Liham ni Daehyun

Translator: Bernz
Original post: http://www.bapyessirfansite.com/2014/01/bap-2nd-baby-day-fanmeeting-140112_16.html



Bago ko pa malaman, ang panahon na kasama ko kayong lahat ay umabot na ng dalawang taon, at nakayang pangasiwaan itong fanmeeting kasama ang Babyz. Tatlong taong nakalipas, isa lang akong wala lang, at dahil doon, di rin ako ganoon katangi-tangi. Napaka-normal kong bata na nalagay sa pagkanta, dahil gusto ko talagang kumanta. Sa taong tulad ko, napunta ang pagkakataon sa akin kung saan maipapakita ko ang pagkanta ko sa mundo, at hindi lang sa maliit na minorya. Dahil di ko mapalagpas ang pagkakaton, nagpunta akong Seoul, pero ang Seoul ay napaka-kakaibang lugar para sa batang Busan na tulad ko, at ito ang lugar kung saan di ko makita ang hinaharap. Talagang nasabik ako ang aking pamilya, guro at mga kaibigan. Tuwing nayayamot ako, aalahanin ko ang panahon na ang lahat ay huling magpapaalam sa paghatid sa akin, at makakatulog akong basa ng luha ang unan ko. Sa unti-unting paglipas ng mga panahong mahirap tiisin, isang malaking pagbabago ang biglang nangyari sa akin. Sa akin na mag-isang nanatili sa kalungkutan dahil natatakot at napapagod sa mundo, isang maliwanag na ilaw ang nagning-ning sa madilim na kweba at biglang lumitaw. At kayong lahat ang ilaw na iyon, Babyz. Tuwing naiisip ko kayong lahat, hindi ako nakakaramdam ng pag-iisa, at naging napakalaking pinagmumulan ng lakas kayo sa akin. Kapag ako magtutungo ako sa entablado at kumanta o pag sasayaw ako o magtutungo sa ibang bansa at magtatanghal o pag makipagkita sa mga tagahanga sa countryside o pag ako ay babalik sa dorm na pagod pagtapos ng mga schedule, kayo ay patuloy na kumakaway sa akin hanggang sa mawala ako sa inyong paningin. Sa tanawing ninyong lahat na sumusuporta sa akin, ang bawat araw ay talagang kasiya-siya, at bawat minuto at segundo na nakaya ko sa pagkanta lang ay naging talagang mahalaga at natatangi. Ang kagustuhan kong maipakita sa lahat ang mas mabuti, mas cool na banda ay lalaki ng lalaki, kaya kaming anim ay mag-eensayo nang parang baliw, at pagkukubliin ang bawat isa, at ganoon kung paano namin nakayang sumulong hanggang ngayon. "Pakiramdam na napasaiyo ang buong mundo", ay ang pwedeng magpaliwanag sa nararamdaman ko ngayon habang binabasa ito. Lubos akong nagpapasalamat na lahat kayo ay naniwala at nag-aalaga sa aming anim kahit kailan at kahit saan man at talagang salamat sa inyong lahat. (Mga tagahanga: Wag kang umiyak!!) Sa hinaharap... ipapakita ko ang mas mabuti at mas mapitagan ng aking sarili para sa inyong lahat. Matapat na talagang, talagang mahal ko kayong lahat. Uhm... Sa totoo lang, nahihiya akong bashin ito, pero gusto kong matapat na ipakita buong pasasalamat ko sa isang araw, kaya nagpasya akong isulat ito ng ganito. At ngayon may hinanda kaming pagtatanghal na susunod, pero ito ay para lang sa inyo sa dami ng tao sa buong mundo. Kaya ako ay magpapasalamat kung lahat kayo ay tatanggapin ang aming regalo mula sa inyong mga upuan.

© akdongs @ tumblr | aris | bapyessir.com #Bernz (Filipino)

No comments:

Post a Comment