B.A.P, "Emosyon sa pagkapanalo? Ayaw tumulo ng luha" (Hit Interview)

Translator: Bernz
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/02/bap-emotions-on-winning-1st-place-tears.html

Ang B.A.P na nag-debut nakaraang tatlong taon, ay nanalo sa isang makabagong music program.

Sa ika-14 ng Pebrero, nakapanayam namin ang B.A.P sa KBS Music Bank waiting room sa Yeouldo. Sila ay nagtitipon para sa pag-eensayo bago ang kanilang live na pagtatanghal. Ito ba ay dahil gusto nilang manalo matapos ang pagkapanalo sa Show Champion? Mukha silang seryoso.

Q. Show Champion. Nanguna. Ano ang nararamdaman ninyo?
Matapos ng aming debut, nagsumikap kami sa huling dalawang taon. Masaya ako dahil pakiramdam ko ay naibalik namin sa aming mga tauhan at mga tagahanga na laging nag-iintay para sa amin. (Youngjae)

Q. Ang bansag na ‘B.A.P na di nagpapahinga’ ay may-bisa pa rin?
Matapos ang aming world tour, nagtrabaho kami agad sa album na ito. Tutuunan lang namin ang aming mga schedule sa Korea sa ngayon, at magdadaos ng concert na hinihintay sa Marso. Naghahanda kami para sa Babyz. (Himchan)

Q. Hindi single, hindi mini album, ang full length album ay malaking bagay para sa mga idol group. Ano ang pinaka masakit at pinaka magandang parte habang ginagawa ang album?
Hindi namin natutuunan dahil sa madami naming schedule sa ibang bansa. Kaya medyo di ako nasisiyahan sa mga pag-eensayo namin. Lalo na para kay Yongguk, mas mahirap sa kaniya dahil kasali siya sa paggawa ng album. Matapos namin ang paggawa ng album at nasa sa kamay na namin ang album, di ko mapaliwanag ang sayang naramdaman ko. (Daehyun)
Nalasahan ko ang pait sa pagkakasali sa huli naming album. Binigay ko ang lahat para sa album na ito. Natutuwa ako na marami sa aming mga tagahanga ang natutuwa dito. (Yongguk)

Q. Ano ang naramdaman mo nang mahalal ka para sa Shorty Awards?  Interesado ka ba sa mga pagkawang-gawa, Yongguk?
Ikinararangal ko ang mahalal lang katabi ng mga sikat na artista at pulitiko. Noong bata pa ako, ang aking lolo at lola ay nasa pagkakawang-gawa. Sa tingin ko ito ay dahil lumaki akong pinapanood sila.

Q. Ang pinaka bata ng team at ang natatanging teen sa grupo, Zelo. Ano ang pinaka gusto mong gawin kapag naging 20 ka na?
Gusto kong gumawa ng sarili kong kanta. Pag natapos ko, gusto kong kay Yongguk hyung  unang ipapakita. Marami akong dapat matutunan sa kaniya.

Q. Himchan, narinig kong isa kang pro sa pagkuha ng mga selfie, maari mo bang sabihin kay Youngjae kung paano kunin ang mga ito?
(ngiti) Imbes na mga selfie, larawan ng mga tagahanga ang kinukuha ko ngayon. Pinaka naaalala kong kinuha ay iyong sa Hong Kong kung saan nagsaboy ng bulaklak, malabo ang kinalabasan. Iyon ang pinaka paborito ko. Pagtuturo kay Youngjae paano kumuha ng mga selfie… walang paaraan, kailangang gumamit ng talong magkakaibang photo-app. haha

Q. Habang comeback, ang stage niyo sa tatlong magkaka-ibang palabas ay magkaka-iba, di ba kayo nalito?
Di mahirap ang tatlong kanta. Nagtanghal kami ng di kumulang 15 na kanta sa mga konsyerto. Itong comeback stage ay walang masyadong sayaw kaya di kami nagkamali. (Yongguk)

Q: Maari niyo bang sabihin ang pakiramdam sa pagkapanalo bago pa man mangyari ito? Kapag di kayo nanalo, ililihim namin ito.
(tumawa lahat) Una sa lahat, gusto naming pasalamatan ang aming pamilya sa TS Entertainment at ang team ng prodyuser. Sa tingin ko, unang maalala ko ang aming mga magulang. Miyembrong iiyak pag nanalo kami? Hmmm… di namin pinapakita ang luha namin sa isa’t isa. Di ba dapat tumawa/ngumita ka pag masaya ka? Haha! (Yongguk)

Q: Mga nais para sa 2014?
Maririnig niyo ang “aalis ka ulit” pinasasalamatan namin ang lahat ng Babyz na sumuporta sa amin sa nakaraang 2 na taon. Sana ay sama-sama tayo magpakailanman.

© thestar.chosun | bapyessir.com #Bernz (Filipino)

No comments:

Post a Comment