B.A.P "Shady Lady" letra

Translator: Jireh
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/01/bap-to-make-their-korean-comeback-in.html



Alam ko ang sakit ng pagkakaupo sa harapan ng isang salamin
Alam ko ang lahat ng babae ay gustong maging maganda
Alam kong gusto nilang mapansin ng maraming lalaki
Ang iyong basang mata na nakatago sa eye shadow
Ay parang malungkot para sa akin minsan
Alam ko kung paano mahalin kung sino ka talaga.

Ang ganda-ganda mo ngayon, palagi naman
Di ko alam kung sobra na o ganun talaga dati pa
Pero hindi ko sinasabing hindi ko gusto, nagtataka lang ako
Ipakita mo sa akin, kung sino ka lang talaga

Ooh Shady Lady Lady Lady
Kahit na wala kang pakialam, kahit na hindi ka mag make up, maganda ka
Ooh Shiny Lady Lady Lady
Kung sino ka lang talaga, ipakita mo sa akin

Yeah sa tuwing titingin ka sa salamin
Napepressure ka na maging maganda
Alam ko, nalulungkot ako para sa'yo baby

Wag kang mag alala, maganda ka na

Makapal na make up o mamahaling mga damit
Hindi mo kailangan ang mga iyon
Wag mong ipilit ang iyong mga paa sa masasakit na high heels dahil ang aking puso ay masasaktan lang
Alam ko kung paano mahalin kung sino ka talaga.

Alam kong astig ka, alam kong wala mali sa iyo
Hindi ko alam kung ginagawa mo lang na halata o natural lang talaga
Pero hindi ko sinasabing hindi ko gusto, nagtataka lang ako
Ipakita mo sa akin, kung sino ka lang talaga

Ooh Shady Lady Lady Lady
Kahit na wala kang pakialam, kahit na hindi ka mag make up, maganda ka
Ooh Shiny Lady Lady Lady
Kung sino ka lang talaga, ipakita mo sa akin

Gusto ko ang iyong mukha nang walang make up
Gusto kita kahit kung kagigising mo lang
Bakit hindi mo alam kung gaano ka kaganda?
Nakikita mo lang ang mga pagkukulang mo, hindi mo makita ang kung ano na ang nasa iyo
Ang iyong labi, ilong, kilay, lahat
Gusto kong halikan ang bawat isa na iyon
Anuman ang sabihin nila, perpekto ka
Kapag ikaw ay nasa bisig ko, masaya na ako dun

Oh Baka Baka Baka Baka
Baka isipin mong puro salita lang ito pero
Oh Ikaw ang aking Lady Lady Lady (Ikaw ang aking Lady)
Kung sino ka lang talaga, ipakita mo sa akin

© BAPYESSIR.COM #Jireh (Filipino)

No comments:

Post a Comment