B.A.P on Pops in Seoul: Interview

Translator: Jireh
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/03/bap-pops-in-seoul-interview.html


MC: Oras na para makilala ang ating mga KPOP stars sa pamamagitan ng pagkilala sa kanilang mga musika pati na rin ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay via STAR ZOOM IN. So, sino ang ating unang kikilalanin sa unang edisyon ng STAR ZOOM IN? Wala nang iba kundi ang kpop group na naging number 1 makalipas ang isang linggo ng kanilang comeback. At ang aking sinasabi ay ang B.A.P. na nakakakuha ng popularidad hindi lamang sa Korea kundi pati na rin sa Asia, America at Europe. So, ready na ba kayo na makilala ang sumisikat na K-Wave star. Edi wag na kayong umalis pa.

Caption: Bahagi ng charisma ng B.A.P ay sila ay malalakas tulad ng mga mandirigma ngunit makukulit din paminsan-minsan. Maghanda nang makilala ang B.A.P na iniwan ang kanilang imahe bilang mandirigma at bumalik bilang mga ginoo!

Yongguk: Hello, Pops in Seoul! Kami ang B-

B.A.P: A.P! Yessir! Ikinagagalak namin kayong makita.

Caption: Ang title song na "1004 (Anghel)" ay isang acoustic na dance song na mayroong house beat at folk at rock na mga elemento. Ang bawat berso ay napakadaynamiko sa mga pinagandang rap at vocals ng mga miyembro ng B.A.P. Isa itong emosyonal na kanta na naglalarawan sa sakit, kalungkutan at kagustuhan matapos ng break-up.

Q: Ano ang pakiramdam na nagbalik na kayo?

Daehyun: Nagbalik na kami nang mayroong unang studio album. Sinubukan na naman ang iba't ibang mga bagong bagay at sumailalim sa isang transpormasyon sa album na ito. Talagang pinaghirapan naman ito. Sana ay mahalin niyo ang amin album pati na rin ang title song namin na "1004 (Anghel)".

Caption: Sa pagkakalabas nito, ang unang studio album ng B.A.P na "First Sensibility", ay pang-44 sa iTunes Top 100 Album Chart sa US at nagkaroon ng pwesto sa iTunes; Top 10 Hip Hop Album Chart sa siyam na mga bansa. Ang title song ay naging una sa maraming mga programa.

Q: Ano ang pakiramdam nang manalo ang 1004?

B.A.P: Wow! Bigyan natin ang ating mga sarili ng isang masigabong palakpakan.

Jongup: Ito ang unang beses na nanalo kami simula nung magdebut kami dalawang taon na ang nakakaraan. Masaya ako at ikinararangal ko ang pagiging nasa unang pwesto dahil sa aming unang studio album. Pano naman ikaw, Himchan?

Himchan: Lahat kami ay nakangiti habang tinatanggap ang parangal sa entablado. Sa totoo lang, nagulat kami at nakatulala. Ngunit maraming tao ang nagsabi sa amin na, mukha kaming nanalo na dati pa at hindi samin un nangyari ng unang beses lang. Hindi naman talaga un ung kaso, at talagang nagulat kami.

Youngjae: Pumunta kami sa isang awards ceremony nung araw na naging first place kami, at nakakuha rin kami ng napakahalagang award doon.

Yongguk: Anong award yon?

Youngjae: Nakuha natin ung World Rookie Award. Isa iyong araw na hindi talaga namin malilimutan.

Himchan: Ngayon, magsasabi ako ng isang nakakatawang storya.

Jongup: Pano kung hindi nakakatawa?

Himchan: Magiging nakakatawa to. Kailangan nakakatawa ito. Talagang naging excited kami matapos maging first place na hindi namin ito maipakita sa entablado. Habang nagmamadali kami papunta sa awards ceremony, excited kami at nag-uusap sa loob ng kotse. Pero si Jongup biglang nakatulog. Hindi talaga kapanipaniwala.

Jongup: Hindi nakakatawa yan. Hindi talaga.

Himchan: Magugustuhan ng fans natin yun. Nakakatawa para sa akin.

Q: Saan kayo banda nahirapan sa pagtatrabaho sa album na ito?

Jongup: Ako pati si Zelo ay mayroong intense na mga dance moves para sa 1004. Kailangan naming gawan ng sayaw ang kanta, kaya inabot kami ng tatlong sunud-sunod na gabi para lang matapos iyon.

Caption: Ang B.A.P ay nagdebut noong Enero ng taong 2012 sa kantang "Warrior", na naging sanhi ng isang malaking sensation dahil sa kanilang mga matitinding mga pagtatanghal at malakas na charisma. Sa tagumpay ng mga kantang "Power", "No Mercy", "Crash", "Badman" at marami pang iba, sumikat ang grupo.

Q: Sino sa mga miyembro ang pinaka-nagbago matapos ang debut?

Himchan: Sa tingin ko sa Youngae dahil pumayat talaga siya. Hindi niya intensyon na pumayat, natural lang na naging payat siya.

Youngjae: Atleast un ang iniisip natin.

Himchan: At mas nagiging gwapo siya habang tumatanda siya.

Youngjae: Salamat.

Himchan: Pinakagwapo si Daehyun nung nagdebut kami.

Daehyun: Hindi naging gwapo si Himchan.

Caption: Hindi ko na lang pala sana pinuri siya...

Youngjae: Kinaiinggitan ko si Jongup dahil hindi namamaga ang kaniyang mukha.

Daehyun: Kinaiinggitan ko rin yun sa kaniya. Dahil un sa mga mata niya...na napakaliit. Kaya ang kaniyang mata ay hindi nagiging maga.

Youngjae: Hindi talaga malaman kung maga o hindi.

Daehyun: Hindi ka dapat umaarte ng ganito.

Youngjae: Nag-improve talaga si Jongup sa aspeto ng pagiging gwapo. Naiinggit ako.

Q: May partikular na bansa bang naiisip kayo kapag nag-uusap tungkol sa mga activities sa ibang bansa?

Himchan: Pinakanaaalala ko ang konsiyerto natin sa US. Talagang passionate ang aming mga fans sa America. Hindi pa kami nagkakaroon ng concert noon, kung saan ang mga fans ay sumayaw kasami namin sa mga pasilyo. Talagang na-inspire kami sa kanilang enerhiya.

Youngjae: Hindi pa kami nakakapunta ng Europe o sa South America, pero gusto talaga naming pumunta doon.

Himchan: Mainit sa South America! Samba~

Caption: Ang B.A.P ay nakatanggap ng mga kritikal na mga pagbubunyi dahil sa kanilang mahusay na talento simula pa ng kanilang debut. Pinageksperimentuhan nila ang iba't ibang mga genre ng musika at nagpakita ng walang kamali-maling mga pagtatanghal. Ito ay nagbunga sa isang popularidad hindi lamang sa Korea kundi pati na rin sa ibang bansa.

Q: Ano ang nakakapagpakilala sa B.A.P?

Yongguk: Higit sa lahat, talagang may tiwala ako sa aming musicality. At nag-iisip kami ng mataming kanta na tumatalakay sa mga panglipunang isyu at nagtatrabaho ng mabuti para makagawa ng magandang musika. Naniniwala ako na mahal kami ng mga fans dahil sa aming musika. Pinagmamalaki namin ang aming musika at palaging magtatanghal ng mayroong pagmamalaki.

Q: Kung mayroon kakategoryahin niyo ang inyong mga sarili, ano ito?

Youngjae: Para sa akin gusto ko ang nickname na "Performance Idol Group". Nagkaroon kami ng 2 concerts matapos ang aming debut, ang "Live On Earth Pacific Tour" at isang arena tour sa Japan. 2 taon pa lang ang nakakalipas matapos ang debut namin, pero ung fact na nagkaroon na kami ng dalawang mahahalagang tours ay nagpapakita kung paano kami pinahahalagahan ng mga fans sa buong mundo. Kaya gusto kong makilala bilang "performance idol group" dahil mayroon itong mahalagang kahulugan.

Caption: Agad na nakuha ng B.A.P ang atensyon ng mga fans sa Korea at sa ibang bansa dahil sa kanilang malakas na presensya. Sana ay magpatuloy pa ang paglawak ng kanilang mga pananaw bilang mga musikero!

Yongguk: Mga manonood ng Pops in Seoul, sana ay nagustuhan niyo ang aming unang studio album, at pinapangako namin na magtatrabaho kami palagi ng mabuti para maging mas magagaling na musikero. Kami ang B-

B.A.P: A.P! Yes, sir! Salamat!

© ARIRANG KPOP | bapyessir.com #Jireh (Filipino)

No comments:

Post a Comment