B.A.P, ang anim na mandirigma na nagpakita ng kanilang pagiging emosyonal sa "First Sensibility"

Translator: Jireh
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/02/bap-6-warriors-show-their-emotional.html

©cruche_ontheway

Ang mga pamilyar na mga mukha ng grupong B.A.P na nagmamay-ari ng simbolo ng kuneho, mga kantang may mabibigat na ritmo, at mala-mandirigmang mga sayaw. Ngunit sa kanilang kauna-unang full length album na tinawag na "First Sensibility", hindi sila gagamit ng kanilang mandirigmang imahe, sa halip ay sila ay mga emosyonal na mga lalaki na may 14 mga kantang pampag-ibig.

Q: Bakit "First Sensibility"?
Yongguk: Ang rason kung bakit "First Sensibility" ang tinawag sa album ay dahil ang 13 na mga kanta sa album na ito ay nagpapahayag ng mga emosyon di tulad ng mga nakaraan naming mga kanta. Dahil ito ang una naming full length album, talagang pinag-igihan namin ito. Pinagsama-sama namin ang mga kanta na nagmula sa iba't ibang mga damdamin sa album. Sana ay magustuhan ng lahat.

Q: Maaari niyo bang ibahagi sa amin ng kaunti ang tungkol sa inyong title song na 1004(Anghel)?
Yongguk: Para sa aming title song 1004, talagang proud kami dito. Ito ay isang kanta na may halong damdamin, kombinasyon ng mga folk songs at rock na istilo. At para naman sa music video, kailangan naming maging artista din.

Q: Ano ang konsepto, istilo, at choreography sa album na ito.
Daehyun: Ang konsepto ay isang sexy at malanding istilo. Kaya halos lahat ng aming mga suot ay itim at puti.

Zelo: Para sa choreography, nilagyan din naman ng kaunting mga tricks. Halimbawa sa 1004(Anghel), may parte kung saan pinaglalaruan namin ang mikropono.

Q: Kumpara sa inyong mga kanta dati, paano naiiba ang 1004(Angel)? At bakit?
Yongguk: Kung titingnan niyo dati ung aming debut, ang "Warrior" "Power" at "One Shot" ay mga matatapang at mababangis at charismatic na parang mga mandirigma. Ang rason kung bakit nag-iba kami sa mas soft na istilo ay dahil gusto naming gawin ang konsepto ng pangalan ng album na "First Sensibility".

Himchan: Kahit na mga lalaki kami at matatapang, mayroon din kaming mga emosyonal na bahagi.

Q: Anong parte ng album na ito ang pinakamature?
Youngjae: Sa tingin ko ang rason kung bakit ang aming kanta ay mas matured ay dahil siguro dahil dito sa album na ito mas naipahayag namin ang aming mga saloobin.

Q: Para sa huling katanungan, ano ang gusto niyong sabihin sa inyong mga tagahanga?
Yongguk: Sana ay patuloy kaming suportahan at mahalin ng mga fans. Alam niyong lahat, diba? Na ang aming 1004 (Anghel) ay kayo!!!

Tinapos ni Yongguk ng may paglalambing katulad ng inaasahan. Mga tagahanga ng B.A.P diyan, huwag niyong kalimutan ang i-cheer sila sa kanilang bagong album.

© bapyessir.com #Jireh (Filipino)

No comments:

Post a Comment