B.A.P Live on Earth Sydney (Konsyerto at Panayam)

Translator: Bernz
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/05/bap-live-on-earth-sydney-140510.html


MC: (*Nagpapakilala ang MC) Kasama ko ngayon ang B.A.P. Ang pangalan niyo any Best Absolute Perfect.
Himchan: Ang pagiging Best Absolute Perfect ang aming layunin. Kami ay B.A.P dahil sinusubukan naming maging best absolute perfect.
Daehyun: Sa tingin namin, sama-sama kaming anim ay makakagawa ng Best Absolute Perfection. Pinaghihirapan naming madama niyo ang B.A.P pag nakita niyo kami.
Himchan: Simula umpisa, naniniwala kami sa paggawa ng sarili naming kapasidad.
Daehyun: Pinahahalagahan namin ang mga bagay tulad ng pagiging masculino tulad ni Yongguk at pagiging malusog tulad ni Jongup.
Himchan: Sa posisyon ng isang huwaran na tao, wala kaming iniidolo. Pero, gusto naming maging mabuting uliran para sa iba, at iyon ang umiiral sa B.A.P.

MC: Anong larawan ang meron kayo ng Australia bago kayo pumunta rito? At ngayon, andito na kayo, ano ang tingin niyo?
Youngjae: Isang taong nag-aral ang kuya ko sa Australia, at madami siyang bagay na kinuwento
sa Australia. Sinabi niya na napaka maganda ng mga tabing-dagat kaya kailangan ko pumunta rito sa umaga kung kelan maganda ang sinag ng araw.
Jongup: Pag naiisip namin ang Australia, mga kangaroos ang unang sumasagi sa isip namin. Tingin ko lahat ay iniisip iyon.
Daehyun: Gusto kong makakita ng kangaroo bago ako bumalik ng Korea. May  oras  na pinapatupad  kaya di pa kami nakakakita ng kangaroo , pero kung may libre kaming oras gustong gusto naming makakita ng isa.
Youngjae: Narinig namin na ang mga tagahanga sa Australia ay napaka mahiyain. Pero bago kami magdaos ng konsyerto sa Sydney, nagdaos kami ng isa sa Melbourne. Ang mga tagahanga sa Melbourne ay nakakamangha at talagang sobra silang nagsaya sa konsyerto. Kaya naman lubos kaming nagpapasalamat at masayang ipagdaos ng konsyerto.

MC: Nabanggit ang mga tagahanga sa Australia, napaka sabik silang makita kayo. Maari bang mag-iwan kayo ng mahalagang mensahe para sa mga tagahanga galing sa PopAsia.
Youngjae: Sa wakas ay nakapunta na kami sa Australia at inaabangan naming makita kayong lahat sa Australia. Umaasa kaming makapagbigay ng masayang pagtatanghal ngayong araw na ito. Gagawin namin ang aming makakaya, kaya inaasahan naming lahat kaya ay nagsaya bago kayo umuwi.

© SBSPopAsia | bapyessir.com #Bernz (Filipino)

No comments:

Post a Comment