B.A.P sa MBC Show Champion - Unang Bahagi

Translator: Jireh
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/02/bap-on-mbc-show-champion-140212.html



MC: Ang VS Talk ngayong linggo ay isang laban sa pagitan ng dalawang idolo na siyang kumakatawan sa kanilang oras. Ang B.A.P na hindi nagkukulang sa kanilang kaguwapuhan at mga talento at si Lee Minwoo na hindi na kailangang ng pagpapaliwanag. Hello.

MinWoo: Hello, ako si Lee Minwoo.

Yongguk: 2, 3! Hello! Kami ang B-

B.A.P: A.P Yessir! Ikinagagalak namin kayo makilala!

MC: Ngayon ay nakaupo ako para sa VS Talk. Hindi ko alam na nagdikit na pala ang mga buto ko sa tuhod. Una sa lahat, mayroon tayong dapat na ipagdiwang sa araw na ito, alam niyo ba kung ano un? Oo, sampung taon na ang nakakaraan matapos magdebut ni Lee Minwoo bilang solo.

MinWoo: Ah 16 na taon na para sa Shinwa at 10 na taon para sa akin bilang soloista. At talagang ikinararangal ko na binabati ako ng mga juniors ko ngayon at maraming salamat sa lahat.

MC: Ang VS Talk sa ating senior, ay napakaganda. At mayroon pa pala tayong dapat ipagdiwang. Si Bang Yongguk ng B.A.P ay nanomina sa Shorty Award kasama ng mga artista sa buong mundo para sa kaniyang mga charity work. Palakpakan naman natin siyang lahat. Sa tingin ko ito ay isang bagay na dapat talaga nating batiin, diba?

Yongguk: Talagang ikinararangal kong manomina sa isang pangdaigdigang award at gagamitin ko ang pagkanomina sa akin na ito bilang instrumento para mas pagbutihin ang pagtatrabaho at maging B.A.P na palaging magtatrabaho ng mabuti.

MC: Ah ang ang charity ay isang bagay na palaging iniisip pero mahirap gawin at nung huling beses na pumunta ka sa Show Champion, sinabi mong kung mananalo ka ng isangdaang milyon sa lotto ay magtatayo ka ng paaralan sa Aprika. Narinig kong talagang nag-iipon ka.

Yongguk: Sa totoo lang, nakuhanan ko ung ipon ko para bumili ng laptop pero ngayon talagang nag-iipon na ako para makapagdala ng magandang balita sa pagbalik ko.

MC: Ah isa kang matapat na tao. Kung ako ikaw, hindi ko na sasabihin ung pagbili ko ng laptop. Ngayon ko lang ulit narinig ung laptop sa broadcast. Ang bagong titulo ng kanta ni Lee Minwoo ay Taxi. Nalaman ko na hinulaan mong magiging sikat ito sa mga drayber ng taksi.

MinWoo: Dating kwento na iyon. Bago pa man ung comeback ko, nakasakay ako sa isangtaxi at biglaan kong nalabas ung kanta ko at sabi ng taxi driver ay magiging sikat ung kantang iyon. Taxi driver, dahil sayo, nagkakaroon ako ng mga magagandang feedback para sa kanta ko at magandang atensyon. Salamat.

MC: Idinadalanging ng Show Champion ang kaligtasan niyo sa pagmamaneho mga taxi drivers. At ang B.A.P at si Lee Minwoo ay parehas na sinusuportahan ang bawat isa. Hindi niyo yun alam diba? Kapag napanood niyo ang MV ng B.A.P, makakakita kayo ng eksena na kung saan sinusuportahan nila ang taxi ni Lee Minwoo. Ipapakita ko sa inyo. Ang MV ng B.A.P.

Minwoo: Magiging sexy kung tatawag ka ng taxi ng ganyan. Taxi~

MC: Sinusubukan niyang tumawag ng taxi. Alam niyang darating ang kanilang Minwoo hyung. Bilang ganti, sinuportahan din ni Minwoo ang B.A.P. Hindi mo kayang hulaan lahat diba? Nagpakita siya ng anghel. Ang relasyon sa pagitan ng dalawa na hindi niyo basta-bastang makikita.

MinWoo: Tama, sa Show Champion niyo lang ito makikita.

MC: Makikita mo rin siya sa ibang mga programa pero sinubukan kong makisabay. Hinuhulaan ko  na ang choreography ni Minwoo at ng B.A.P. ay magiging sikat. Maaari bang ipakita ng B.A.P ang kanilang sayaw?

Himchan: Opo.

MC: Ang choreography ng 1004, naiintriga talaga ako tungkol diyan. Ipakita niyo sa amin at sa mga manonood at si Minwoo naman ang magsasabi tungkol diyan.

Minwoo: Pakiramdam ko nasa Dancing 9 ako.

MC: Oo, ito ang Dancing 8. Pwede ba naming makita?

MC: Buhay ang pagkakasayaw. Ano ang iyong masasabi Minwoo?

Minwoo: Pro sila pero pwede naman nilang gawin ng hindi nag-aalinlangan sa live na broadcast. Pasado ka.

MC: Ano ang pakiramadam niyo nang sinabing pasado kayo ni Minwoo, B.A.P?

Jongup: Masaya ako at pagbubutihin ko pa.

MC: Okay, pwede mo bang ipakita sa amin ang sayaw ng Taxi?

Minwoo: Well, ung punto ng sayaw ay ung axel dance. 1, 2, 3, 1, 2, 3. Parang tinatapakan mo ung axel.

MC: Ang pagpoint ng paa mo ay importante diba?

Minwoo: Ah kamusta ka na?

MC: Okay lang ako, kamusta ka na? Pwede ba natin tong gawin ng sabay sabay B.A.P? Ah ito ay isang broadcast kung saan ang senior at ang mga juniors ay parehas na tinatapak ang axel, ang Show Champion. Mag-uusap pa tayo matapos panoorin ang ilan pang mga pagtatanghal. Makikita natin ang pagbabalik ng B.A.P sa entablado para sa kanilang comeback stage at makikita rin natin ang mga pagtatanghal nina Soyu at Jonggigo. Pero bago yan, tingnan muna natin ang sa SPICA at sa Girl's Day.

© bapyessir.com #Jireh (Filipino)

No comments:

Post a Comment