Espesyal na Memorya sa Japan

Translator: Bernz
Original post: http://bysfansite.blogspot.ca/2013/12/bap-live-on-earth-pacific-tour-dvd.html



Note: Ang mga salita sa pagitan ng [ ] ay ang mga komentaryo (caption)


[2013-05-23 : Araw na dumating sa Japan
Kwarto ni Bang Yongguk at Himchan]


Yongguk: Ano ito? Kamera ba ito?
[Artistang si Bang Yongguk na nahihiya sa kamera at si Himchan]
Himchan: Ano ito? Binigay nila ito para mailagay ang gwapo kong mukha sa kamera. Sa tingin ko binigay nila ito para makapag-film ulit tayo ng reality. [Ba... Bang Yongguk... saan ka pupunta??] Sa oras na Hapon, 11:12 ng Mayo 23, 2013 na. 11:13 ng gabi na. [Artistang si Bang Yongguk na takot sa kamera at si Himchan na biglang bumabati sa Nihongo] Ikinagagalak kong makita kayo. Ako si Himchan na nakaatas sa vocal sa B.A.P. Come on.
Yongguk: Bang Yongguk. Ako si Bang Yongguk.
Himchan: Siya si Bang Yongguk na nakaatas sa pagiging pinuno at rap.  Ikinagagalak kong makita kayo. (sa Nihongo). Ikinagagalak kong makita kayo. (sa Koryano). Dahil matagal na rin na ginawa ito, kaya nakakailang.

Himchan: Ngayon ang unang araw sa Japan. [Sa maikling pahinga, silang dalawa ay namili ng salawal.] Panty... Ah...
Yongguk: salawal
Himchan: Salawal! Namili kaming underwear. Yeah~ underwear! [Mukha siyang masaya sa pagbili ng salawal.] Yongguk, ilan ang binili natin lahat lahat?
Yongguk: 1,000,000KRW.
Himchan: Nakikita lahat.
Yongguk: Bumili tayo ng mga 1,000,000KRW.
Himchan: Nakikita lahat...


Himchan: Bago ang isang oras, Yongguk... [Si Bang Yongguk ay namigay ng espesyal na fan service kahit hindi niya sinasadya] Ahhh! Papakita ng hubad, papakita ng hubad! Ahh sobrang lapit... ang lapit na noon. Ngayon pinapakita ang hubad na katawan ni Bang Yongguk na wala ni isang sinulid ng tela. Pero walang masyadong inspirasyon. Dahil masyado maghubad si Yongguk. Mapapa-isip kayo sa aking katawan. Susubukan ko ng isang beses... Ah di ko kaya. [Linoloko ang mga tangahanga na masaya at bigo. Ang malisyosong~ ito.] Dahil gagawin itong DVD, pag naghubad ako, e di magiging rated R ang DVD.
Yongguk: Di ba ito haharangin ng kumpanya (TSEnt)?
Himchan: Hinding hindi ito haharangin ng kumpanya. Dahil maganda ang katawan ko... [Dahil hindi naman pinapakita, sinasabi lang niya~ kahit ano!
Himchan: Ito ang unang beses na magpunta sa Japan. Napakaganda. Napakaganda ng Japan. Kahit na nag-aaral akong Nihongo, [Iniwan si Bang Yongguk na natutulog, si Himchan ay nakikipag-usap sa mga tagahanga] may mga konsyerto sa America, kaya di ko maalala. Unti lang ang masasabi ko. Nakakalungkot... Hindi, nakakatawa? Kung mag-uusap ng magkasama, mas mahusay ang magagawa ko pero dahil nakikipag-usap lang ako sa sarili ko hindi siya magagawa ng maayos. Medyo mahirap. Sichajugung. Alam niyo ang Sichajugung (jet lag)? Nakatulog akong maayos? Di ako nakatulog ng maayos. Di ako makatulog ng maayos. Oo. Ang sinabi kong di makatulog ng maayos dahil sa jet lag duloy ng konsyerto sa America. Ang imposibleng makatulog.


Himchan: Suriin ko kaya ang iba? [Si Himchan na pahod maglaro mag-isa ay gustong tanggalin ang kamera at pumunta kay Bang Yongguk] Di ko alam kung paano tanggalin. [Pero di niya alam kung paano kaya bigo siya]


Himchan: Sobrang inaantok na ako. [Di alam kung bakit, pero ang obligasyong di patayin ang kamera... si Himchan ay naka-upo dahil pagod na siya] At di rin ako makapaghilamos. Matutulog ako pagka hilamos.


[Sinasabi niyang matutulog siya pero nakipagtitigan lang siya sa kamera sa 5 minuto]


Himchan: Bagay na bagay ba? [A... um... pwede ka na talagang matulog ngayon] Bigo ako. Matutulog na talaga ako. Papatayin ko na ang ila. Paalam. Magandang gabi. Magandang gabi.


[2013-05-23 : Unang araw ng konsyerto
Kwarto ni Daehyun at Youngjae]


Youngjae: Dahil merong kamera, kailangan ko magsalita. Magsasalita ako. Ngayon, nagtapos ang aming unang Japan concert!
Daehyun/Youngjae: Yehey!
[Nag-umpisa nang mas may enerhiya ang kwarto ng Gitnang Line]
Daehyun: Tapos na!
Youngjae: Napakasaya ko dahil natapos ito ng maigi. At kahit na ito ang una naming konsyerto, maraming tao ang nagpunta, kaya namangha kami, tama?
Daehyun: Tama.
[Nagsasalaysay tungkol sa mga saloobin sa katapusan ng unang konsyerto]
Youngjae: Dahil madaming nagpunta, nagkaroon kami ng masayang palabas. Ang Hapon na kulturang konsyerto ay kapag ang artista ay nasa entablado, Um, paano ko ba sasabihin... ito'y...
Daehyun: May kultura sila na manood ng maiigi.
[Ang Hapon na panatikong kultura ay bahagyang kakaiba sa Koryanong tagapanuod na humihiyaw at nagsasaya sama-sama]
Youngjae: Kaya sa umpisa, medyo nahihiya kami pero...
Daehyun: Sa halip, sila ay nakikinig.
Youngjae: Sa sumunod ay mas nakatutok na kami at sa aming palabas naipakita namin ang lahat...


Daehyun: Mukhang napakapangit. Ah, nakakaantok.
Youngjae: Anong ginagawa ninyo ngayon? Ngayon ang 11:00, ang oras na nagtapos ang konsyerto, at bukas, kailangan namin maghanda mula 9:30 kaya...
[Dahil kakatapos ng konsyerto, silang dalawa ay mukhang pagod na pagod]
Daehyun: Pero ang pinaka masaya sa araw na ito ay madaming tagapanuod ang may hawak ng aking placard. Mas madami ako sayo, di ba?
Youngjae: Talaga? Ang nakita ko lang ay aking plakard. [Pareho ay merong nakitang mas maraming  plakard nila] Sa tingin ko ako ang may pinaka marami.
Daehyun: Hanggang sa ika-3
Youngjae: Oo, tama.
Daehyun: Nakita ang mga punong upuan at kinilabutan... Talagang nagulat ako. Kaya matulog na lang tayo.
Youngjae: Mahusay na trabaho sa lahat.
Daehyun: Mahusay. Para perpektong matapos ang palabas bukas, kailangan na naming matulog ngayon.
Youngjae: Tama. Oo. Pag natulog kami, gugwapo kami. [Matapos mapaalis si Daehyun na parang sabay silang matutulog, bumalik si Youngjae sa kamera] Iinom ako ng tubig at matutulog.
[Naupo si Daehyun sa di malamang krisis]
Daehyun: Titignan ko ang mga litrato sa internet ngayon.
Youngjae: Ang sarap ng lasa. Kaya sa lahat, paalam!
Daehyun: Pag natulog si Youngjae, palihim ko siyang kukunan ng litrato at papakita sa inyo. [Dahil si Youngjae ay umalis para paghilamos, bumalik si Daehyun sa kamera] Ito ang aking MP3. Ginuhit ko ito pero nagkamali. Nagkaroon ako ng pagkakataong iguhit ito sa America, kaya ginuhit ko... Ito ay napaka bihirang video ng aming mga mukhang walang make-up. Napaka. Di namin ito pinapakitang ganito. [Sinubukan niya hanggang makatulog si Youngjae pero bumalik siya sa kama dahil sa kapaguran...] Ah, pagod.


[Mananatili na dapat siya sa kama pero nagbalik siya sa kamera...]
Daehyun: May tagahangang naglathala ng litrato namin sa aming cafe. Sa Japan, nagbebenta sila ng mga gum na may mukha namin. Nakikita niyo? Zelo gum, Himchan hyung gum, Daehyun gum, Yongguk hyung gum... meron lahat. Si Youngjae ang panalo~ Nakikita niyo?


[Dapat ay matulog ka na...]
Daehyun: Pagod na ako. Di ako dapat ganito kaantok. Ah! Ito ang pinaka mahalagang pagkain pag nagpupunta kami sa ibang bansa! Ramen na binigay mula sa Diyos!


Youngjae: Wala si Daehyun. At mag-isa lang ako sa kwarto. [Nagsalit para magbabad sa kamera... Kumpara sa unang bese, mas mukhang pagod ang dalawang ito] Mag-isa ako sa malaking kwarto! Mag-iiwan akong mensahe. Ngayon ang una naming konsyerto. [Mensahe ng pasasalamat sa mga Hapon na tagahanga na nagpunta sa konsyerto ngayon] Maraming salamat sa pagpunta. Kumusta naman, ang araw na ito? Nagsaya kami. Salamat. Magkita tayo muli. Mahusay na trabaho.


[Si Youngjae na nagpupumilit na mamalagi sa harap ng kamera]
Youngjae: May lumabas rin dito! Mabuti.


Daehyun: Mag-ehersisyo tayo? [Hindi... matulog na...] May isang galaw sa sayaw ng Secret sunbae...


Daehyun: Aigo. Oh my... Sabi ni Jongup pupunta siya pero hindi siya nagpunta. Bakit di siya nagpunta? Paano tanggalin ang kamera? Paano tanggalin ito? May kanta tulad ng kinagawian.


Youngjae: Lahat, natapos namin ng mahusay ang konsyerto ngayon, [Sa inaasahan, Reporter Jung Daehyun ay tagumpay sa pagtanggal ng kamera!!] at magpapakita kami ng magandang konsyerto bukas, kaya matutulog na ako. Mahusay na trabaho sa lahat. Kita tayo muli sa Korea. Aming Koryanong Babyz.
Daehyun/Youngjae: Good night!


[2013-05-25 : Pangalawang araw ng konsyerto
Kwarto ni Jongup at Zelo]


Jongup: Nagumpisa na.


Jongup: Ang lugar na ito...
Zelo: Saglit.
Jongup: ... aming hotel room.
Zelo: Ulit... Ngayon, itong lugar na ito ang hotel room ng Maknae Line ng B.A.P.
[Matapos ang huling konsyerto, ang maknae team ay nagbabalik]
Jongup: Katatapos lang ng aming Japan concert, natapos namin hanggang sa huli [Kahit na armado sila ng mga prop na parang bata, mukha pa rin silang pagod...] at babalik kami sa Korea.
Zelo: Pokemon ko siya.
Jongup: Para magbalik sa Korea, kailangan kong maghilamos. Bye~ Ang saya.


Zelo: Labas, Pokemon!


Jongup: Maligayang pagdating~
Zelo: Kami ang B.A.P yes sir!
Jongup: Ako si Jongup at nakaatas sa pagkanta at sayaw.
Zelo: Ako si ZELO at nakaatas sa rap at sayaw.
Jongup: Hoy Zelo.
Zelo: Oo
[T/N: Walang saysay na pag-uusap]
Zelo: O tama
Jongup: Magandang gabi. Bigo ako. Bigo ako.
Zelo: Bigo ako~!


Jongup: Ito ang aming hotel room. At katatapos lang ng aming Japan concert. [Wag umarteng na parang kakaumpisa ulit... at magmadaling matulog...] Napakasaya, at bukas, ang huling araw, hindi ang huling araw. Bukas ng umaga babalik kaming Korea, pero bago umalis magrerekord ng lahat tungkol sa amin.


Zelo: Saglit.


Zelo: Kain tayong ramen.
Jongup: O sige kain tayong ramen.
Zelo: Ramen.


Jongup: Tuturo ko kung paano maayos na magluto ng ramen. [Nagpasyang kumain ng tig-isang ramen] Una, nagkamali.
Zelo: Oo, nagkamali. Para maayos na magluto ng ramen...
Jongup: Kailangan ng mainit na tubig.
Zelo: Punitin hanggang sa panang ito.
Jongup: Pag pinunit mo lagpas sa linyang ito, medyo mag-iiba ang lasa.


Zelo: Hyung, kama ko yan! Kama ko iyan...
Jongup: Inuunat mo damit ko.
[Naglaro sila matapos maglagay ng tubig sa ramen]


Zelo: Ngayon, kahit na di pa tapos ang Pacific Tour, sa America at Japan, ang dalawang konsyerto ay natapos na. Sa hinaharap... Di ko alam ang ginagawa ko!


Jongup: Hi, nawawala na ang aking pagkakilanlan. [Ano ang binili niyo nang namili ng salawal ang iyong mga hyung?!] Sino ako?


Zelo: Di kami alipin ng katamaran pero alipin ng wi-fi.


[Kumain ka ng marahan...]
Zelo: Nalagpasan ko ang krisis. Hyung, nauubos ko na. Nakakain lang ako ng dalawang chopstick (dami ng ramen). Ah ang init ng tiyan ko! Di ko dati gusto ang gulay sa sabaw ng ramen. Kaya dati hinihipan ko ang gulay palabas habang iniinom ang sabaw.
[Si Zelo ay naging batang kinakain lang gusto niyang kainin! Ngayon ay masarap mo ng kinakain ang lahat yumyum!!]


Zelo: O~ing!


Jongup: Mabuti, mabuti, mabuti!
[Maliban sa pinaka matandang line, lahat ay tagumpay na natanggal ang kamera!]
Zelo: Okay ka lang?
Jongup: Hi, natapos na namin ang aming Japan concert, at nasa hotel. Babalik kami sa Korea bukas. [Dahil busog, mas mukhang pagod at nakahiga sa kama] Pag nagbalik kami, gagawin namin... Una, aalisin ang laman ng bagahe. Sunod, kakain, tapos mapapagod kami dahil sa timeline hindi ba may pagkakaiba sa oras? Gayunpaman, matatulog kami! Matapos matulog, kakain kami ulit. Tapos matutulog ulit.
Zelo: Ngayon pwede ba tayong magpunta sa kwarto ng mga hyung?
Jongup: Gusto mo ba magpunta sa kwarto nila Youngjae hyung at Daehyun hyung?
Zelo: Pwede ba taong pumunta at bumalik?


Jongup: Huling pahayag! [Pag-atake sa kwarto ng gitnang line ay bigo dahil sa kapaguran!] Huling pahayag!
Zelo: Di pa.
Jongup: Salamat.
Zelo: Pagod na ako. Hindi pa kami naghihilamos. Anong oras na hyung?


[Ngayon si Zelo ay nakapaghilamos at nakapagpalit na ng damit]
Zelo: Nakakatawa ito. Sa tingin ko kailangan ko a matulog. Tulog na si Jongup hyung. [Ngayon si Jongup ay unang naghilamos at nasa kama na...; Ze... Zelo...] Natatakot ka? Ngayon ay nakatingin ako sa kamera. Paalam! Ngayon kailangan ko na matulog.
© bapyessir.com #Bernz (Filipino)

No comments:

Post a Comment