng Australia kaya kung kaya ko, gusto kong subukan kung anong ginagawa ng mga mas nakakatandang cool na lalaki -- maging lifesaver.

MC: Si Yongguk ay nahalala para sa Shorty Awards at nag-aabuloy sa UNICEF, World Vision at Save the Children, magandang makitang masidhi ka sa pagkawang-gawa. Meron rin ba sa grupong kasing masidhi sa mga pagkakawang-gawa?
Daehyun: Nang matuklasan namin si Yongguk ay talagang interesado sa mga ganoong katangian, kaming anim ay matinding naimpluwensyahan, at sinubukang tumulong sa UNICEF. Pumili kami ng isang lugar and masinsin kaming nag-aabuloy at tumutulong sa pagkawang-gawa.
MC: Maari niyo bang sabihin kung ano ang naghihintay o ang maasahan ng mga Australyanong tagahanga sa Live on Earth sa Australia?
Youngjae: Dahil ito ang aming unang beses maipapakita ang unang konsyerto ng B.A.P sa Australia, sa tingin ko ay maiipakita namin ang konsyerto na may kulay ng B.A.P sa umpisa hanggang sa huli. Ang pinakagusto namin habang kami ay nasa Australia ay ang makapunta ang mga tao sa aming konsyerto at talagang magsaya sila at maalala ito kapag nagbalik na sila.

MC: Maraming salamat sa pagpunta niyo rito lalong lalo na sa Melbourne at Sydney. Isang kagalakan ang makilala kayo at good luck sa inyong pagtatanghal.

© OfficiallyKmusic | bapyessir.com #Bernz (Filipino)

No comments:

Post a Comment