B.A.P para sa Pebrerong Edisyon ng Hanako magasin

Translator: Bernz
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/02/bap-for-february-edition-of-hanako.html

©bapyessir.com

YONGGUK

Isang awit ng pag-ibig mula sa pelikula. Madalas akong nanunuod ng rom-com.

Matalas na mata, at malalim na nagra-rap na boses. Ang pinuno ng B.A.P na si Bang Yongguk at mayroong cool na katangian para sa isang idol. "Ang musika ay di lang para masiyahan, sa tingin ko maraming matutunan mula rito. Kaya kami may mga makabuluhan na liriko. Gusto kong gawin ang mga ito para magkakaroon pa rin sila ng halaga kahit lumipas ang panahon." Hawak niya kung anong masasabi sa pagkatangi ng B.A.P, liriko na nagbibigay mensahe sa lipunan. "Tuwing may oras ako, nagsusulat ako ng kanta. May mga oras na masyado akong nag-iisip pero nagsasaya naman ako!" Nagsusulat rin siya ng mga awit ng pag-ibig. Ang kantang ‘Secret Love’ na naging usapin sa Korea ay tungkol sa relasyon ng dalawang artista. Mula ba ito sa iyong karanasan? "Laging natatanong sa akin iyan, pero hango ito sa pelikulang 'Nothing Hill'. (tawa) Gusto ko rin ang 'Midnight in Paris' ni Woody Allen at di ko na mabilang ang beses na napanood ko ito." Tila mahilig siya sa rom-com. Tulad ng pangunahing tauhan, naipit na ba siya sa dalawang babae? "Hinding! Tulad ng pangunahing tauhan, gusto kong makilala si Hemingway at Picasso sa gabing Paris, (tawa)" sinasalaysay niya ang pelikula ng mayroong napaka cute na ngiti. "Pag nagkaroon ako ng kasintahan, aalagaan ko siya. Magiging mabait ako sa kaniya. Kung kakain kaming BBQ, gusto ko siyang subuan ng karne na nakabalot sa lechugas. (tawa)"

©bapyessir.com


HIMCHAN

Imbes na bigyan siya ng regalo, gusto kong maghanap ng bagay na magagawa naming magkasama

Si Himchan ay mayroong maharlikang diwa na nakapaligid sa kaniya, at naging parte ng mga elitista, nag-aaral ng tradisyonal na Koryanong instrumento. "Perkusyon ang aking major. Nag-aral ako hanggang unibersidad, pero nahilig ako sa pop music at rap kaya ako pumasok sa industriya ng pagtatanghal." Kahit noong araw ng kaniyang sekundaryang pag-aaral, kilala ang kaniyang magandang itsura. "Huhu, mas sikat pa ako noon kesa ngayon. (tawa) Sa Araw ng mga Puso, parehong kamay ko puno ng tsokolate. Loko lang!" Ano ang unang regalong ibibigay ng sikat na si Himchan sa kaniyang kasintahan? "Gusto ko maghanap ng bagay na magagawa namin magkasama. Mas magiging masaya siya kesa sa magregalo ako sa kanya, di ba?" Isang kritiko at magaling magluto na si Himchan ay gustong magluto kasama ang kaniyang kasintahan? "Una, gusto kong dalhin siya sa magandang restaurante. Kung mas gugustuhin niya ang lutong-bahay, nakakapagluto ako ng maraming bagay kaya lulutuin ko kung anong gugustuhin niya." Sagot na tanda na magiging siyang kagilagilalas na asawa sa hinaharap. "Ang pagkaing Hapon ay napaka masarap. Masarap ang okonomiyaki, sobra na gusto kong pribadong pumunta sa Japan para sa paglalakbay." Nag-aaral siya ng Nihongo araw-araw, at kahit habang pahinga ay lightheartedly siyang nakikipag-usap sa Nihongo. "Sa ngayon, nahihiig akong manuod ng pelikulang Hapon, napanood ko ang 'Kamome Shokudo' kahapon." Nag-aaral rin siya sa panunod ng mga pelikula. Musika, pagluluto, si Himchan ay nagawa ang mga bagay na ito sa kaniyang pagpupursigi. Tila ang araw na matalas na makakapagsalita siya ng Nihongo ay malapit na!
©bapyessir.com

DAEHYUN

Kapag ako ay nagkaroon ng kasintahan gusto ko magkaroon kami ng gamit na magkapares

Nakakahalinang mga mata at nakakawiling ngiti. Nakakanta siya ng 7 na oktabang mataas na nota at nagbibigay ng tiyak na kulay sa musika ng B.A.P. "Hindi sa nakakakanta ako ng mataas na nota sa umpisa. Nakuha ko ito ng pahakbang sa pageensayo ng vocal. Malamang ay mawiwili ka pagkarinig mo sa pagkanta ko!" May parehong perpektong boses at perpektong itsura, ang kaniyang tagahanga ay hati sa mga gusto siyang may bangs, o gusto siyang wala nito. "Sa tingin ko mas bagay sa akin ang may bangs~" nahihiya siyang tumawa. Mga lalaki mula sa Busan ay sinasabing tahimik at lalaking-lalaki, pero tila si Daehyun ay di inaasahang mahilig magsalita. Habang nagpapahinga nakita namin ang mapaglarong bahagi niya habang nilalaro ang mantel ng kaniyang kasuotan, ginagaya si Batman. "Kumakailan lang, nahilig ako sa pagsusulat ng kanta. Nirerekord ko ang mga salitang gusto ko, at gagawin kong kwento ang mga ito kalaunan.” Tila magiging mas sikat siya kapag nag-umpisa siyang maglambing sa kaniyang salita. "Ang unang beses na naging sikat ako ay noong nasa ika-3 taon ako ng sekundaryang pag-aaral, bago ako magpunta ng Seoul para magsanay. Kumakanta rin ako kaya siguro umangat ako ng unti. (tawa)" Naging tanyag siya para sa kaniyang itsura bago pa man ang debut at nabansagang 'Busan Wonbin'. "Pag ako nagkaroon ng kasintahan, talagang gusto kong magkaroon kami ng mga bagay na magkapares. Sneakers o damit." Ang Daehyun na seryosong pinagninilayan ang kaniyang kasintahan sa hinaharap ay cute rin.
©bapyessir.com

YOUNGJAE

Sa entablado para lang sa kaniya, gusto kong kantahin ang awit na sinulat ko para sa kaniya

Kalmado at may cute boy na aura, Youngjae. Binati niya kami, "Ako si Youngjae, nakaatas sa main vocal at baby face." Magagandang mata at mahahabang pilik-mata, ang kanyang mukha ay napaka-cute. Ang kanyang Nihongo ay napakahusay; sinagot niya ang lahat ng aming mga tanong sa Nihongo. "Nag-aral ako ng Nihongo sa kanpapanuod ng mga anime at mga drama. Pero ang pinaka mahusay ay ang pagkuha ng mga klase at mag-aral ng mabuti." Dito niya nakuha ang bansag na 'Utak'. Sa kanilang event na Japan debut sinabi niyang, "Babalik namin ng doble ang suportang nakuha namin sa mga tagahanga!" ay isang tanyag na linya mula sa drama na 'Hanzawa Naoki', ay naging mainit na usapin. "Sa katotohanan, di ko pa napapanuod ang drama noong panahon na iyon. (tawa) Pinanood ko matapos makabalik ng Korea at na-hook talaga ako." Sa Korea, lahat kami ay nakatira ng sama-sama sa dorm. Anong bagay ang ginawa niya sa unang pagkakataon kumakailan lang? Nag-isip si Youngjae at bumulong sa tainga niya si Zelo. "Ah, kumain ako ng kimchi na gawa ng lola ni Zelo. Napaka sarap!" Ngumiti siya ng di makatotohanang cute na ngiti. Si Youngjae ay mukhang madiskarte pagdating sa paghahayag ng kaniyang nararamdaman. "Rerenta ako ng maliit na live house, at kakanta ako ng awit na sinulat ko para sa kaniya. Isang palabas para sa kaniya. Siguro at magsusuot akong simpleng suit~" Walang isang babaeng hindi mahuhulog ang loob sa kaniya habang nakikinig sa maganda niyang boses nang malapitan. Ang ganitong uri ng surpresang pagtatanghal ay bahagi ng kahinahunan ni Youngjae.
©bapyessir.com

JONGUP

Anong regalo ang gusto kong ibigay sa aking kasintahan? Kung anong gusto ko (tawa)

Nabansagan siyang misteryoso ng kaniyang mga kamiyembro at may natatanging  pagkamapagdamdam. "Ang mga nasa paligid ko ay sinasabing ang katotohanang di nila ako maintindihan ay interesante, at ito ang aking charm... Siguro?" Ang pala-ngiting si Jongup ay nag-iiwan ng magaang pakiramdam. Ngunit para siyang kakaibang tao kapag siya ay sumasayaw sa entablado, at punong puno ng lakas. "May malalaking galaw at malakas ang aming mga sayaw. Karaniwang lalaking-lalaki ang aming mga koryograpiya. Sa tingin ko ang pinakamahirap ay 'Power'. Napakahirap gumawa ng maliliit na galaw at panatilihin ang ritmo." Inaasahan sa dancing machine ng grupo, napakadaldal niya pagdating sa pagsasayaw. Nang tinanong namin siya sa kanyang unang karanasan sa Japan, kinuwento ni Jongup sa amin, "Lumabas kami para kumain ng okonomiyaki. Ginawa ito sa harapan namin, at ang proseso at disenyo ay napaka interesante. Akala ko may napakaraming partikular na elementong ginamit sa paggawa nito." Ang kaniyang saloobin tungkol sa unang regalong ibibigay niya sa kaniyang kasintahan ay tiyak rin. "Hmm, mamimili ako ng bagay na gusto ko. (tawa) Bibigyan ko siyang sneakers. Dahil sa tingin ko na cute ang mga babaeng nakasuot ng Air Jordans." Kakatapos lang niya ng sekundaryang pag-aaral noong nakaraang taon pero sikat ba siya sa paaralan? "Hindi talaga! Pero lagi akong nakakakuha ng isang tsokolate para sa Araw ng mga Puso. May laging isang babae na magbibigay ng giro-choco. [T/N: ‘sapilitang tsokolate’, tsokolateng binibigay na walang romantikong kaakibat] sa lahat ng mga lalaki sa klase. (tawa)"
©bapyessir.com

ZELO

Kung magpapahayag ako, ito ay ang aking kanta

Si Zelo na namukod tangi sa kaniyang mabilis na rap, ay inakit ng mga tagahanga sa kaniyang mabunsod na paghahayag at kahangahangang pagtatanghal. Mukha siyang nasa ganap na edad sa entablado, ngunit kung nakikipag-usap lang siya sa ibang kamiyembro siya ang pinakabata sa edad na 17, at punong puno ng ka-cute-an. "Pag nasa paligid ang mga nakakatanda, iniisip kong ang sarili ko bilang bata pero kung di ganoon ang sitwasyon, matanda ako. (tawa) Medyo maingat ako." Narinig namin mula sa ibang miyembro na ang "pagsasalita habang natutulog ni Zelo ay kamangha-mangha." "Di ako nagsasalita sa pagtulog. Di ako bata!" Tungkol sa kaniyang mabilis na rap, "Sa karaniwan, di ako umaarte o nagsasalita ng mabilis," nahihiya siyang tumawa. Ang paghina ng kaniyang boses ng matapos niya ang pangungusap ay naiiba kung ano siya sa entablado. "Bago ako pumunta sa entablado, binabakante ko ang aking puso at iniisp na, 'Akin ang lugar na ito!' Nagiging Zelo ng B.A.P ako kapag ginagawa ko ito." Siya napaka makauso sa puntong kahit na pupunta lang sa tindahan ay sinusuri niya ang suot mula ulo hanggang paa. Paano ang suot mo ngayon? "Ito ang unang beses kong magsuot ng ganito. Di ko pa ito nasusuot bilang kasuotan o kaya regular na damit, pero masaya ako dahil ito ang estilo na matagal ko nang gustong subukan." Ang makausong si Zelo ay mukhang cool na makakapagpahayag ng nararamdaman. "Di ko pa naiisip ito... Hm~m, anong gagawin ko." Humingi siya ng tulong mula kay Jongup. "Susulat ako ng kanta para sa kaniya. Walang hinahandang kahit ano, sasabihin ko lang sa kaniyang, "Gusto kong makinig ka sa kantang ito!"
©bapyessir.com




Translation © Julie @ bapyessir.com
  
©bapyessir.com


©bapyessir.com

©bapyessir.com
 
©bapyessir.com
©bapyessir.com
©bapyessir.com
©bapyessir.com
©bapyessir.com

©bapyessir.com
©bapyessir.com
©bapyessir.com
©bapyessir.com

© bapyessir.com #Bernz (Filipino)

No comments:

Post a Comment