Ang Panayam ng B.A.P sa Glance TV.

Translator: Jireh
Original post: http://www.bapyessir.com/2014/02/bap-glance-star-interview.html



Yongguk: Sa mga taong nanonood ng Glance TV, ito ang B.A.P (Yessir) nagbabalik kasama ang aming unang full album, "First Sensibility".

B.A.P: Ikinagagalak namin kayong makita.

Yongguk: Ang una naming title track sa aming full album ay ang 1004. Ang 1004 ay isang katangi-tanging kanta na may halong folk at rock. Dahil ito ang una naming full album, ibinuhos namin ang lahat ng aming paghihirap sa kalidad ng mga kanta at humihingi po kami ng maraming suporta at pagmamahal.

Himchan: Siyempre, hindi namin makakalimutan ang introduksyon sa aming music video. Lahat kaming anim ay sinubukang umarte. Mas maganda kung titingnan niyo kami ng mabuti.

Zelo: Kayo ngayon ay nanonood ng trend media na Glance TV para sa 20-30 na age group.

B.A.P: Glance, Fighting!

Yongguk: Ito ang B-

B.A.P: A.P. Yessir! Happy Lunar New Year!

© Glance | bapyessir.com #Jireh (Filipino)

No comments:

Post a Comment