140213 Paggawa ng Tsokolate ng B.A.P para sa Araw ng mga Puso

Translator: Bernz
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/02/baps-chocolate-making-film-for.html


B.A.P: 2, 3. Hello, kami ang B.A.P yessir. Kinagagalak naming makita kayo.

Himchan: Maligayang pagdating sa klase ng paggawa ng tsokolate ng B.A.P.

[Kabanata.1 Pagsusuot ng mga apron]
Himchan: Susubukan naming magsuot ng apron.
Daehyun: Susuotin natin?
Himchan: Marunong ka ba magsuot?
Daehyun: Ah natutunan ko magsuot habang may oras ako sa bahay. [Ah…]
[Nagsusuot ng mga apron ayon sa kanilang sariling estilo]
Himchan: Anong ginawa mo?
Youngjae: Isa akong regalo.

[Kabanata.2 Pagtunaw sa tsokolate]
Yongguk: Kapag nagtutunaw ng tsokalate, isipin mo na parang ito ang iyong kasintahan at marahan mong gawin ito. [Iniisip ko na para ko itong kasintahan..!]
Himchan: Astig na kasintahan ako.
Daehyun: Pakita mo. Paano ang astig na pagtunaw ng tsokolate?
Himchan: Hindi, mahalaga ang pagkain.

[Kabanata.3 Pagsuri ng temperatura]
Tauhan: Maglagay ng unting tsokolate sa daliri mo para malaman ang temperatura.
[Pasubok Pasubok]
Daehyun: Gusto ko subukan.
Zelo: Maglalagay sa daliri mo at kakain.
Daehyun: Maglagay sa daliri ko at kakain?
Youngjae: Hindi, ang gawin natin, ilagay ng isa sa labi ng kaharap niya
[Daehyun kinuha ang pagkakataong maging taong termometro]
Tauhan: Kumusta ang temperatura? Ano sa palagay mo? [Ang temperatura ng tsokolate ay?]
Daehyun: Ang sarap. [Ma.Sa.Rap]
Tauhan: Hindi, hindi, iyong temperatura…
Daehyun: Tingin ko tama ang temperatura.
Zelo: Meron ka sa labi mo.
Daehyun: Oh, ang sarap.
Himchan: Subukan mo rin, Jonguppie.
Jongup: Hindi, okey lang. [Hindi... okey lang]
Himchan: Hindi, subukan mo.
Jongup: Okey lang ako. [(Nanindigan) Okey lang ako.]
Himchan: Ah~ bakit ka ganito~? [Woochuchu / Ah~ Bakit ka ganito~? / Woochuchu]
Youngjae: Di ba siya dapat na mainit?
Tauhan: Hindi siya dapat mainit.
Himchan: Ngayon pasubukin rin natin si Jongup.
Daehyun: Isipin mong tsokolateng lip balm.
Himchan: May nalalaman si Jongup tungkol sa tsokolate.
Daehyun: Kung titignan mo ang ayos niya, mukha siyang artisan.
Jongup: Black Chocolate ito. [Black ito] Black Chocolate ito. [Black ito]
Himchan: Black ito.

Himchan: Tanungin natin ang guro at gawin natin. Kainin mo, baka kakaibang lasa…
Daehyun: Oh, ano iyan? Brownie?
Youngjae: Ahhh~
Yongguk: Ganiyan lang ang itsura nito pero talagang masarap ito.

[Kabanata.4 Paggawa ng piping/pastry bag]
Himchan: Tara, tara
Youngjae: Wag mong kunin, baka matapon ni Jongup.
Yongguk: Ito… ngayon…

[Kabanata.5 Pagpuno ng pusong molde]
Youngjae: Susubukan naming punuin ng tsokolate ang pusong molde ito. Lagyan mo ng sound effects.
Jongup: Bbujik Bbujik  [T/N: ingay pag ginagamit ang kubeta] [Jongup, ang eksperto sa sound effects]
Daehyun: Hyung, gawin mong madahan. Dahan dahan.

[Kabanata.6 Paggawa ng rosas]
Himchan: Gumawa kami ng Rose of Sharon [T/N: rosas ng Korea] [Bulaklak ni Himchan]
Daehyun: Kumusta ang hugis? [Bulaklak ni Daehyun]
[Bulaklak ni Yongguk]
[Bulaklak ni Zelo]
Himchan: Ah, oo. Tama.
[Bulaklak ni Youngjae (?)]
Youngjae: Tapos na! Ang gawa ko. Galing sa hinaharap. Galing sa hinaharap. Di ko alam ang pangalan.

[Q. Sino sa tingin mo ang mahusay na nakagawa ng bulaklak?]
Yongguk: Lahat kinakabahan. Hindi dapat iyan maging ganiyan.
[Q. Tingin mo ba meron kang kakayahan?]
Himchan: Karaniwang mahusay ako rito. Sa karaniwan di ko magawa ito…
[Q. Makakain mo ito?]
Himchan: Siyempre.
[Q. Anong nararamdaman mo sa paggawa ng tsokolate?]
Daehyun: Napaka matrabaho. Ang hirap.

[Nahihiyang Mukha]
Zelo: Nunal ang ilong.
Himchan: Naguumpisa na si Moon Jongup-gun.
[Arkitekto Moon]
Jongup: Mahusay Jongup-ah. [Palalo / Mahusay. Jongup-ah / Palalo]
Himchan: Mahusay Jongup-ah.
Jongup: Salamat.

[Ang Tsokolate ng B.A.P ay kumpleto na]

Youngjae: Sa taas ng pangalan ni Jongup, namukadkad ang bulaklak.
Jongup: Moon na Bulaklak. [Jongup / Moon (MOON) na Bulaklak]
Daehyun: Oh, Moon na Bulaklak.
Youngjae: Ang pamagat ay, Aing Nahihiya Nahihiya. [Youngjae / Aing Nahihiya Nahihiya]
Daehyun: Ah, ito ang marka na ‘nahihiya nahihiya’.
Daehyun: Ito ang tsokolate na tanging ang Babyz lang makakakain. Ito ay talagang… espesyal na tsokolate. [Daehyun / BABY (BABY)]
Himchan: Ako si Kim Himchan [Ki Im Chan Hyung] at ang gawa ko ay tinatawag na Pagdating ng Tag-sibol sa Iyo. [Himchan / Pagdating ng Tag-sibol sa Iyo]
Yongguk: Ang gawa ko ay Ang Bulaklak ng Silakbo ng Damdamin ay Namukadkad. [Yongguk / Ang Bulaklak ng Silakbo ng Damdamin ay Namukadkad.]
Youngjae: 5, 6, 7, 8
B.A.P: (pakanta) Ang bulaklak ng silakbo ng damdamin ay mamukadkad~
Zelo: Ang pamagat ng tsokolate ko ay Madaling Kainin. [Zelo / Madaling Kainin]
Himchan: Madaling kainin?
Zelo: Ginawa kong pantay-pantay lahat.

B.A.P: Ito ang B.A.P Yessir!

[Ang Paggawa ng Tsokolate ng B.A.P ay tapos na!]

Yongguk: Tanggapin niyo ang puso ko!

© bapyessir.com # Bernz (Filipino)
 

No comments:

Post a Comment