B.A.P "Easy" letra

Translator: Jireh
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/01/bap-to-make-their-korean-comeback-in.html



Nang buksan ko ang mga ilaw sa aking kuwarto
May yayakap pa ba sa malungkot na ako?
Ang ramen na niluto ng hindi ganoon ka ganda
Sino na ang kasama kong kumain nito ngayon?
Ikaw ung tipo ng tao na yayakapin ako at sasabihing hindi ako malamig at tahimik na tao
Kapag nilalamig ang aking mga kamay, hindi mo ito binibitawan buong gabi
Namimiss ko na iyon, naiinis na ako ngayon

Sa huli, sinabi kong alagaan mo ang sarili mo at buong pilit na itinago ang mabigat kong puso, hindi mo alam (hindi mo talaga alam)
Hindi madaling tanggalin ka
Sa huli, tinanong ko kung pwede kitang yakapin kaya niyakap kita at pilit na ginalaw ang mabibigat kong mga paa, hindi ito tama (hindi talaga tama)
Hindi madaling tanggalin ka

Ang pagsabing kakalimutan kita ay madaliSaying that I’ll forget you is so easy
Nagagalit ako sa sarili dahil sinubukan kong kalimutan ka
Pakiramdam ko ang bobo ko kahit nung naghihiwalay na tayo
Sinabi ko ang mga bagay na hindi ko naman ginusto nang nakangiti (woo baby baby)

Hindi ako okay, hindi ako okay, hinding hindi ako okay
Nasa puso pa rin kita
Nakangiti ako pero hindi ako okay, hinding hindi ako okay (oh baby baby)
Naaamoy ko pa rin ang iyong pamilyar na amoy

Ang pagpilit na maging malakas ay nakakasakit lang ng puso ko
Ang mga salitang sinabi mo sa akin
Kung magbebreak tayo, hindi na tayo magkikita pa
Mga salitang pinagsisihan ko ngayon

Sa huli, sinabi kong alagaan mo ang sarili mo at pilit na tinatago ang mabigat kong puso, hind i mo alam (hindi mo talaga alam)
Ang amoy mo ay nasa akin, masakit ang mga gabi dahil wala ka
Sa huli , sinabi kong mahal kita at pilit na nilunok ang aking mga luha, hindi ito tama (hindi talaga tama)
Nagpanggap akong walang nangyari, sino ang makakaalam sa puso ko?

Ang pagsabing kakalimutan kita ay madali
Nagagalit ako sa sarili dahil sinubukan kong kalimutan ka
Pakiramdam ko ang bobo ko kahit nung naghihiwalay na tayo
Sinabi ko ang mga bagay na hindi ko naman ginusto nang nakangiti (woo baby baby)

Ang pagsabing kakalimutan kita ay madali
(Wala akong ginawa para sa iyo kaya hindi ako makahawak sa iyo nang iniwan mo ako)
Nagagalit ako sa sarili dahil sinubukan kong kalimutan ka
(Kahit ang huling luha na tumulo sa pisngi mo ay ako, iba ang pakiramdam ng kanang gilid ko kapag wala ka)

Hindi ako okay, hindi ako okay, hinding hindi ako okay
(Hindi ako okay, hindi ako okay, hinding hindi ako okay)
Nakangiti ako pero hindi ako okay, hinding hindi ako okay
(Nakangiti ako pero hindi ako okay, hinding hindi ako okay)

Hindi ako okay, hindi ako okay, hinding hindi ako okay
Nakangiti ako pero hindi ako okay, hinding hindi ako okay

© BAPYESSIR.COM #Eiriel (Filipino)

No comments:

Post a Comment