Mensahe para sa White Day ng B.A.P para sa Babyz

Translator: Bernz
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/03/bap-white-day-message-to-baby.html



B.A.P: 2, 3 Hello Kami ang B.A.P yes sir! Kinagagalak namin kayong makita!
Himchan: Anong araw ngayon?
Daehyun/Zelo: White Day!
Himchan: Oo, White Day nga, araw na puti. Sa pagkakaalam ko, ito ang araw na ang mga lalaki ang magbibigay ng candy sa mga babae.
Daehyun: Tama tama tama tama
Himchan: May ibibigay ako sa espesyal na araw na ito, naghanda kami…
Daehyun: Anong lasa niyan?
Himchan: Ito ang lasa ng aking mga labi. … Patawad. Merong bagay na gusto kong usisain. Kami (ng mga hyung) ay naranasan na ito, pero may karanasan na ba ang mga maknae?
Zelo: Hindi pa, kaya nga ginagawa ko ito ngayon.
Himchan: E si Jongup ba nakapagbigay na ng candy?
Jongup: Maliban sa nanay ko, hindi pa sa tingin ko.
Himchan: Kaya ngayon ang unang beses mo?
Jongup: Oo, ito ang candy na lasang Moon Jongup. Moon candy.
Himchan: Moon candy. … Matagal-tagal na rin noong huling naghanda kami ng candy. Mga 6 na taon na para sa akin. 6 o 7 na taon. Unang beses pagkatapos ng high school. Ang candy na hinanda namin…
Youngjae: Ang dami nating natanggap na candy noong Araw ng mga Puso. Hindi laging tanggap lang tayo ng tanggap, kaya para sa ating mga Babyz, naghanda tayo ng mga tsokolate na may mukha ng bawat miyembro. Kaya kayong lahat, kumain kayo ng marami nito.
Daehyun: Sa inyong LAHAT ito.
Youngjae: Sa inyong lahat ito. Kumain kayo ng marami nito
Jongup: Lahat ng ito.
Himchan: Medyo nakakapanlumo, pero tanggapin niyo ang munting handog namin para sa inyo.
Yongguk: Ito ang B.A.P yes sir!
Daehyun: Maraming salamat! Kumain kayo ng mabuti!
Youngjae: Kunin mo ang aking puso yap yap yap
Zelo: Paalam
Himchan: Ang lasa ng aking mga labi
Daehyun: Sayong LAHAT ito. Sayong LAHAT ito. Sayong LAHAT ito.
Youngjae: Kunin mo ang aking puso yap yap yap
Yongguk: Bang candy.

© bapyessir.com #Bernz

No comments:

Post a Comment