Ang B.A.P sa Ikalawang Bolyum ng Riveriver

Translator: Jireh
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/03/bap-will-be-in-riveriver-vol2-magazine.html

©bapyessir.com

B.A.P: Ang mapanganib na lugar para sa mga walang karanasan

Q: Binabati namin kayo sa inyong pagkapanalo para sa Angel! Hanggang ngayon ay nagpapakita pa rin kayo ng charisma ng inyong imahe ng pagiging mandirigma, pero sa Angel ay nag-iba kayo bilang mga sexy na lalaki, na nagpapakita ng kalungkutan matapos ang break niyo sa taong inyong minamahal. Ang transpormasyon ninyong anim ay isang issue.
HC: Kung sasabihin mong mga “batang lalaki” pa rin kami hanggang ngayon, “lalaki” na kami sa mga oras na ito. Piangtrabahuhan naming maipakita ang isang mature na imahe.
YJ: Hanggang ngayon, patuloy pa rin naming pinapakita ang malalakas na mga imahe sa aming pagtatanghal, pero sa ngayon, binawasan namin ng kaunti at nag-pokus sa mga liriko.
D: Pinagbutihan namin para maipahayag ang kalungkutan ng mga naghihinagpis na mga lalaki, ano sa tingin niyo? Interesado akong malaman kung paano tinanggap iyon ng lahat.

Q:  Pakiramdamko ang inyong pagtatanghal ngayon ay sensitibo ngunit matindi rin.
YG: Ang aming imahe at mga galawa ay mas malinis at mas mabilis mula ngayon.
HC: Ung MV [ng "1004"] ay mayroong "Matrix" style sa choreography. Isang araw bago nung filming, naisip iyon nina Zelo at Jongup kasama ng aming choreographer instructor.
JU: Ilang araw na namin iyon pinag-iisipan, pero biglang naisip namin ung ideyang iyon.
D: Sa kalagitnaas ng kantang ito ay mayroong choreography mula sa imahe ng isang halimaw.
Z: Mahirap ipaliwanag ung sayaw sa salita.
HC: Kung ang kanta bago nito ay isang pasabog ng aming imahe na pagiging basagulero, ang kanta ngayon ay para bang matalas na kutsilyo na handang hiwain at tapatan iyon.
Z: Gusto naming gumawa ng choreography na mananatili sa isipan ng mga tao.

Q: Ung MV ng ["1004"] MV ay kamangha-mangha. Ano ang ilan sa inyong mga paboritong eksena?
HC: Paborito ko nung nakaupo ako sa sofa, habang hinihimas ang pangako at umiiyak.Naging napakaemosyonal ng eksenang iyon bago ng filming. Bigla-bigla n a lang lalabas ung luha pag iniisip ko ung liriko.
YJ: Para sa akin ay nung sinuntok ko ung salamit at umiyak mag-isa. Sa tingin ko nagawa kong makakuha ng awa doon.
Z: Gusto ko ung eksena kung saan may hawak na baril si Himchan habang nakatingin sa salamin, at ung eksena kung saan umiiyak si Youngjae ay cool din! Para sa aking mga eksena, wala akong paborito (laughs)

Q: Kung paparangalan niyo ang isang tao ng “Pinakamagaling na Pagtatanghal” sa MV na ito, sino ang pipiliin niyo?
HC: Siguradong pipiliin ko ung babaeng artista. Siya ang pinakamagaling (laughs)
YJ: Totoo iyon!
JU: Para sa akin, si Himchan-hyung ang pinakamagaling na artista.
HC: Palakpakan! (laughs)
D: Higit sa kahit sino pa man, si Himchan hyung ang pinakanakapasok sa mundo ng mga liriko.
HC: Napakahaba at nakakapagod ung filming, pero sinasabi ito sa akin ng lahat at talagang pinapagaan nito ang loob  ko. Salamat!
JU: Sa susunod, masaya kung mayroong MV na ififilm ang mga miyembro na natural lang na naglalaro. Sa isang karagatan o sa isang hotel, at ginagawa ung choreo para sa isang mapaglarong imahe.
YJ: Magiging maganda na gumawa ng MV habang nasa tour kasama ng lahat!

Q: Yongguk? Ang iyong komento?
YG: Kahit na magbigay ako ng ilang mga ideya, iyon ung mga bagay na hindi maififilm (laughs) [T/N Sabi niya na magkaka-NG sila, "no good"] Pero isang araw gusto ko subukang gumawa ng konsepto ng MV.

Q: Mula sa mga liriko, pakiramdam kong may isang bagay na nakakapagpairita sa mga miyembro? Ano ang inyong mga personalidad?
HC: Hindi kami iritable. Kapag inisip naming "Huh?" [tungkol sa isang bagay], hindi agad kami sasang-ayon. Kaya hindi kami ung mga tipo na magagalit ng walang rason (laughs)
YJ: Ang mga taong agad-agad na hindi sumasang-ayon ay sina Himchan at Daehyun. SI Yongguk ung tipo ng tao na hindi magsasalita kahit na hindi siya sumasang-ayon, na pinag-iisipan niya ng mabuti, at kapag hindi pa rin siya sumasang-ayon, saka siya magsasalita! Ako ung tipong mayroong iba’t ibang mga emosyon tapos biglang mapapagod (laughs)
D: Sa tingin ko ako ung tipo ng tao na inosente, diba?
YG: Ako ung tipo na hindi palakaibigan (laughs)
YJ: Ung mga pinakabatang mga miyembro, sina Zelo at Jongup, ay hindi ipipilit ang kanilang mga opinyon at sasang-ayon na lang sa mga nakakatandang mga miyembro.

Q: Mukhang maayos naman ang mga pinakabata!
HC: Masyado silang cute (laughs)
YG: Talagang mga mabubuti silang mga bata, ang pride ng grupo namin.
HC: Nag-aalala tungkol sa maraming bagay si Zelo. Mukhang nandoon na siya sa ganoong edad. Siya ung tipong pag-iisipan ang mga bagay ng mag-isa at mag-iimagine tungkol sa maraming mga bagay.

Q: Totoo ba na minsan kapag nag-uusap sina Zelo at Jongup, bigla silang nagiging excited tungkol sa mga kakaibang mga bagay na hindi maintindihan ng mga mas nakatatandang mga miyembro?
D: Bata pa sila, kaya nagiging interesado sila sa maraming mga bagay (laughs) Sa ngayon, nagiging excited sila sa pag-uusap tungkol sa kalawakan, diba?
Z: Oo, talagang interesado kami sa kalawakan.
YJ: Kahit na magtanong sila sa amin, wala sa amin ang makakayang sagutin ang mga iyon.
HC: Tulad kapag tinanong nila na "Papaano kung nagbungguan ang meteor at ang satellite?" …diba?
D: Wala kaming ideya tungkol doon~
HC: Kapag nagkabungguan sila, e di magiging eksakto ung oras kung kelan sila nagbungguan (laughs)
YJ: Ang mga mas nakakatatandang mga miyembro ay nagtatawanan ng ganito, pero silang dalawa ay palalaging seryosong nag-uusap.

Q: Jongup, nakahanap ka ba ng sagot?
JU: Sigurado akong nakahanap ako pero...hindi ko na maalala (laughs)
D: Palagi na lang ganito (laughs)

Q: Yongguk at Himchan kilala niyo na ang isa’t isa noon pa diba? Mukhang mag-asawa ang tawag ng fans sa paraan kung paano kayo makihalubilo sa isa’t isa at sa mga mas nakababatang miyembro.
HC: Kapag umaalis kami papunta sa ibang bansa, palagi kaming nasa isang kwarto. Hindi ganoon masyado nagsasalita si Yongguk, kaya palaging kinakausap ko ang sarili ko (laughs). Hindi ko alam kung nakikinig siya sa akin o hindi, pero patuloy akong nagsasalita, kung mayroon akong inaalala, sasabihin ko at si Yongguk naman ay sasagot sa akin ng kaunting salita na nakakamanga. Iyon ang relasyon na mayroon kami.

Q: Paano pinaghahati-hati ang mga kwarto?
HC: Ayon sa edad. Daehyun at Youngjae, Zelo at Jongup.
YJ: Ako pati si Daehyun ay hindi naman parang mag-asawa, pero “Kaibigan lang!” [in English] Nagsasaya kami at pinag-uusapan ang mga bagay na inaalala namin kung mayroon man.
D: Mabuti kaming magkaibigan!

Q: Interesado ako kung paano kayo sa inyong dorm, mayroon bang mga ispesipikong alituntunin?
JU: Sa ngayon, abala kami kaya pinaghati-hatian namin ang paglilinis at paglalaba….kaya talagang malinis ang dorm namin!
HC: Sa ngayon, si Jongup ang nakatalaga sa pagpunta sa supermarket o sa convenience store (laughs)
YJ: Sa dorm namin, may iba’t ibang mga paraan kung paano namin ginagamit ang aming oras kaya wala talagang partikular na mga alituntunin o kung anuman.
HC: At saka, hindi rin kami nagkakaroon ng feedback sessions tungkol sa pagtatanghal namin nung araw na iyon. Sa bawat pagtatanghal, sa venue mismo kami nagpi-feedback session. May video check kami matapos naming umalis sa entablado, at susubukang ibahin ang ibang mga bagay na kulang bago umalis sa venue.

Q: Narinig kong nagsasalita si Zelo habang natutulog.
Z: Hindi ko alam na nagsasalita ako, pero nalaman ko nung sinabi nga ng mga miyembro na totoo. Sa totoo lang, may mga oras na sinasadya  ko (laughs)
YG: EH? Talaga?
Z: Sabi ng mga hyungs na cute ung pagsasalita ko habang tulog, kaya insip ko na matutuwa kayo pag ginawa ko iyon…(laughs)
JU: Noon umpisa, weird iyon at cute, pero ngayon sanay na ako. Si Zelo ang palaging huli na nagsya-shower kaya madalas na nakakatulog siya habang naghihintay dahil sa pagod. Paglabas ko ng banyo, kadalasang tulog na siya. Dahil naawa ako sa kaniya hinayaan ko na siyan gmatulog, pero kahit na ganoon, ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para gisingin siya. Noong mga oras na iyon, talagang matindin ung pagsasalita ni Zelo! Nagawa ko naman yun ng tahimik kahit na ganoon! Pero peke lang ba iyon nung mga oras na iyon…(laughs)
Z: MINSAN ko lang iyon sinasadya! Paniwalaan niyo ako~ Akala ko mapapasaya ko kayo…
YG: Nagulat ako dun (laughs)
Z: Ah! Pero ung mga oras na iyon, siguro sinadya ko, pero ngayon na inisip ko, siguro nga tulog ako noon….(forced laughter) Dahil hindi ko talaga naalala iyon. Medyo gising ako nung una, pero natutulog na pala ako.
JU: Sa mga ganitong pagkakataon, bilang isang grupo, iniisip uli namin ang mga magagandang mga memorya (laughs)

Q: Yongguk, ibinabahagi mo ang iyong mga paboritong pelikula at libro at iba pang mga bagay sa SNS. Sino ang mga manunulat na gusto mo o ano ung mga likha na nakapag-iwan ng impresyon sa iyo?
YG: Gusto ko ung pananaw ng surrealist painter na si RenĂ© Magritte. Pati ung pelikula na ngayon-ngayon ko lang pinanood na nakapag-iwan ng impresyon sa akin ay yung "New Cinema Paradise" [T/N: Mayroong mga iba’t ibang titulo ito, ang orihinal na titulo ay "Nuovo Cinema Paradiso"]. Isa iyong sikat na palabas, pero hindi ko pa siya napapanood, sinabi ito ng isang kakilala sa akin at unang beses ko iyon pinanood. Talagang maganda ang palabas kaya inirekomenda ko rin kayla Jongup at Zelo. Pero sabi nila "Papanoorin namin yan makalipas ang 5 taon mula ngayon."
JU: Alam ni Yongguk ang lahat tungkol sa kahit ano. Marami akong natutunan sa kaniya.
YG: Pero higit pa sa akin, alam ng mga fans ang mga ganitong bagay, kapag in-upload ko iyon, mas alam pa iyon ng mga fans kaysa sa akin. Mukhang maraming mga art majors sa mga fans namin. Maraming tao ang nagrerekomenda sa akin ng magagandang sinig, at marami akong natutunan sa kanila. Ang puso ng mga fans na mahal ang sining ay mga puso na kaisa ng aming mga puso, talagang benepisyal sa tingin ko.

Q: Kumukuha din ng maraming litrato si Himchan, diba?  
HC: High school pa ako nung nagkainteres ako sa photography at kumukuha ng mga litrato gamit ang mga film, pero ngayon digital  na. Wala akong kinukuha kung hindi ung mga litrato ng kalikasan tapos biglang nagrequest ang mga fans ng selca mula sa akin. (laughs)

Q: Kumpara sa ibang mga grupo, ang bilang ng selca na nilalagay niyo sa SNS ay kakaunti lamang, hindi ba?
HC: Huh? Hindi kami naglalagay ng marami? Ngayon ko lang narinig ito!
YJ: Hindi siya marami~ Ang ibang mga grupo ay madalas na naglalagay ng mga selca.
JU: Kailangan nating bigyang pansin ang pagseselca mula ngayon!
Z: Ang pagkuha ng magandang selca ay patungkol sa anggulo at pag-iilaw. Kapag kinuha mo sila sa tamang lugar, madalas ay maganda ang kinalalabasan.

Q: Malapit  nang mailabas ang Japanese version ng "No Mercy".
HC: Mahirap ang lirikong hapon, napakahirap i-match ang liriko at ang musika.
YG: Isang taon na ang nakakalipas nang mailabas namin ang Korean version. Dati mayroon kaming imahe ng mandirigma, pero sa bersyon na ito medyo mature na kami.
YJ: Mas marami na rin kaming karanasan ngayon sa taas ng entablado kumpara dati, at ang bawat miyembro ay kaya nang ipakita ang kanilang mga appeal ng mas mabuti. Ito ay medyo maaga pang sabihin, pero kumapara sa isang bersyon, mas nagpapakita ito ng paglaki namin.
JU: Sa Hapon na liriko, may bahagi na nagsasabig, “Sa susunod na lebel kasama mo,” pero nung una ko iyon narinig, inisip ko kung bakit mayroong patungkol sa pagpapaakyat sa isang tao sa Mt. Everest sa kanta namin (laughs) [T/N: Medyo kasing-tunog ng “susunod na lebel ng Everest” sa Hapon]
HC: Bago maipaliwanag ang mga kahulugan, maraming beses na ganyan ang nangyari (laughs)
D: At saka, ang lahat ng pagkain sa Japan ay masarap, gustong-gusto ko.
HC: Nagulat kami sa mataas na kalidad ng mga sandwiches at ung mga lunch box na binigay sa amin sa aming dressing room sa Japan (laughs)
JU: Hindi ko pa rin malilimutan ung curry udon na kinain namin noon. Talagang isang malaking plato iyon sa shop na iyon!
YJ: Ung mga pagkain sa tindahan na iyon ay napakarami. Ung tipong kailangan mong makihati sa isang tao.
Z: Ang laman ng mga lunch box sa Japan ay napakasarap, at marami ring mga bagay na nandoon. Mas mahal siya pero masarap ang mga pagkain at talagang mananatili sa isipan mo.

Q: Balikan natin ang komento ni Jongup tungkol sa "Susunod na lebel." Anong klaseng imahe ang gusto niyong kunin bilang grupo sa pagharap sa bagong mundo?
HC: Pinag-usapan namin kung paano naging mahalaga ang taong ito para sa amin,. Pinag-usapan din namin kung ano ang aming gagawin sa taong ito at kung paano namin tatapusin ang mga ito. Sana sa pagdating ng Enero 1 sa susunod na taon, ay magiging kontento kami sa kung ano ang narating namin. Ito ang ginagawa namin ngayong taong ito! Ayaw naming magkaroon ng pagsisi sa buhay namin!
YG: Matutuwa kami kung kapag matapos naming magtrabaho ng mabuti ngayong taon ay makakapagbukas kami ng bagong mundo. Sa Korea man o sa Japan, palagi naming gagamitin ang buong lakas ng aming mga miyembro. Kaya sana ay patuloy niyo kaming suportahan mula ngayon!

Translation © Nicole @ bapyessir.com | bapyessir.com #Jireh (Filipino)

No comments:

Post a Comment