B.A.P sa Japanese K-Boy Paradise Vol.12

Translator: Jireh & Bernz
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/02/bap-will-be-on-japanese-k-boy-paradise.html

©bapyessir.com 
Q: Kung kayong dalawa ay gagawa ng unit, anong klaseng musika ang gagawin ninyo? Maaari bang sabihin niyo sa amin kung anong kanta ang kakantahin niyo at anong damit ang susuotin niyo, pati na rin ang pangalan ng inyong unit.
JU: Dahil nagtanghal na kaming dalawa bilang isang unit noong nakaraang concert, may pangalan na ang unit namin.
ZL: “MOON&ZELO” ang tawag sa amin!
JU: Dahil un ang tinawag ng fans samin, ganun na rin ang naging pangalan namin. Kahit na parehas kaming sumasayaw, medyo iba pa rin ang aming mga istilo. Kaya gusto kong subukan ang magkaroon ng isang dance performance na para sa aming dalawa lang.
ZL: Sa aspeto ng fashion at musika, match na match kami ni Jongup hyung (laugh). Kung kaming dalawa ay makakapagtanghal ng magkasama, gusto kong i-challenge iyon!

Q: Anong klase ng fanservice ang gagawin niyo sa fans sa unit na ito.
JU: (Silence) Siguro isang high touch event? Hindi siya masyadong karaniwan sa Korea. Hindi lang siya hawakan ng kamay, isa siyang espesyal na event kung saan kaharap namin ang mga fans at makiki-coordinate kami sa paghinga. (laughs)?
ZL: Umm, kailangan nating sabayan ang kanilang paghinga?
JU: Parang ganoon na nga! Mahalaga ang ritmo. Saka, dahil matangkad si Zelo, talagang magiging “high touch” (Malaking tagumpay)

Staff (Roar of Laughter)

Q: Matapos namin marinig na madalas kayong mag-usap tungkol sa kalawaka, medyo nag-alala ako sa inyong pang-araw-araw na pag-uusap. Sabihin niyo naman samin kung ano ang bagong hot topic sa pagitan ninyong dalawa.
JU: Sa kasalukuyan, nagiging interesado ako sa pagguhit kaya madalas ako magkwento tungkol dito. Pinakita ko kay Zelo ung mga ginuhit ko at binibigyan niya ako ng mga bagong ideya. Dahil hindi ako natuto ng maayos, di ako ganun kagaling magdrawing, pero pag may oras ako, gumuguhit ako ng kahit ano.
ZL:  Gumuguhit din ako, salamat sa mga hyungs ko.

Q: Kanina, may ginuhit si Himchan nung panayam. (laugh)
JU&ZL: Hahahaha.
ZL: Sa kasalukuyan, gustong-gusto talaga ni Jongup hyung ung palabas na “Frozen”, pero hindi lang sa min. Isang malaking boom din yun sa B.A.P (laugh).

Q: Noong nakaraang interview, sabi ni Yongguk na dahil sa impluwensya ng fans, nagustuhan niya si Tigger (laugh)
ZL: Iyong stuffed toy? Talagang inaalagaan ni Yongguk hyung ung mga Tigger na galing sa mga fans.
JU: Siguradong charm niya iyon.

Q: If you are able to switch ages with one of the older members, what is something you would want to say to them?
ZL: Sa totoo lang, sa isang Korean fanmeeting, naranasan namin ang magpalit ng mga edad kasama ng mga mas matatandang mga miyembro. Ngunit, dahil hindi kami madalas gumamit ng casual speech, di kami ganoon nakapagsalita kaya medyo naging nakakahiya. (laugh). Gusto kong subukan ang sabihin ang, “Good work~! Talagang nagtrabaho ng mabuti ang lahat~”  (Nagsasalita nang malapit ang kaniyang mukha sa balikat ng tao sa tabi niya) “Hey~! Pagbutihan pa natin~!” (Ginawang ganito へ ang kaniyang kilay) (laugh).
JU: HAHAHAHA (tumawa dahil sa mga glaw ni Zelo)

Q: Malapit na ang White Days diba? Kung ang taong nakaupo sa tabi mo ngayon ay nakakuha ng tsokolate mula sa babaeng gusto nila, ano sa tingin niyo ang ibibigay nila sa babaeng iyon sa White Day?
JU: (Hindi pa rin tapos tumawa dahil kay Zelo) Ah~ Dahil puno ng aegyo si Zelo, pwede siyang magsuot ng isang malaking ribbon sa kaniyang ulo tulad ng ginawa namin sa Korean fanmeeting namin. Pwedeng siya na mismo ang maging regalo, magugustuhan sigurado yan ng babae.
ZL: Hindi lang ang kaniyang pagsayaw, pero si Jongup hyung ay talagang magaling sa pagkanta. Pwede siyang maghanda ng isang pribadong concert para sa taong iyon. Talagang magiging isang espesyal na regalo yun, hindi ba?
JU: Kakanta ako tapos gusto kong si Zelo ang maging huling regalo (laugh). HAHAHA!
ZL: Ehh~ Ako? HAHAHA!
Translation © Luna @ bapyessir.com | bapyessir.com #Jireh (Filipino)

Group Interview 
©bapyessir.com  

©bapyessir.com 
Q: Unang-una sa lahat, binabati namin kayo sa pagkapanalo niyo sa Show Champion!
All: Salamat~! (pumalakpak silang lahat)

Q: Sa tingin ko talagang excited pa rin kayo tungkol doon, ano ang inyong nararamdaman ngayon at ano ang komento niyo tungkol sa mga bagay mula ngayon.
YG: (inayos ang postura) Imbis na maging emosyonal, iniisip namin na magtrabaho ng mas mabuti hanggang ngayon, kaya iyon ang aming ginagawa.
YJ: Maraming tao ang tumulong sa amin para maging first place kami. Para hindi namin masayang ang mga efforts ng mga tao, magtatrabaho pa kami ng mas mabuti mula ngayon at magpapakita ng magandang bahagi ng B.A.P.

Q: Noong nakaraang taglagas, nagkaroon kayo ng large scale tour sa Japan. Ang iba sa inyong mga detalyadong pagtatanghal ay naging paksa ng mga pag-uusap. Ano ang inyong mga naging impresyon sa tour.
DH: Ung paraan ng pagcheer ng fans para sa amin ay kakaiba. Sa Korea, ang mga fans ay nagtsi-cheer ng ganito (tinaas niya ang kamay niya at nagcheer), naeexcite sila at sumisigaw ng malakas, pero ang mga fans sa Japan ay nakikinig sa musika at tahimik na nagtsi-cheer sila sa kanialng mga puso. Noong una, di kami masanay doon, pero ngayon na nag-uumpisa na naming masanay dito, nagawa naming makibagay sa paraan ng pagtatanghal.
HC: Sa totoo lang, ung Japan tour ang tour na nakakuha ng pinakamaraming tao. Mula sa panahon na inumpisahan naming planuhin iyon, nag-alala kami. Tungkol sa kung paano kami magtatagumpay…
YJ: Talagang inisip namin iyon.
DH: Pero mas naging matagumpay ang resulta kumpara sa kung ano ang inexpect namin, at mas naging malakas ang loob namin sa pag-promote sa Japan. Naghahanda kami para makapagpakita kami sa inyo ng mas magandang concert.

Q: Ilalabas niyo na ang ikatlong Japanese single niyo na "No Mercy" sa ika-2 ng Abril. Congratulations!
All: Salamat!

Q: Ang Korean version ng "No Mercy" kasama ung rap sa dayalekto ng Busan ay nakakuha ng atensyon. Ano ang konsepto ng Japanese release ng "No Mercy" pati na rin ang mga bagay na gusto niyong pagtuunang pansin ng mga fans.
YJ: Nilabas namin ang kantang ito sa Korea isa’t kalahating taon na ang nakakaraan, kaya maraming beses na naming kinanta ang kantang ito sa mga practice at concerts. Sa tingin ko, sa pamamagitan ng Japanese version, maipapakita namin ang mas mature at mas mataas na kalidad ng musika at music video. Ang punto ng music video ay yung paggamit namin ng drums habang nagfifilm para sa dance break. Gusto ko sana kung masisiyahan kayo sa bahaging iyon.
DH: Ooh~ tulad ng inaasahan mula kay Youngjae!

Q: Pag pinag-uusapan natin ang pagsayaw, naiisip natin si Jongup, sabihin niyo naman sa amin kung anong aabangan namin sa choreography ng Japanese version ng "No Mercy"!
JU: Ah, ako? Isang masiglang sayaw.

Q: Sino ang tinutukoy mo?
JU: Ang lahat. Ngayon hindi lang malakas pero masiglang pagsasayaw din, at may pagka-high-class.
Z: Hmhm.
YG: Sa madaling salita, nag-level-up ang performance namin. (laughs)

Q: Maraming tao ang nagsabing naging fan sila matapos makita ang iyong aegyo sa inyong mga huling concert sa Japan (malungkot siya na malapit na matapos ang kanilang concert at nagpresentang umiyak at sabihin ang kaniyang sikat na “Pumunta tayo sa convenience store”).
YG: Nagpanic ako ng kaunti pero di ko talagang binalak na mag-aegyo. Kaya nagulat ako nang makita ng mga tao ito at inakalang may aegyo ako… (bumulong) Gagawin ko ang makakaya ko.
HC: (laughs)

Q: Ito ba ay isang bahagi na hindi mo madalas ipinapakita?
YG: (tumingin kay Himchan) Dahil kasama ko ang mga miyembro…kaya ginagawa ko iyong kasama nila, pero palagi akong nagpapakita ng isang matipunong imahe sa entablado. Dahil hindi pa ako nakikita ng fans na ganoon noon, sa tingin ko un ang dahilan kung bakit inakala nilang may aegyo ako.

Q: Ano ang iniisip ng mga miyembro nang nakikita ang lider niyo na ganito?
HC: Hindi naman sa cute siya palagi. Para bang pinapakita niya sa mga fans ang isang bagay na nakikita lang naming ng ilang beses sa isang taon…

Q: Maaari bang magsalita rin si Zelo tungkol sa lider?
Z: Hindi namin tinuring si Yongguk hyung na isang tao puno ng aegyo. Hindi naman talaga siya masyadong nakikipagkulitan sa amin, pero isa siyang lider na madalas na tahimik kaya hindi talaga inaasahan na makita siya ng ganoon kaya sa tingin ng fans na may aegyo siya. (laughs)
©bapyessir.com
©bapyessir.com 

Q: Iibahin natin ang paksa pero dahil nag poproduce si Yongguk, para sa bawat miyembro, anong klaseng kanta ang gusto niyong isulat niya? At Yongguk, ano sa tingin mo ang dapat sabihin ng bawat miyembro?
JU: (masayang nag-iisip) Hm, siguro masayang Hip Hop! Gusto ko magsulat siya ng masaya at funky na kanta para sa akin.
YJ: Hindi talaga yun malinaw. (laughs)
HC: Isang kanta tulad ng "Spy"?
YG: Para kay Jongup, sa tingin ko bagay sa kaniya ang musika tulad nung mga imahe ni Rene Magritte na humihiwalay sa mga framework.
JU: Mukhang maganda yan!
HC: Gusto ko ung parang "Sexy Clap".
YG: Si Himchan ay isang tao na masyadong conscious sa sarili niya. Isang kanta tulad ng litrato ni Frida Kahlo ang nababagay sa kaniya.
HC: (mukhang okay sa kanya) huhuhu…
Z: Gusto ko ng Hip Hop na may pagkamalayang pakiramdam.
YG: Si Zelo ay may malaya at batang imahe, kaya sa tingin ko bagay sa kaniya ung mga musika na tulad ng street art ni Banksy.
Z: Banksy… Sa tingin ko rin bagay din sa akin un!
YJ: (umirap kay Yongguk na natutuwang nakatingin kay Zelo na mukhang masayang-masaya) Gusto ko ng isang kanta na magandang pakinggan sa gabi.
YG: Kahit na mukhang seryoso si Youngjae, mahirap malaman ang dalawang tipo niya, at un ang misteryosong charm niya… (laughs)
YJ: Hindi yan totoo!
YG: Nababagay kay Youngjae ung parang monochrome na uri ng musika, ung para bang mga litrato ng Pranses na imbentor na si Étienne-Jules Marey.
DH: Para sa akin naman… Isang kanta na may mahihirap na vocals, isang kanta na may banda, o isang uri ng Hip Hop na kanta na may matataas na nota… ung ganoong uri ng kanta.
YG: Si Daehyun ay may imaheng tulad ng Jazz na musikero na si Miles Davis. Madalas din siyang gumuguhit. Magaling siya magpatugtog ng musika pero karamihan sa sining niya ay kakaiba, napaka-hardcore. Kaya sa tingin ko nababagay kay Daehyun ang musika na naiiba tulad ng mga guhit ni Miles Davis.
All: Ooh~ (tapos na ang komento ng lahat kaya pumalakpak sila)

Q: Ngayon, subukan namain nating magproduce ng kanta para kay Yongguk. Sa pagiging sikat sa mga fans dahil sa kaniyang aegyo, paano mapaparami ni Yongguk ang kaniyang mga tagahanga?
YG: Eh! (Mukhang nataranta o nalito siya sa kalagitnaan ng tanong) Bakit ako lang?! Nagpakita rin ang mga ibang miyembro ng kanilang aegyo nung concert!?

Q: Tulad ng sinabi ni Zelo, isang bagay iyon na hindi posibleng makita araw-araw kaya nag-iwan ng malaking impresyon iyon sa mga fans.
HC: Kung ganoon na nga, dapat hindi niya ito masyadong gawin sa isang taon. (laughs)

Q: Tama ka. (laughs) Anong side ni Yongguk ang dapat ipakita para matuwa ang mga fans?
HC: (umupo ng diretso) May kasabihan ngang "Ang magandang kapalaran ay mapupunta sa mga taong marunong ngumiti", hindi ba matutuwa ang fans pag ngumiti siya palagi?
JU: Hindi masyadong nagsasalita si hyung tuwing live. Kaya sa tingin ko kailangan niyang subukan ang pagiging MC para mas makausap niya ang mga fans.
Z: (tumango) Tama iyon. Kung magsasalita lang siya ng mas madalas…

Q: Hindi siya masyadong nagsasalita?
Z: Hindi naman sa hindi talaga siya nagsasalita, pero kumpara sa aming lahat, hindi siya masiyadong palasalita.
HC: Masyado nang nagsasalita sina Daehyun at Youngjae para takpan iyon.
DH&YJ: Ahahaha….
(Tahimik na tinanong ni Jongup si Himchan "Ung tanong kanina tungkol ba kay Yongguk hyung?" "Oo!" Sumagot si Himchan at nagtawanan silang dalawa)
YJ: Anong pinaguusapan niyo? Talaga… (laughs) Sa tingin ko okay na si Yongguk hyung kung sinuman siya ngayon.
DH: Sa tingin ko rin!

Q: Yongguk, dahil ang titulo ng bagong single niyo ay “No Mercy”, kelan nagpapakita ang members ng ‘no mercy’?
YG: Si Jongup ang karaniwang open-minded type, pero nagpapakita siya ng ‘no mercy’ sa tuwing sumasayaw siya. Si Himchan ay nagpapakita ng ‘no mercy’ pag kumakain siya.
HC: (habang tinitingnan ang mga miyembro) Dahil mayroon akong mga mababait na mga dongsaengs kaya nawalan ako ng mercy!
(Agad na umiwas ng tingin sina Daehyun at Youngjae. Sa hindi alam na dahilan, ngumingit naman sina Jongup at Zelo)
YG: Si Zelo ay palaging ginagawa ang lahat ng kaniyang makakaya sa tuwing nagpapractice, kaya napapakita siya ng ‘no mercy’ sa oras.
Z: Huhu! (proud)
YG: Nagpapakita ng ‘no mercy’ si Youngjae sa mga taong nagsasabi ng masama sa kaniya. (laughs)
All: Ahahahahahahaha!
YG: At si Daehyun naman ay nagpapakita ng ‘no mercy’ kapag sinasabihan siya ng masama ni Youngjae. (laughs)
DH&YJ: Ahahahahahaha!

Q: Isang mensahe para sa inyong mga fans na inihintay ang inyong susunod na tour!
YG: Hindi pa ganoon katagal nung natapos ang Japanese tour, at pinagsisisihan kong sabihin sa inyo na nagpaplano na kami para sa susunod (nagbibiro lang). Malapit na tayo magkita, kaya sana ay panoorin niyo kami tulad noong dati.
YJ: Pinatuunan namin ng pansin ang maraming mga bagay habang naghahanda para sa huling tour, pero maraming mga bagay ang hindi namin magawa sa huli. Ang pagcheck sa mga bagay tulad nito, pag-uusapan namin at aayusin para sa tour  na ito ay makapagiwan kami ng mas magagandang karanasan kumpara noon, kaya sana ay abangan niyo ito.
HC: (itinigil ang pagsusulat) Ang scale ng aming mga Japanese concerts ay napakalaki. Ibig sabihin din nito ay mas excited kami. Sa tingin namin na ang 2 oras na ito ay napakahalaga kaya sana ay abangan niyo ang 2 oras na iyon para makita niyo kami!
JU&Z: Alagaan niyo kami!

Translation ©Julie @BAPYESSIR.COM | bapyessir.com #Jireh (Filipino)
"Couple" Interviews
©bapyessir.com
CrossxTalk.03 No.1 na Sikat? Mabuting Magkaibigan Combo
Q: Kung kayong dalawa ay bubuo ng isang unit, anong uri ng musika ang inyong gagawin? Pakisabi sa amin kung anong kanta ang inyong aawitin, kasuotan, at pangalan ng inyong unit.
Youngjae: Ang pangalan ng aming unit… "Mga Pilyong Lalaki"? (sa Nihongo) Si Daehyun at ako ay mahilig  magbiro sa dorm.
Daehyun: Sa musikal… imbes na tulad ng estilo ng B.A.P, isang bagay na mahina… hindi, hindi, habang nasa estilo ng B.A.P…
Youngjae: Alin doon? (tawa)
Daehyun: Ah, sa tingin ko bagay tayo sa musika na mahina. Tulad ng R&B o ballad, mga tulad noon…
Youngjae: Daehyun, pinaligoy-ligoy mo~ (tawa)
Daehyun: Hindi pa rin ako desidido. (tawa)
Youngjae: (tawa) Sa akin, gusto ko ng musika na gugutuhin mong pakinggan sa gabi, habang pauwi galing trabaho o paaralan. Musika na hindi ganoon kainggay, melodya sa minor chords, iyon ang uri ng musika na gusto ko kantahin.

Q: Pakisabi sa amin kung anong fanservice ang inyong gagawin para sa mga tagahanga bilang isang unit.
Daehyun: Madami! Halimbawa, kantang "Nooneui Kkot" na napaka sikat sa Korea ay orihinal na “Yuki no Hana” (sa Nihongo, Nakashima Mika/Yuki no Hana), di ba? Sikat ito, di ba?

Q: Oo, napaka tanyag ito. (tawa)
Daehyun: Gusto kong kantahin ito minsan. Nadadama kong magiging masaya ang aming tagahangang Hapon kung kakantahin namin. (tawa)

Q: Kanta ito na kinakanta ng madaming artistang Koryano sa mga Hapon na konsyertong. (tawa)
Daehyun: Eeh~~ talaga? Di ko alam… Kung ganito, siguro ibang kanta ang mas maganda… Pag-iisipan ko.  (tawa)
Youngjae: E di, habang nag-iisip siya ng sagot. (tawa) Si Daehyun at ako ay mahilig talagang magsalita kaya gusto kong magkaroon ng event sa maliit na venue na may uunting tagahanga, kung saan magkakantahan at usapan.

Q: Maliban sa musika, ano ang gusto niyong subukang gawin?
Youngjae: Gusto kong subujan ang manzai? (tawa) [T/N: tradisyonal na estilo ng stand-up comedy sa Japan]
Daehyun: Huhuhuhu, mukhang maganda iyan! (tawa)

Q: Mukhang madami ang tagahangang gusto ang Daehyun at Youngjae, pero maliban sa “Gwapo kami” at “Magaling kami kumanta”, ano sa tingin niyo ang dahilan bakit kayong dalawa sikat?
Daehyun: Hindi, hindi, hindi (tawa)
Youngjae: Pinanganak kaming meron nito!!! (sa Nihongo)
Daehyun: Ano iyon? Kung ganoon, ako rin. (tawa)

Q: Malapit na ang White Day. Kung ang katabi mo ay makakatanggap ng tsokolate mula sa babaeng gusto nila, ano sa tingin mo ang ibibigay nila sa kaniya?
Daehyun: Habang photoshoot para sa poster ng aming Koryanong fanmeeting, kumuha kamo ng larawan na may rosas at napaka gwapo talaga ni Youngjae! Sa tingin ko nakakamangha kung si Youngjae ay magsusuot ng magandang suit at regaluhan siya ng mga rosas, tulad nang oras na iyon.
Youngjae: Ah~ (tawa) (tinatakpan ang bibig niya gamit ang kamay niya) Naintindihan mo.
Daehyun: At ako?
Youngjae: Si Daehyun ay may masculine na personalidad kaya hindi siya ang tipo na magsasabi ng mga romantikong bagay, maliban na lang kapag kumakanta siya. Kaya sa tingin ko ilalagay niya ang damdaming di niiya masabi sa kanta at malambing niyang haharanahin ito.
Daehyun: Ah~ (tawa) Maganda iyan, maganda iyan! (tawa)
Youngjae: (yakapin siya at parehong tinapik ang likod ng isa’t isa) Nga pala, Daehyun, nakapagpasya ka na ba sa kantang Hapon na gusto mong awitin? (tawa)
Daehyun: Ah, e di, siguro "Gamanhi Nuneul Gamgo (Hirai Ken/Hitomi wo tojite)"?

Q: Maaring karaniwang kanta rin iyon. (tawa)
Daehyun&Youngjae: A~ah (tawa)

Translation ©Julie @BAPYESSIR.COM | bapyessir.com #Bernz (Filipino)


©bapyessir.com
CrossxTalk.02 Maasikasong Visual Duo
Q: Kung magkakaroon ng kayong dalawa ng debut bilang isang sub-unit, anong estilo ng musika, kasuotan, tipo ng kantang gusto niyong awitin? Maaring sabihin niyo sa amin.
Himchan: Hmmm, dahil sa pagkanta ni Daehyun sa B.A.P ngayon ay may pagka malakas, kahambing sa vocal na rock. Napakahalagang magpakita ng kakaiba, at orihinal na mukha sa isang sub-unit. Kaya, masaya na subukang kumanta ng sensitibong ballad. Tutugtog akong piano!
Daehyun: Eh?! Hindi kakanta si Himchan-hyung?
Himchan: Di ako kakanta. (sa di malamang dahilan hindi maganda ang mood niya)
Daehyun: Eeeh, di maganda iyan. Dahil diyan, habang nag-eensayo, may mga panahon na si Himchan ay kumakanta ng ballad na may napaka gandang kapaligiran. Di ka ba interesado sa Himchan-hyung na may malumanay na boses na kumakanta ng ballad? (Patingin-tingin kay Himchan) Sa mga konsiyerto, talagang cool ang salaysay ni Himchan, sa tingin ko maganda ito. (Patingin-tingin kay Himchan)
Himchan: (Madramang tawa) Kung si Daehyun ay magsasalita ng sobra, susubukan ko siguro.
Daehyun: (ngiti)

Q: Ano naman ang pangalan ng unit?
Daehyun: Hmmm, "Himchan & Daehyun" ay maganda, di ba?
Himchan: E di "Him Daehyun"?
Daehyun: HAHAHAHAHA!

Q: Parang merong taong may ganiyang pangalan (tawa)
Himchan: Meron nga! Sa Korea, may mga 100 na tao [na may ganitong pangalan]. (tawa)

Q: O sige, bilang isang sub-unit, anong fanservice ang inyong gagawin para sa mga tagahanga na Hapon.
Himchan: Iibahin namin ang imahe naming dalawa na laging meron kami, si Daehyun na naguumapaw sa kagiliwan, at ako na magpapakita ng cool na imahe ng lalaki, ano sa tingin mo? Parehong si Daehyun at ako ay madaldal, kaya pwede kaming magkaroon ng “Talk Concert” kasama ng mga tagahanga, magiging espesyal na oras na may tapat na pag-uusap.
Daehyun: Ang mga tagahanga ay walang pagkakataong makapagsalit dahil magsasalita ng magsalita si Himchan. (tawa).

Q: Kayo ay parehong “visual” at “tagapagsalita”, pati na rin “malakas kumain”, pero mayroon ba kayong nakain ng sobra na masarap?
Daehyun: Ang pagmamahal ng aming tagahanga, siguro? (tawa)
Himchan: Masarap! (tawa) Pero hindi totoo ang tungkol sa "visual!"
Daehyun: Ahahaa. Pero madami nga ako kumain, tama!
Himchan: Ako rin, kahit ano kinakain ko, pero pagdating naman sa Japan gustong gusto ko ang melon pan. Gusto rin siya ng ibang ka-miyembro.

Q: Anong klase ng melon pan ang gusto mo?
Himchan: Melon pan ay melon pan. Meron bang sari-saring klase?

Q: Merong may cream sa loob, at meron ring may fruit jam…
Himchan: Eeeeh, may mga ganoon? Kailangan kong saibihin sa lahat!
Daehyun: "Yabai, yabai" (sa Nihongo) [T/N: ang Yabai ay may iba’t ibang kahulugan, sa kasong ito maaring “Oh my god/Oh crap/Nasa panganib ako [kakain ako ng madami]” ^^]

Q: Huling tanong. Ang katabi mo ay nakatanggap ng tsokolate mula sa isang babae, paano nila susuklian ang babaeng iyon sa White Day? You can imagine it.
Himchan: Si Daehyun ay… susuklian siya sa pagkanta ng isang love song? Dahil ang panuorin si Daehyun na kumanta ay nangangahulugang di ka pakakatingin sa iba!
Daehyun: Bibigyan siya ni Himchan ng sulat, sa tingin ko. Na may malalim na damdamin, magsusulat siya nang puspusan, at ang nilalaman ng kaniyang sulat ay romantiko. Talagang maantig ang babaeng makakatanggap.
Himchan: Kung titignan mo ng ganoon, talagang masigasig ako! (tawa)

Translation © Nicole @ bapyessir.com | bapyessir.com #Bernz (Filipino)

©bapyessir.com

CrossxTalk.06 Cool at Cute na Combo Magulang-Anak
Q: Kung bubuo kayo ng unit, anong estilo ng musika, kantang aawitin, kasuotan, at pangalan ng unit ang inyong pipiliin?  
Bang Yongguk: Sa aming dalawa, ipagpapatuloy namin ang aming gawain bilang BANG&ZELO. Bilang BANG&ZELO, paaralan ang temang ginamit namin dahil gusto naming ipahatid ang kwento ng pag-aalala, hinaharap, at pangarap. Kung gagawin namin iyon ngayon, gusto kong magkwento tungkol sa dalawang rappers na nag-aalala tungkol sa musika. (tawa)

Q: Pakisabi sa amin kung anong fanservice ang inyong gagawin para sa mga tagahangan Hapon bilang isang unit.
Zelo: (tinaas ang kamay) Meron akong magandang plano! Sa “Never Give Up”, si Youngguk hyung ay merong parte na “Gusto kita iguhit sa Art, gusto kitang isulat ng kanta sa Music” kaya gusto ko gumihit ng larawan ng isang tagahanga at ibigay bilang regalo. Iniisip ng mga mga tagahanga na di namin nakikita mga mukha nila mula entablado, sa katatohanan ay nalinaw naming nakikita. Bawat tagahanga na nagpunta sa konsyerto, nakikita ko ang inyong mga mukha!
Bang Yongguk: Sa kasong iyon, tulad ng parte ni Zelo (liriko) “Bili ng tinapay” ireregalo natin ng magkasama. (tawa)
Zelo: Magandang ideya! Pero, napapaisip ako kung matutuwa ang mga tagahanga. (tawa)
Bang Yongguk: Sa kabaligtaran, paano kung umuwi na lang sila? (tawa) Loko lang, biro iyon. (tawa)

Q: (Nagbiro si Yongguk...) Maiba tayo, Yongguk, sa twitter, nag-upload ka ng natutulog na mukha ni Zelo at nag-iwan ng mala-ama na komento “Maging isang ganap na tao na maliwanag na magnining-ning sa mundo.” Zelo, ano sa tingin mo ang punto tungkol kay Yongguk na nagiging mala-ama siya, at Yongguk, anong punto tungkol kay Zelo na tingin mo ay mala-bata?
Bang Yongguk: Noong una kong nakilala si Zelo, may malakas na kahalingan, kahit bata pa rin siya. Pero, ngayong tumanda na siya bilang isang ganap na artista. Kahit na (itinaas ang kamay lagpas sa kaniyang ulo) tumangkad siya ng ganito. (tawa)
Zelo: (ngiti)
Bang Yongguk: Pero, pagdating sa entablado, kahit ngayon ay siya ang minamahal na bunso na puno ng chatm.
Zelo: Hehehehe, salamat. Kung gayon, sa oras na ito ay ako. Sa akin, si Yongguk hyung ay isang mabuting ehemplong gusto kong sundan. Siya ay isang pinuno na may buo akong pagtitiwala. At, pag nagsusulat ako ng kanta, bukas kong pinapakita kay Yongguk hyung at humihingi ng payo. Pati, sa kabuuan ay mabagal siyang kumilos. (tawa)

Q: Sa huli, kung ang katabi mo ay makatanggap ng tsokolate para sa Valentine’s Day mula sa isang babae, ano ang sa tingin mong ibibigay nila kapalit para sa White Day?
Zelo: Dahil si Yongguk hyung ay taong nagpapahayag ng kaniyang sarili sa musika, malamang ay magsusulat siya ng kanta para ipahaid ang nararamdaman niya sa kaniya. Napaka simple, pero di ba dito nagbubunga ang mga maramdamin na kanta?
Bang Yongguk: Si Zelo, sa labas ng entablado, may pagka mahiyain at charming na katangian, kung kinakailangan, tingin ko ay makakapagpakita siya ng tapang at isang cool guy. Kaya, tulad ng isang lalaki, tingin ko na kasama ng kaniyang regalo ay tiyak na ipapakita niya ang kaniyang nararamdaman.
Translation © Luna @ bapyessir.com | bapyessir.com #Bernz (Filipino)
©bapyessir.com 

CrossxTalk.01 Magkapatid na Combo ng B.A.P
Kilalala sila, pati ng mga tagahanga, bilang matalik na magkaibigan. Meron sigurong mga bagay na pinagsasaluhan at pinaguusapan dahil malapit sila sa isa’t isa. Ngayon, gusto namin silang tanungin ng mas mabuti!

Q: Kung kayo ay bubuo ng isang unit, anong uri ng musika ang inyong gagawin? Pakisabi sa amin ang kantang aawitin, kasuotan at ang pangalan ng unit.
Bang Yongguk: Di ako makaisip ng magandang pangalan ng unit ngayon, pero mukhang masayang gumawa ng kolaborasyon kasama niya gamit ang ilan sa mga kanta na mas hahatak sa kaniyang atraksyon. Dahil sa tingin ko ang boses niya ay talagang kaakit-akit. Di nagagamit ng husto ang kaniyang mga talento sa mga kanta ng B.A.P, kaya gusto kong gumawa ng kanta na maaliw tayo sa boses ni Himchan. Pagkanta kasama siya ay mukhang napaka saya.

Q: Sa nakaraang panayam, si Himchan-ssi ay pinangalanan ang pares na ito ng “Oji-san” [T/N: matandang lalaki/lolo sa Nihongo] (tawa)
Himchan: Sinabi ko talaga iyon??
Bang Yongguk: (tawa) Paano naging pangalan ng unit natin ang "Oji-san"? Parang di tayo makakapag sayaw ng mga maliksing power dance. (tawa)
Himchan: May ganitong imahe ako sayo dahil ang bagal bagal mong kumilos.
Bang Yongguk: Hoy! (tawa)

Q: Pakisabi sa amin kung anong fanservice ang inyong gagawin para sa mga tagahanga bilang isang unit.
Himchan: Pagsasalitain ko si Yongguk sa harap ng aming mga tagahanga! Maliban sa “Punta tayo sa konbini!” Tuturuan ko siya ng ibang salita sa Nihongo, at pagagawin ko siya ng kakaibang fanservice! Mas ipapakita namin ang mga charm ni Bang Yongguk sa hinaharap, kaya abangan niyo po ito!
Bang Yongguk: Abangan niyo po ito, pero wag kayong masyadong umasa. (tawa)

Q: Sa katiyakan, maliban sa “Magpunta tayo sa konbini!” ano uri ng Nihongo ang gusto mong matutunan niya?
Himchan: Nag-aaral akong mabuti ng Nihongo dahil di rin ako ganoon kagaling… pero paano kung "Ikemen"?? [T/N: gwapong lalaki sa Nihongo]
Bang Yongguk: Nakakatawa ba iyan?? (Sa Nihongo), "Punta tayo sa konbini! ang pinaka maganda…”

Q: Si Yongguk-ssi ay tanyag para sa kaniyang pagkawang-gawa, pero kung magkakawang-gawa ka kasama si Himchan-ssi, anong uri ng bagay ang gusto mong gawin?
Bang Yongguk: Ang totoo di lang ako pero pati ang mga kagrupo ko ay interesado rin sa pagkakawang-gawa. Ngayon lang, ang aming mga tagahanga ay nagpakita ng pagkawili at nagbibigay ng abuloy, kaya sobrang naantig ako. Madalas silang nagbibigay abuloy sa mga nangagailangan ng tulong at suporta na nakalagay sa aming mga pangalan sa aming kaarawan bilang regalo. Pag naririnig ko ang mga ganitong kwento, talagang pinagmamalaki ko at naantig akong sa aming mga tagahanga sa pagiging kumprensibo at maaalalahanin.
Himchan: (ang mukha niya ay parang sobra siyang naantig) Kahit na kami ay talagang chingu (magkaibigan sa parehong edad), madami akong natutunan sa kaniya. Gagawin ko ang lahat kasama si Yongguk! Pero nakakahiya na hindi mo maipahayag ang sarili mo sa nakakaantig na kwento… (tawa)
Bang Yongguk: Hoy! (tawa) (hawak ang kaniyang dibdib upang ipahayag ang kaniyang kasiyahan) Naantig talaga ako!
Himchan: O, mas mabuti! (tawa) Mas mabuti, pero tingin ko ay kailangan mo pang matuto at mag-ensayo. (tawa)

Q: Huling tanong, dahil malapit na ang White Day, kung ang katabi mo ay makakatanggap ng tsokolate mula sa isang babaeng gusto nila, ano sa tingin mo ang ibibigay nila sa kaniya?
Bang Yongguk: Dahil si Himchan ay pinagluluto kami minsan, sa tingin ko ay magluluto siya o bibigyan rin niya ng bento na puno ng pagmamahal sa babae. Kahit na hindi ito perpektong pagluluto, sigurado akong sobrang masisiyahan siya dahil sa damdamin nito.
Himchan: Si Yongguk ay tipo ng lalaki na umaaksyon kesa sa magsalita, kaya walang ano mang sinasabi, sa tingin ko ay yayakapin niya ito para ipahayag ang kaniyang pagpapasalamat. Tulad ng pangunahing bida sa melodrama.
Bang Yongguk: Hoy! (tawa)
Himchan & Bang Yongguk: LOL
Translation © Yui @ bapyessir.com | bapyessir.com #Bernz (Filipino)

©bapyessir.com
CrossxTalk.04
Q: Kung kayo ay bubuo ng isang unit, anong uri ng musika ang inyong gagawin? Pakisabi sa amin ang kantang aawitin, kasuotan at ang pangalan ng unit.
Youngjae: Lahat alam na si Jongup ay isang dancer. Pero sa toto, may maganda rin siyang boses! Kaya kung bubuo kaming unit, pipili kami ng ano mang upbeat, R&B na pwede naming sayawan.

Q: Paano naman ang inyong kasuotan at ang pangalan ng unit?
Youngjae: Sa kasuotan… magsusuot kami ng maiksing manggas? (tawa) Di ko susuotin pero si Jongup ang magsusuot ng maiksing manggas at shorts. (tawa)
Jongup: (masaya) Sa tingin ko maganda iyon. Medyo malamig pa rin pero tama ito sa darating na panahon.

Q: Ah, mabuti naman. (tawa) Pakisabi sa amin kung anong fanservice ang inyong gagawin para sa mga tagahanga bilang isang unit.
Jongup: Magpapaturo ako ng Nihongo kay Youngjae hyung, at sa tingin ko magiging masaya ang aming MC corner sa konsiyerto. Pareho kaming magiging MC kaya hihilingin naming ipakita ang talento nila.
Youngjae: Pero tayong dalawa lang iyon, di ba?
Jongup: Ah, tama. E di tatayo na lan sila.
Youngjae: (tawa)

Q: Isang alam na katotohanan na kayong pareho ay madalas matulog, pero anong oras ang naiisip niyong nakakatulog kayo ng mahimbing? At meron pang pagkakataon na hindi kayo masyadong makatulo na humantong sa pagkakamali?
Youngjae: Kailan lang, ang mga tulog namin ay pag naghihintay o pag pumupunta sa mga lugar kaya di kami nakakatulog ng sapat. Pagkakamali… meron ba?
Jongup: Kadalasan si Daehyun hyung ang gumigising sa akin pero merong pagkakataon na sobrang pagod siya at di niya kami nagising kaya napasarap tulog namin. Swerte namin na di kami nahuli sa aming schedule pero simula noon maingat na kaming mapasarap ang tulog.

Q: Si Youngjae ang utak ng grupo, at si Jongup ang muscles. Sa unang tingin, mukhang kayong dalawa ay di magkakasundo pero merong bagay kayong pagkakapareho? O kaya alaala ninyong dalawa lang?
Jongup: Mabait si Youngjae hyung kaya kasundo niya lahat.
Youngjae: Kahit na minsan nangangagat ako. (tawa)
Jongup: Tama. (tawa) Pero nakikinig siya sa mga sinasabi ko at lagi kaming kumakanta o nakikinig sa musika nang magkasama. Noong una ko siyang nakilala, napakaimposibleng hindi mapansin ang kaniyang magandang personalidad. Minsan masyadong pinapakalat niya ang inosenteng katangiang meron siya. (tawa)
Jongup: hmhm. (di niya napansin ang panunukso!?)

Q: Dahil malapit na ang White Day, kung ang katabi mo ay makakatanggap ng tsokolate mula sa isang babaeng gusto nila, ano sa tingin mo ang ibibigay nila sa kaniya?
Youngjae: Sa tingin ko bibigay ni Jongup ang pinaka mahalaga sa kaniya, kung ano ang pinaka gusto niya.  Bibigyan niya siguro ng hamburger.
Jongup: Kailan lang, sa kaniyang kaarawan, binigyan ni Youngjae hyung ang mga tagahanga ng nirekord niyang mensahe. Naramdaman ko ang kaniyang kahinahunan at charm. Kaya siguro pagpapadala ng romatikong nirekord na mensahe bago matulog o paghaharana sa telepono ay cool.
Youngjae: Medyo nakakahiya~ (tawa)
Jongup: Ako ang gagawa.
Youngjae: E di hindi ako ang gagawa kundi ikaw? Ahahahahaha!

Translation © Julie @ bapyessir.com | bapyessir.com #Bernz (Filipino)
Solo Interviews
©bapyessir.com
Q: Pumunta kayo sa iba't ibang lugar sa Japan nang nakaraang taon, pero saang lugar, at anong pagkain ang pinaka nagustuhan mo?
Youngjae: Lahat ng pagkain sa Japan ay masarap. Ang mga pinaka naalaala ko ay sa tindahan ng udon at tonkatsu. Nasa malalaking pinggan ang pagkain! Kumain ako ng udon doon, at ang sarap ng pagkain at masaya ring kainin sa malaking hain.

Q: Ngayong nakatuon kayo sa musika, pero kung meron ka bang nais gawin sa hinaharap tulad ng aktor, or MC?
Youngjae: Maraming beses ko na sinubukan ang variety show, at ang hirap… (malayong tingin) Maliban sa maging masaya na nasa TV kami, kinakabahan at natatakot ako. (luha) Kaya ramdam ko na ayokong gumawa ng kahit ano mang promosyon. Sabihing wala akong masyadong kumpiyansa… kaya gusto kong magkaroon ng mas madaming konsiyerto at musikal na promosyon bilang parte ng B.A.P.

Q: Kung makakalikha ka ng kapitbahayan, magiging ano ito?
Youngjae: Gusto kong gumawa ng kapitbahayan na kung saan ay masaya. Walang isang taong nasa posisyon, gusto kong gumawa ng kapitbahayan na kung saan bawat isa ay matatamasa ang pagkakapantay-pantay at makadama ng kaligayahan.

Q: Mukhang madami kang interes. Narinig kong mahilig ka sa mga kamera…
Youngjae: Ang kamera ko ngayon ay iyong binil ko mismo, kaya iyon ang paborito ko.

Q: Tungkol sa iba mong gusto, narinig ko na gusto mo ng anime…?
Youngjae: (nagliliwanag) Oo!

Q: Sa kasalukuyan, anong anime ang kumukuha ng iyon pansin?
Youngjae: (nananabik) Sa ngayon, nanunuod akong "ONE PIECE" at "HUNTER X HUNTER". Natutuwa rin akong manuod ng OOO [T/N: sa di malamang dahilan tinanggal ang pamagat ng anime…].

Q: Tinatawag kang “Utak” ng B.A.P, at ang alaala mo ay kamangha-manghang magaling, naalala mo ba ang mukha ng mga tagahanga Anong tagahangang Hapon ang nakintal sa isip mo?
Youngjae: (mukhang humihingi ng patawad…) Sa totoo, di ako magaling makakaalala ng mukha ng tao.  Pero sinusubukan kong maalala ang mukha ng mga tagahanga sa hangga’t maari. A oo, (hagikgik) ang mga tagahangang tumatanim sa isipan ay ang mga may mga madamdaming papuri. Lubos akong nagpapasalamat sa pagkakaroon ng ganitong tagahanga.
Translation ©Nicole @BAPYESSIR.COM | bapyessir.com #Bernz (Filipino)

@bapyessir.com
Q: Sa inyong tour nang nakaraang taon, bumisita kayo sa sari-saring lugar sa Japan. Anong lugar ang naisip mong “Maganda ito” at anong pagkain ang naisip mong masarap?
Zelo: Di ko maalala ang pangalan ng mga pagkaing kinain ko… pero lahat ay masarap. Habang nasa tour, kumain ako ng maraming bento (mabibili mo ito sa kahit saang konbini) pero madalas kong kinain ang tonkatsu at udon. Sinabi na ng mga hyung pero ang laki laki ng lalagyan ng udon (tawa), napaka sarap.

Q: Anong lugar ang pinaka tumanim sa isipan mo?
Zelo: Titingin ako sa mga fashion magazine na Hapon at ang lugar kung saan kinuhanan nila ng larawan ang mga stylish na tao ay sa palagay ko ay maganda. Sa totoo, pag iniisip ko napaka ganda nito. Ang pinaka tumanim sa isipan ko ay kahit saan ka pumunta sa Japan, lahat maganda.

Q: Ngayong nakatuon kayo sa musika, pero maari mo bang sabihin kung meron, tulad ng aktor, or MC, na gustong subukan.
Zelo: Una, gusto kong magtuon sa musika, pero gusto kong subukang umaarte. At dahil makakatulong kung makakaranas ako ng iba’t ibang bagay dahil bata pa ako. Dati, meron akong pagkakataon na maging parte ng musikal at napaka kagiliw-giliw ito. May malaking presyon noong panahon na iyon. (buntong hininga at maliit na boses) Sa ating dalawa, di ko talaga gustong gawin, pero kagiliw-giliw itong karanasan. Sa paglipas ng panahon, naging mabuting alaala at karanasan ito. Gusto kong maranasan ulit ito.

Q: Kung makakalikha ka ng bayang gusto mo, anong klase ang lilikhain mo?
Zelo: Tulad ng Vancouver, Canada. Gusto ko gumawa ng bayan  na gawa sa yelo. Kung sa Korea, gusto ko lumikha ng lugar tulad ng Apgujeong.

Q:  Ang mga tagahanga ay mukhang nawiwili sa iyong fashion. Sa kasalukuyan, ano ang paborito mong gamit?
Zelo: Oo, may mga taong sinusuri ang aking fashion at aksesorya, pero wala akong masyadong alam. Ang kagustuhan ay iba sa bawat isa. (tawa).

Q: Ano ang pinaka pilyong bagay na ginawa mo kailan lang?
Zelo: Ummmm, lagi kaming naglalaro, pero tuwing ensayo, pinapatawa ko sila sa aking sayaw.

Translation © Luna @ bapyessir.com | bapyessir.com #Bernz (Filipino)


©bapyessir.com 
Q: Pumunta kayo sa iba't ibang lugar sa Japan nang nakaraang taon, pero saang lugar, at anong pagkain ang pinaka nagustuhan mo?
Yongguk: Di siya iisang bagay lang, pero ang Japan ay iba sa Korea, napaka marikit at presko. Gusto ko ng sushi kaya nagpunta kaming sikat na sushi restaurant sa Tokyo. Di ko maalala ang pangalan pero napaka sarap. (meron siyang nostalhik itsura sa mukha)

Q: Ngayong nakatuon kayo sa musika, pero kung meron ka bang nais gawin sa hinaharap tulad ng aktor, or MC?
Yongguk: Gusto ko masubukan ang maging producer. Masaya ring tumayo sa entablado, pero bilang producer sa tingin ko magiging masaya na makita ang iba sa musika at materyal na nilikha ko.

Q: Kung makakalikha ka ng kapitbahayan, magiging ano ito?
Yongguk: Isang madilim na lugar na kung saan ang liwanag ay nagnining-ning sa ilang lugar. Ang ganoong klaseng lugar ay maganda.

Q: Madilim na lugar?! Bakit?
Yongguk: Sa lipunan ngayon, lahat ay kalat-kalat at kanya-kanya. Kung may liwanag lang sa iilang lugar, di ba ang mga tao ay hahanapin ang liwanag at magtitipon doon? Iyon ang naiisip ko, magiging madali ang tumira doon na sama-samang maglalakad lahat.

Q: A, sa tingin ko mukhang maganda iyan. (Sa puntong ito, ang paghuni ni Himchan ay nagpapahirap na marinig si Yongguk)
Yongguk: Ok ka lang? Laging ganito si Himchan. (tawa) Hoy, Himchan! Hinaan mo, hinaan mo!

Q: Salamat (tawa) Gusto mong maging mabuting impluwensya sa tao, pero sa parehong pagkakataon, meron bang mga tagahanga at kagrupong nag-impluwensya sayo?
Yongguk: (masaya) Ang mga kagrupo ko ay laging masiyahin at masigla kaya naging ganoon rin ako pag kasama sila. Ang personalidad ko ay mas sumigla, kaya naimpluwensyahan nila ako ng ganoon. Ang mga tagahanga ay natutuwa kung ano mang gawin namin, pero di iyon simpleng bagay. Nakakaramdam ako ng respeto at pagpapasalamat, at tawag ng tungkulin.

Q: Dahil sa mga aksyong ito at iyong ngiti, nakatanggap ka ng palayaw na “Bang Buddha” [T/N: "St. Bang," parang ganoon ^^;;] in Korea, pero anong palayaw meron ka sa pagkabata?
Yongguk: Noong maliit pa ako, ang apelyido ako ay di karaniwan, kaya nakakakuha ako ng palayaw sa ganoong paraan. Bang-kun. Iyon lang.

Translation © Nicole @ bapyessir.com | bapyessir.com #Bernz (Filipino)

©bapyessir.com 


Q: Pumunta kayo sa iba't ibang lugar sa Japan nang nakaraang taon, pero saang lugar, at anong pagkain ang pinaka nagustuhan mo?
Jongup: Lahat sa Japan ay maganda, sa akin lang… ang pagkain na may curry at udon noodles… Curry udon? Dahil unang beses ko kumain nito, para sa isang tao isang malaking pinggan ang lumabas, kaya naalala ko na sobra akong nagulat.

Q: Ngayong nakatuon kayo sa musika, pero kung meron ka bang nais gawin sa hinaharap tulad ng aktor, or MC?
Jongup: Gusto kong subukan lahat, madaming bagay.
Staff: Ooooooh.
Jongup: (nagmamadali, naramdamang nasentro siya) Pero di ibig sabihing may kumpiyansa ako na gawin ang madaming bagay… Gusto kong maranasan ang madaming bagay at makita kung ano ang kawili-kawili. Pag-MC, pag-arte, gusto kong subukan lahat kahit minsan lang.

Q: Kung makakalikha ka ng kapitbahayan, magiging ano ito?
Jongup: Isang bayan na lahat magkakilala at namumuhay bilang magkakaibigan, ganoong klase ng lugar. Gusto ko ng lugar kung saan ramdam ng lahat na isang pamilya sila.

Q: Kilala si Jongup sa pagiging atletiko, pero anong klase ng laro ang kumpiyansa ka sa iyong kakayahan?
Jongup: Gusto ko ang soccer at basketball. Kaso di ako magalaing sa mga ito. (tawa) Gusto kong tumakbo takbo at maglaro kasama ng iba. Gusto kong gumawa ng bagay sa grupo.

Q: Nang panahon mo bilang mag-aaral, anong ang nilalaro mo?
Jongup: Wala. Iyon ang nagpapakitang wala akong atletikong kakayahan. (pilit na tawa). Pero (habang gumagawa ng galaw para sa pagtakbo) gusto ko ang pagtakbo.

Q: Noong isang araw ay kaarawan mo, at nasa wastong gulang ka na, pero pinagdiwang ba ng mga kagrupo mo ang iyong kaarawan?
Jongup: (masaya) Oo, nagdiwang kami tulad ng dati. Pumunta kami sa sinehan para manuod ng “Frozen.” Ang saya talaga.

Q: Di ba kayo nakikilala ng mga tagahanga sa sinehan?
Jongup: Minsan nangyayari iyon, pero sa mga late show kami nagpupunta kaya unti ang tao, at madili sa loob ng sinehan kaya ok lang.

Q: Nakatanggap ka ba ng cake?
Jongup: Nakakuha ako mula sa aming mga tagahanga, kinain namin iyon. Masarap, maraming salamat!

Translation © Nicole @ bapyessir.com | bapyessir.com #Bernz (Filipino)

©bapyessir.com
Q: Pumunta kayo sa iba't ibang lugar sa Japan nang nakaraang taon, pero saang lugar, at anong pagkain ang pinaka nagustuhan mo?
Daehyun: Di ba iyon… Nagoya? (masaya) Ang chicken wings sa Nagoya! Ang sarap talaga nito.

Q: Parang gusto niyong lahat ang chicken wings. (tawa) Pumunta ba kayo sa tanyag na restoran?
Daehyun: Di kami pwede. (tumingin sa baba, pero masaya ulit) Pero ang aming mga tagahanga ang bumili para sa amin!

Q: Anong lugar ang iyong naalala?
Daehyun: Merong lugar na nagkaroon kami ng Tokyo fanmeeting… hm~ (inikot ang kaniyang upuan at tinanong ang isang staff) Saan nga ulit iyon? A, sa Marui City ng Shibuya. Naalala ko ang Marui City. (sa Nihongo) Fashionable ito.

Q: Ngayong nakatuon kayo sa musika, pero kung meron ka bang nais gawin sa hinaharap tulad ng aktor, or MC?
Daehyun: Oo naman, gusto ko magpatuloy na kumanta hanggang sa araw na mamatay ako! Pero kung kailangan kong gumawa ng ibang trabaho, gusto kong sumali sa isang musikal. (habang  I want to continue singing until the day I die! But if I had to do another job, I'd like to participate in a musical. (habang gumagawa ng galaw para sa pag-arte) gustong gusto kong umarte habang kumakanta.

Q: Kung makakalikha ka ng kapitbahayan, magiging ano ito?
Daehyun: Gusto ko ng lugar na nakalinya ang mga lumang baldosadong bubong, na may bulaklak na namumukadkad… iyon ang gusto kong gawin.

Q: Dahil taga-Busan ka, saan sa Busan mong gustong bumisita ang mga kagrupo mo?
Daehyun: Mahilig sa seafood ang mga mas nakakatanda, kaya dadalhin ko sila sa Jagalchi Fish Market (isa sa pinaka malaking pamilihan ng isda sa South Korea, na nasa timog ng Busan) (tawa) Matapos ko dalhin sila sa Gwangalli Beach, gusto kong sama-sama kumain ng sashimi.

Q: Tulad ng inaasahan mula sa Busan, kung saan madaming lalaki ay bossy, ang iyong ideyal na tipo ay tulad ni Shim Saimdang (ang babae sa perang 50,000₩), mabuting asawa at marunong na ina. Pero sa itsura, ano ang iyong tipo?
Daehyun: Di ako masyadong nagpapahalaga sa pisikal na anyo pag tumitingin sa kababaihan, pero kung may sasabihin naman ako, gusto ko ang sino mang banayad? Madaling makasundo… (di makahanap ng tamang salita, nasa ulo niya ang kaniyang mga kamay) Di ko alam kung paano ko sasabihin ito. (tawa)

Q: Taong mahinahon?
Daehyun: Oo!  Mahinahon, at para sa kaniyang itsura, iyong di mukhang matapangi; ganoong klase ng tao.

Q: E di ang gusto mo ay taong mukhang at isang mabait at maamo?
Daehyun: Oo!
Translation © Julie @ bapyessir.com | bapyessir.com #Bernz (Filipino)

©bapyessir.com 
Q: Nagpunta kayo sa iba’t ibang lugar sa Japan nang nakaraang taon, saan mo pinaka nagustuhan?
Himchan: (masiglang ngiti) Sa kalahatan, gusto ko lahat. Tahimik saan ka man pumunta sa Japan,  sa tingin ko ito ay isang bansa kung saan mo talagang mararamdaman ang kultura.

Q: Meron bang lugar na nakintil sa iyong isipan o saan mang gusto mong puntahan sa susunod?
Himchan: Tumanim sa isipan ko ang tanaw sa gabi ng Tokyo. Napaka ganda talaga. Naramdaman ko ang kultura ng Japan sa pagtanaw sa siyudad mula sa hotel. Sa susunod na magpunta ako sa Osaka, gsuto kong bumisita sa Osaka Castle.

Q: Anong pagkain ang nagustuhan mo?
Himchan: (agad-agad) Hitsumabushi! Pati, ang chicken wings ay talagang masarap. Ang okonomiyaki atmonjayaki ay masarap rin.

Q: Meron ka bang ibang uri ng trabaho na gusto mong gawin sa katagalan maliban sa pagiging mang-aawit?
Himchan: Naging MC ako noong panahon ko bilang trainee at gusto kong gawin ulit iyon kung bibigyan ng pagkakataon. Pati, umarte sa mga MV, naisip kong ang pag-arte ay nakakagiliw na propesyon.

Q: Kung makakalikha ka ng kapitbahayan, magiging ano ito?
Himchan: Gagawin ko itong madamdaming lugar para sa sino mang bibisita.

Q: Kilala ka bilang fashionable. Ano ang binibigyan mong pansin maliban sa damit?
Himchan: Pinipili ko ang mga damit ko ayon sa anong nararamdaman ko sa araw na iyon. Wala akong partikular na binibigyang pansin maliban sa hindi masyadong maging pansinin. Halimbawa, sa aming mga kagrupo…
Staff: Wag ka na magsabi ng kung ano pa man.
Himchan: Ok lang bang sabihin? (tawa)
Staff: Hindi~
Himchan: Hm~ Sayang naman, sa susunod na lang. (tawa)

Q: Ano ang mahalagang bagay sa iyong kasuotan?
Himchan: Sapatos. Ang spataos at sinturan ay napaka importante, kesa sa pangtaas at pantalon. Pag mas litaw ang sapatos at sinturon ng kakaunti, mas mukhang maganda ang kinalabasan ng kasuotan.

Q: Kilala ka sa pagkuha ng larawan ng mg tagahanga at i-upload mo online. Anong uri ng tagahanga ang gusto mong kuhanan ng larawan?
Himchan: Mga tagahangang nakangiti at mga tagahangang humihiling kunan sila ng larawan. Pati, mga ngumingiti at pumoporma kapag tinututok ko ang kamera ko sa kanila. Pero ang hirap kasi may mga tagahangang tumatakbo pag sinusubukan kong kuhanan sila ng larawan. (tawa)

Q: Bakit sila tumakbo?
Himchan: (nakakaawa) Sa tingin ko dahil ayaw nilang magpakita ng mukha. Pag may mga tagahanga na pumoporma at mukhang masaya, may pagkakataon na kukuha ako ng madaming larawan. (tawa) Sa toto lang gusto ko kuhanan ng larawan ang bawat sabik na fan sa aming konsiyerto, at nakakalungkot na di ito maari. Kaya pag hinahanda ko ang aking kamera lahat nakatingin sa akin. Gusto kong kumuha ng larawan ng mga tagahanga habang nanunuog sila sa entablado…
Translation © Julie @ bapyessir.com | bapyessir.com #Bernz (Filipino)
Behind the scenes report
©bapyessir.com 
Kapapanalo lang ng B.A.P sa unang beses sa araw ng kanilang photoshoot. Ito siguro ay dahil excited pa rin sila, pero kumpara dati, medyo kakaiba ang mga bagay-bagay. (laughs) Sana ay abangan ninyo ang bawat miyembro na hum ng hum ng mga kanta habang nag-iiba sila ng mga damit, ang miyembro na tingin ng tingin sa batok ng isang staff, pati na rin ang iba’t ibang personalidad ng mga miyembro, at ang all around na pinuno!

Kaming B.A.P ay nagbabahagian ng kasiyahan!

Ito ay nangyari sa Korea, sa kalagitnaan ng Pebrero. Ang nagtipon sa mga miyembro, na nagbebreak sa studio, matapos sabihin ang “Magsimula na tayo” ng isang beses lang ay ang kanilang lider na si Bang Yongguk. Tapos, si Daehyun ay tumalon sa mga kendi na nakahanda sa kwarto pero napagalitan siya ni Himchan "Magsisimula na tayo hindi ka pa pwedeng kumain ngayon!", habang nilalagay ang ilang mga kendi sa kaniyang bulsa. (laughs) Katabi ng dalawang ito si Youngjae, na handang handa na at si Zelo na inihiga ang kaniyang ulo sa taas ng lamesa. At si Jongup, na sa kung anumang dahilan ay nakatitig sa batok ng isang staff. Salamat sa perpektong introduksyon!

Kahit na puno ng magagandang personalidad ang B.A.P, may isang bagay kaming nilalayon bago ng photoshoot. "Gusto naming makitang ngumiti si Yongguk!" (laughs) Ito ang dahilan kung bakit nakatutok kami kay Yongguk! Hindi namin na kita ang kaniyang ngiti nuong una pero habang pinagpapatuloy namin ito, napansin niyo ba na nagpakita siya ng kaunting aegyo? Siguto ito ay pasasalaman na rin sa kabaitan ni Bang Bosal!

Nang matapos na ang photoshoot, pumunta si Himchan sa amin at sinabing “Si Yongguk ang pinupuntirya niyo diba?”. “Nahuli kami!” yan ang naisip namin, “Mabait na tayo si Yongguk” sabi ni Himchan. Kinha niya ang kendi sa kaniyang bulsa at ibinigay sa amin, at sinabing “Paghatian natin ang aking kasiyahan” at umalis ng nakangiti. Sobra na, sobra na, sobra ka na~! …Pero, malapit ka na! Sobrang lapit~!
Ibig kong sabihin ay yung kendi...wrapper lang siya na walang laman...sadya  ba iyon?

Mga anecdote sa backstage

Pinasigla nina Himchan at Daehyun ang lokasyon ng photoshoot. Lalo na si Himchan na masayang-masaya sa paggawa ng kahit anong gustuhin niyo mula umpisa hanggang sa huli. (laughs) Pero nang sabihin namin kay Himchan, na siyang kalmado pag nandiyan si Yongguk, na “Kalmado ka”, pilit niyang sinabi na “May gampanin ako na gawing masigla ang lugar pag kasama ko ang mga mas bata sa akin pero ito talaga ako!”. Sa tingin ko kasinungalingan iyon.

Nang sinabi naming magpose sila, nagpose ng kakaiba si Jongup habang umuungol. Nagsimulang tumawa si Yongguk at sumunod na rin ang ibang mga miyembro. “Ikaw ang number one” sabi ni Daehyun, kinuha niya ang braso ni Jonggup at itinaas ito, habang ang ibang mga miyembro ay nakatitig lang. Kahit na hindi niya maintindihan ang situwasyon, mukhang masaya si Jongup ♡

Ang dalawang miyembro na binuo ang unit na “BANG&ZELO” bago ang debut ng B.A.P. Tulad ng inaasahan, ang mga poses nila ay bagay sa isa’t isa, nang hindi na kinakailangan na pagsabihan pa. Si Youngjae, na nag-aalala dahil hindi na sila masyadong nagsasalita ay bumulong ng “oo, oo” kasabay ng mga tunog ng shutter. Talagang nakakatawa. (laughs)

Si Zelo, na mabait at tahimik kapag siya ay kasama ng mas nakatatanda sa kaniya, ay relax kapag kasama si Jongup. Naglaro sila sa harap ng kamera kahit hindi namin sila pinagsabihan. Talagang natutuwa ang mga staff habang nakikita ang dalawa na parang magkapatid ♡

Mga tanong sa mga miyembro

YONGGUK
<memo> Si Bang Yongguk na hindi umangal sa patuloy naming “aegyo attacks”. (laughs) Tumalon siya at nahulog ang kaniyang sombrero ng ilang beses sa kanilang camouflage photoshoot. Sa tuwing nangyayari iyon ay humihingi siya ng paumanhin at susuotin ang kaniyang sombrero. Pero ang talagang nagkamali ay kami...sorry.

01: @izumin1219 Mayroon ka bang ginagawa para magmukhang cool? Ano sa tingin mo ang cool sa iyo.
Imbis na para sa akin, nag-eeffort ako para sa B.A.P. Lalo na sa mga concerts, pinag-iisipan ko kung paano namin maipapakita ang mga magagandang bagay tungkol sa amin ng mas maayos. Pinaka malakas ang loob ko sa aking kaalaman sa aming layunin. Ang aming mukha at mga boses ay maaaring magbago sa paglipas ng panahon, pero sa tingin ko ang aking layunin na “pagsulong kasama ng mga miyembro at ng BABY” ay hindi magbabago.

02: @suzukasu_bap Ano ang iyong paboritong kanta ng B.A.P.
"Warrior" Iyon ang aming unang kanta at dala-dala nito ang maraming mga karanasan at memorya. Pati na rin ang “1004” (Angel) na inilabas namin ngayon ngayon lang ay isang espesyal na kanta dahin iyo ay naging turning point para sa B.A.P.

03: @sjsalang Isang tanong para sa B.A.P. Mayroon bang pwedeng sabihin ang babae sa inyo na magpapasang-ayon sa inyo nang hindi man lang nagdadalawang isip?
Imbis na isang daang mga salita, naniniwala akong malalaman mo ang puso ng isang tao sa kanilang mga mata. Sa tingin ko sapat na iyon para makita ko ang sinseridad at katotohanan sa tingin ng isang tao.

04: @0622Lee Isang tanong para sa lahat ng miyembro. Hanggang ngayon, mayroon bang isang tao na tinuturing niyong anghel? Bawal maging sagot ang “BABY”.
Ang aking lola at lolo. Noong bata pa ako, marami silang tinuro sa aking na tungkol sa “pamumuhay at pagbibigayan”. Salamat sa kanila at naging ganito ako ngayon.

HIMCHAN
<memo> Ang gwapong Himchan na mataas na ang enerhiya umpisa hanggang huli. Nang magtipon kami para sa panayam, nilagay niya ang  ilang mga kendi sa kaniyang bulsa at tutok na tutok sa pagsusulat (laughs). Dagdag pa dito, nang oras na  para sa pagpapalit ng mga damit, masaya at malakas siyang naghahum na lahat ay maririnig siya sa studio. Dahil dito, sabi ng writer ay hindi na nila marinig ang mga sagot ni Yongguk sa mga tanong. (laughs)

01: @izumin1219 Mayroon ka bang ginagawa para magmukhang cool? Ano sa tingin mo ang cool sa iyo.
Sa totoo lang...kahit na dapat ay maging sanay na ako sa tapat ng kamera, pag tinitingnan ko ang mga videos at mga litrato ko, para bang tintingnan ko ang ibang tao at minsan nahihiya ako. Kaya iniisip ko pa kung paano magmukhang maayos sa pamamagitan ng pagbantay sa mga opinyon ng mga fans. (laughs) Ang bagay na gusto ko talaga sa aking sarili...sa aspeto ng kung paano ako nakikita, ay ang aking ilong? Pag hindi natin pinag-uusapan ito…”Kapag tinitingnan ko ang mga BABYs, alam ko na agad kung sino iyon”, ang aking matalas na memorya! (laughs)

02: @suzukasu_bap Ano ang iyong paboritong kanta ng B.A.P.
"No Mercy" Ito ay isang kanta na may halong tradisyunal na musika pati na rin ang mga dayalekto at isang bagong pagsubok ito sa B.A.P. Ito rin ang aming susunod na Japanese single, kaya sana ay abangan niyo ito~

03: @sjsalang Isang tanong para sa B.A.P. Mayroon bang pwedeng sabihin ang babae sa inyo na magpapasang-ayon sa inyo nang hindi man lang nagdadalawang isip?
"Ako ay isang BABY"! Bilang isang miyembro ng B.A.P, wala nang ibang confession pa na mas peperpekto dito, diba? (laughs)

04: @0622Lee Isang tanong para sa lahat ng miyembro. Hanggang ngayon, mayroon bang isang tao na tinuturing niyong anghel? Bawal maging sagot ang “BABY”.
Hindi ko pwedeng isagot ang "BABY"? Sobra na yun~! Kung ganoon na nga siguro, pipiliin ko si Yongguk. Dahil, pasalamat sa kaniya, nagkaroon ng interes ang mga miyembro sa pagbovboluntaryo at pagdodonate, at higit sa kahit kaninoman, may puso siya ng anghel.

DAEHYUN
<memo> "Isang orange juice~" ang request ni Daehyun na may magandang boses at maaliwalas na ngiti, bago pa man kami magsimula. (laughs) Kahit na gwapo siya, mukhang may mga momento siya na hindi nababantayan sa harap ni Youngjae. Sa photoshoot, bigla siyang niyakap ni Youngjae, na dahilan kung bakit nawalan siya ng composure at namula ♡

01: @izumin1219 Mayroon ka bang ginagawa para magmukhang cool? Ano sa tingin mo ang cool sa iyo.
Ang pag-eensayo. Kapag maayos akong nag-ensayo, maipapakita ko ang isang cool na Daehyun sa taas ng entablado. Para sa akin, pinakamalakas ang loob ko sa aking abilidad sa pagkanta. Nagkukulang pa rin, pero pinaplano kong mas gumaling pa hanggang sa hindi na ako magkulang!

02: @suzukasu_bap Ano ang iyong paboritong kanta ng B.A.P.
"One Shot" Ito ay siang kanta na nakatulong sa B.A.P na makilala sa buong mundo at hindi lang sa Korea. Sa tuwing pinapakinggan ko ito, at sa tuwing kinakanta ko ito, tinatamaan talaga ako ng mga liriko nito. (laughs) Isabng kanta iyon na pinapaisip akong magtrabaho pa ng mas mabuti.

03: @sjsalang Isang tanong para sa B.A.P. Mayroon bang pwedeng sabihin ang babae sa inyo na magpapasang-ayon sa inyo nang hindi man lang nagdadalawang isip?
Siguro "I love you". Simpleng mga salita lang ito, pero sa tingin ko magandang salita ito na makakapagpahayag ng lahat ng gusto mong sabihin. At dahil doon, kakailanganin mo ng lakas ng loob para sabihin iyon. (laughs)

04: @0622Lee Isang tanong para sa lahat ng miyembro. Hanggang ngayon, mayroon bang isang tao na tinuturing niyong anghel? Bawal maging sagot ang “BABY”.
Ung guro na nagturo sa akin hanggang sa naking singer na ako! Ginabayan niya ako sa daan ng musika. Siya rin ang taong tumulong sa akin sa mga oportunidad para maging isang singer. Kaya para sa akin, isa siyang anghel na hulog ng langit.
Translation ©Julie @BAPYESSIR.COM | bapyessir.com #Jireh (Filipino)
©bapyessir.com
YOUNGJAE
<memo> Si Youngjae, na sobrang cute kapag nakasuot ng sombrero. Isa siyang model student noong panayam, pero nang tanungin ko siya “Diba gusto mo ang anime?”, nag-iba siya agad! (laughs) Sinabi niya sa akin ang kaniyang kahiligan sa anime mula sa kaibuturan ng kaniyang puso. Siyempre, karamihan  noon ay nacut na sa pakikipanayam ♡

01: @izumin1219 Mayroon ka bang ginagawa para magmukhang cool? Ano sa tingin mo ang cool sa iyo.
Ang entablado ay isang pagtatanghal. Kaya imbis na kumanta o magtanghal, pinagtutuunan ko ng pansin ang aking ekspresyon at mga galaw. At kasalukuyan, ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya para magkaroon ng malakas na impact sa aking pagtitig pero nahalata ba ng mga fans? (laughs)

02: @suzukasu_bap Ano ang iyong paboritong kanta ng B.A.P.
"Shady Lady" Gusto ko ung mahinahong liriko na puno ng umaagos na emosyon. Ang isang kontentong babae ay maaaring makarelate kaya gusto ko itong kantahin sa wikang Hapon balang araw.

03: @sjsalang Isang tanong para sa B.A.P. Mayroon bang pwedeng sabihin ang babae sa inyo na magpapasang-ayon sa inyo nang hindi man lang nagdadalawang isip?
Sa tingin ko lalakas ako pag napagsabihan akong “Ikaw ang pinakamagaling”. (laughs) Ito ay dahil “Ang pinakamagaling” ay mangangahulugang ako ang pinakanirerespeto niya!

04: @0622Lee Isang tanong para sa lahat ng miyembro. Hanggang ngayon, mayroon bang isang tao na tinuturing niyong anghel? Bawal maging sagot ang “BABY”.
Ang lahat ng mga bata ay anghel! Kamahal-mahal sila kapag tumatawa sila, umiiyak, kumakain, kahit ano ang kanilang gawin. Natutuwa agad ako sa pagtingin at panonood lamang sa kanila. Kung ang isang tao ay may abilidad na mapasaya ang mga tao sa paligid nila, sa tingin ko tama lang na tawagin silang anghel, diba?

JONGUP
<memo> Ang gwapong si Jongup na 20 taong gulong na. Nagugulat ako minsan kapag nagsasabi siya ng mga mature na opinyon pero masaya ako nang makita ko siya sa photoshoot. Nakatutok siya sa batok ng isang staff at bumulong ng "Vegeta, Vegeta (Dragon Ball)". Sa tingin ko talagang kamukha iyon ng noo ni Vegeta ♡

01: @izumin1219 Mayroon ka bang ginagawa para magmukhang cool? Ano sa tingin mo ang cool sa iyo.
May lakas ako ng loob sa mga pagtatanghal na tulad ng break dancing. Pero kung hindi ako nagpapractice masyado, magiging stiff ang katawan ko ng mabilis kaya kahit na hindi ako nagtatanghal, palagi akong nagpapractice. (laughs) Medyo mahaba ang aking mga kamay at ma-muscle ako, kapag nagbebreakdance ako, malaki ang aking mga galaw at malakas.

02: @suzukasu_bap Ano ang iyong paboritong kanta ng B.A.P.
"B.A.B.Y" Isa itong espesyal na kanta para sa mga BABYs na nagmamahal sa amin. Mayroon pa ngang mga cheers ng fans sa kanta!

03: @sjsalang Isang tanong para sa B.A.P. Mayroon bang pwedeng sabihin ang babae sa inyo na magpapasang-ayon sa inyo nang hindi man lang nagdadalawang isip?
Gusto ko ung mga salitang "Palagi akong kasama mo." Habang nirerecord ang kantang “With You”, pinag-isipan ko kung paano makakapagbigay ng lakas ang mga salita ng babae sa akin.

04: @0622Lee Isang tanong para sa lahat ng miyembro. Hanggang ngayon, mayroon bang isang tao na tinuturing niyong anghel? Bawal maging sagot ang “BABY”.
Ang aking mga magulang. Pag pinag-isipan natin ito, hindi lang ang aking mga magulang kung hindi lahat ng mga magulang. Ang mga magulang na palaging pinagdadasal ang kasiyahan ng kanilang mga anak ay maaaring mas humigit pa sa mga anghel.

ZELO
<memo> Noon, dahan-dahang kumakain ng Pocky si Zelo nang matapos kami. Ngayon, bumagsak siya sa lapag sa pormang 大. (T/N: Mukhang tao…) Dinaganan siya nina Himchan at Daehyun, hindi hinahayaang palipasin ang oras na gamitin siyang isang kama. (laughs) Humiga lang si Zelo doon kaya siguro talagang pagod siya.

01: @izumin1219 Mayroon ka bang ginagawa para magmukhang cool? Ano sa tingin mo ang cool sa iyo.
Ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya sa pagsusulat ng mga liriko! Siguro isang araw ay maaari akong makapagpakita ng isang kanta na sinuluat ko. Ang cool sa aking sarili...Kapag masyadong akong engrossed sa entablado. Kapag sinusubukan kong abutin ang perpektong kalayaan! Iniisip ko kung ito nga ba ang pinaka-nagustuhan ng fans sa akin.

02: @suzukasu_bap Ano ang iyong paboritong kanta ng B.A.P.
"Unbreakable" Gusto ko talaga ang liriko sa kantang ito. Lalong na ang parteng ito: “Hinahabol ng oras, hinahabol ng tulog, ang bumabagsak na mga balikat ng anim na lalaki na tumatakbo patungo sa kanilang mga pangarap, ang mga anino ng mga araw ng kabataan". Gusto ko rin ang mga kanta tulad ng “Excuse Me” at “Check On” na kumakatawan sa kalakasan ng loob ng B.A.P kapag tumatayo kami sa taas ng entablado.

03: @sjsalang Isang tanong para sa B.A.P. Mayroon bang pwedeng sabihin ang babae sa inyo na magpapasang-ayon sa inyo nang hindi man lang nagdadalawang isip?
"Naniniwala ako sayo" Maaari kong buksan ang aking puso kapag narinig ko ang mga salitang ito. (laughs) Wala na sigurong mas magpapasaya sa akin kapag nalaman kong may isang taong naniniwala sa akin. Para sa akin, mas nata-touch ako sa mga salitang tulad ng “May tiwala ako sayo” kaysa sa “Pagkatiwalaan mo ako”.

04: @0622Lee Isang tanong para sa lahat ng miyembro. Hanggang ngayon, mayroon bang isang tao na tinuturing niyong anghel? Bawal maging sagot ang “BABY”.
Siyempre si Jongup hyung. (laughs) Palagi niya akong pinasasaya sa kaniyang mga ngiti at masasayang mga kwento na hindi mo maiisip.

Translation ©Julie @BAPYESSIR.COM | bapyessir.com #Jireh (Filipino)

Behind the Scenes Extras
Photoshoot inside story 03: Dahil si Youngjae ay gumawa ng katulad na martial arts sa ibang photoshoot, nag nagumpisa ang shooting biglang sinakal ni Zelo. Nagulat sa sorpresang atake, si Zelo ay mukhang masaya. ^^

Photoshoot inside story 02: Sa oras na ito ang B.A.P ay pinares sa 6 na magkakaibang couple. Si Youngjae at Jongup ay napaka nakakaaliw. Habang shooting, si Youngjae ay pumorma ng kung-fu pose. Sagot dito, Si Jongup ay pumorma rin ng kaniyang sariling pose. (>ω<)

Photoshoot inside story 01: Ang B.A.P ay kinuhanan ng larawan sa regular at konseptong kasuotan. Pero, ang staff ay balisa na ang tagal ng oras ng pagpapalit. Sa mga oras na iyon, si Himchan ay humuhuni at di nagsusumikap na magmadali kahit na sinasabihan siya ni Daehyun at Youngjae na magmadali.
© kboyparadise | bapyessir.com | Translation © Nicole @ bapyessir.com | bapyessir.com #Bernz (Filipino)


©bapyessir.com 
©bapyessir.com

©bapyessir.com

No comments:

Post a Comment