B.A.P sa MTV The Show (131224)

Translator: Bernz
Original post: http://www.bapyessirfansite.com/2013/12/bap-will-be-recording-for-sbs-mtv-show.html


Note: Ang mga salita sa pagitan ng [ ] ay ang mga komentaryo (caption)

[Kahit ngayon, ang mapayapang lugar nag pagrerekord ng The Show. Wala sa The Show! Meron lamang Bidder Show?! Ang mga natatagong kwento ng The Show ay ilalabas. Behind The Show. Umpisa na...]

[Bidder Show Camera Atake sa waiting room ng B.A.P!]
Daehyun: Hello! Ako si Daehyun ng B.A.P. Ito ang waiting room ng B.A.P, pero ngayon ang manunulat na noona ng TA-DAH It's B.A.P ay nandito, [Ang oras ng bagong silang ng B.A.P Debut sa reality 'Tadah it's B.A.P'; Si Daehyun na kakaenkwentro lang sa mga manunulat ng Ta-dah] at talagang nakakatakot.
[Ito ay talagang nakakatakot.]
- Alalahanin ang B.A.P 'Ta-dah'
Daehyun: Nagtakbuhan ang iba. [Nagtakbuhan ang ibang miyembro palayo sa kamera...] Ako lang ang natira. Halika rito.
[Kaibigan tulungan mo ako]
Youngjae: Kinagagalak kong makita kayong lahat. ["Hi~"]
[Para tulungan ang nag-iisang si Daehyun, nagpakita si Youngjae.; Kinakabahan baka magkamali]
Daehyun: Nagpunta rito ang ang mga manunulat ng Ta-dah. Kinakabahan ako ngayon.

Youngjae: Ito ay madilim (masama) na kasaysayan.
[Malakihang produksyon ng madilim (masamang) kasaysayan, oras ng mananakop ng mundong alien]
Daehyun: Oo. Wag ninyong tanggalin ito.
[Wag ninyong tanggalin ito.]
Youngjae: Ang MTV ay aming tahanan.
[Tahanan pa rin ng kanilang ma puso SBS MTV na kasama nila bago pa man ang debut]
Daehyun: Oo, tama.
Youngjae: Dahil nagrekord tayo ng Ta-dah.
Daehyun: Tama.
Youngjae: Noong panahon na iyon, meron kaming medyo mataas na viewer rating.
[Naghahanda bagay na espesyal]
Daehyun: Ta-dah~
Youngjae: Di ko gagawin iyon [Hindi tinatanggap]
Daehyun: Pag ginawa ko ito, dapat ikaw rin.
[Ang opisyal na salita ng Ta-dah... gusto mong gawin ito?]
Youngjae: Di ko kaya.
Daehyun: Nawala na siguro ang kaniyang kawalang-malay.
[Ulit-ulitin ang opisyal na talumpati ng dosenang beses]
Youngjae: Napaka hirap noong nirerekord natin (sabihin ang opisiyal na talumpati).
Daehyun: Meron akong kumpiyansa dahil ang programang ito nagdala sa atin dito.
Youngjae: Kahit na ginawa natin ng sama-sama.
[Sa paggawa nito ng maraming beses, naalala na ito ng katawan nila]
Youngjae: Okay. Ulit, ulit.
Daehyun: Ta-dah!
Zelo: It's B.A.P
Daehyun: Tignan mo, inosente parin si Junhong dahil ginawa ni Zelo. [Awtomatikong talumpati]
Zelo: Nagiging tanyag na tao ka na.
[Kahalagahan ng pag-uulit Kahit di namamalayan, sinabi ni Zelo ang opisyal na talumpati]
Daehyun: Dahil malaki na ang aming mga ulo.
Youngjae: Utaw(?).
[Youngjae, hindi gustong ulitin ang madilim (masama) na kasaysayan]
Daehyun: Bibigyan kita ng huling pagkakataon.
Youngjae: Utaw
Daehyun: Ta-dah!
[Ako si Jung Daehyun, ang lalaking hindi alam kung ano ang sumuko]
Youngjae: May ginawa siya.

Daehyun: Medyo matagal na. Pakita mo sa amin.
[Para mapakinig si Zelo ng mabuti Ipakita sa amin medyo matagal na]
Zelo: Akin iyan?
Daehyun: Eh?
Zelo: Akin iyan? ["Cherry tomato? Nagkakargang Zelo?"]
Daehyun: Hindi, hindi iyong nahimatay ka. Pakita mo sa amin pag namatay ang baterya mo.
Zelo: Di na nakakatawa iyon ngayon.
[Zelo ang taong maraming pina-usong gagawin]
Daehyun: Para makita namin kung nakakatawa pa rin o hindi.
Zelo: Kailangan nila ipakita ang full shot.
[Kailangan nila ipakita ang full shot.]
Youngjae: Maselan siya! Maselan na siya.
[Ang 2 taon na mang-aawit ay marami ng gusto ngayon]
Zelo: Anong gagawin ko... shut down Zelo lang?
Daehyun: Basta gawin mo lang. Umpisa.
Zelo: Zelo diskarga.
[Zelo diskarga; ...]
Daehyun: Syempre di na nakakatawa.
Zelo: Kasi medyo matagal na.
[Dahil medyo matagal na, ang pakiramdam ay hindi na masaya ngayon~]
Youngjae: Pero sa totoo, nirekord natin ito ng ganito, pero lumabas ng nakakatawa.
[Plot twist! Noong nirerekord ang reality program, ganito ang kapaligiran?]
Daehyun: Bata pa tayo noon.
[Kung ano man ang ginawa nila, maari patawarin ang kanilang mga panahon ng musmos na pagpapalbas]
Daehyun: Dahil 2 taon na ang nakalipas...
[Salamat sa pag-edit, ang B.A.P ay bahagyang buhay sa kanilang kasiyahan]
Youngjae: Dati ramdam ko ang lakas ng pagpapalabas
Himchan: Habang nagrerekord, pinatahimik namin si Daehyun.
[Si Himchan ay pahapyaw na pumasok]
Youngjae: Ah, oo... [Natatakpan ng maskara Si Daehyun ay hindi makapagsalita ni isang salita habang nagrerekord] Sumabog ka! Bang bang, sumabog!
Himchan: Kaya nga may sinasabing, iyong oras na iyon ay kaginhawaan.
[Kapag di niya bubuksan ang bibig niya, magiging gwapo siya; Nang nagsuot ng maskara si Daehyun, iyon ang pinaka sikat niyang panahon??]
Daehyun: Pero di ko iniisip na masamang bagay iyon.
Himchan: Ah, talaga? Okay. E di maganda.
Himchan: Kanina lang, may nabasa ako.
[Ang nauuso ngayong serye ng "Nang ginawa ng Diyos"]
Youngjae: Nang ginawa ng Diyos si Daehyun, binigyan siya ng madaming abilidad sa pagkanta, abilidad sa magandang kaanyuan...
Himchan: Magaling. [Baka balikat] Binigyan niya siya ng balikat...
Daehyun: Oo na oo na [Nagagalit]
Youngjae: At ang pinaka maraming bagay na binigay sa ay kaniyang abilidad sa... [Sa huli binigyan ng Diyos si Daehyun?] salita (pagsasalita).
[Bibigyan siya ng isang kutsara... Pero sa pagkakamali naparami ang naibigay na abilidad sa pagsasalita]
Daehyun: Sa pagkakamali, sa pagkakamali.
Youngjae: Sa pagkakamali ang dami niyang binigay. [At iyon kung paano nagawa ang madaldal na si Daehyun] Sa pagkakamali sinasabing binigyan ka ng Diyos ng malaking abilidad sa pagsalita.
[Tatlong madaldal. Sabihin na nating lahat kayong tatlo ay mayroong masyadong maraming abilidad sa pagsasalita...]

Jongup: Hello! Ito ay bagay na pinag-ensayuhan ko sa 2 taon. [Anong impersonasyon ang pinag-ensayuhan ni Jongup sa 2 taon...?] Ang B.A.P na mas mabilis pa sa running machine. ["Masaya"; Dahil medyo matagal na niyang ginawa iyon, nababaliw siya sa kahihiyan; Tapunan ng bato ang batang ito]

[Ang usong miyembro ng B.A.P sa 2013 ay?]
Himchan: Makapipili ka kahit nakapikit, ang miyembro na naging uso. [Napakadali bang pumili ng nausong miyembro sa 2013?] Merong isang tao...
Daehyun: Ako...
Himchan: Tingin mo ikaw iyon?
Daehyun: Iba ako (tungkol sa nausong miyembro)
[Iba ako]
Himchan: E di sino iyon?
Daehyun: Huh?
[Bigla na lang naging problema ang utak ni Daehyun]
Himchan: Ang pinili ni Daehyun ay... Isa... Dalawa...
Daehyun: Hindi, kailangang sama-sama nating gawin
Himchan: Gawin natin isa-isa
[Habang abala ang mga hyung sa pagpili ng nausong miyembro; "Nababato ako makipaglaro kayo sa akin"]
Daehyun: Anong ginagawa mo habang nagrerekord?
Youngjae: Tayo!
[Pasabog na aegyo ng bunso; Ang pagsuway na aegyo ng bunso ay sinagot ng palo]
Daehyun: Ipapakita ko ang salawal mo
[Tayo kaagad; Halos mapasok sa malaking gulo]
Himchan: Ngayon, ang pinaka usong miyembro ng B.A.P sa 2013... [Ang usong miyembero ng B.A.P sa 2013 ay] Isa, dalawa, tatlo.
[Youngjae 2; Daehyun 1]
Youngjae: Salamat, alam kong pipiliin niyo ako.
[Panatag na opisiyal na usong miyembro Youngjae]
Himchan: Laging may maikli, ibig kong sabihin, mahabang maitim na buhok.
[Mahabang buhok, kulay itim, diet]
Daehyun: Nawalan ng taba (timbang), heto na siya, habang Warrior, ibig sa bihin ko Power Yoo Youngjae, at ngayon.
Himchan: Hindi, hindi, hindi, hindi
[Warrior Power Crash Badman Mga pagbabago sa buhok ni Youngjae]
Himchan: Lagi naman siyang cool. Ang mahalaga ay ang ngayon. [Ang laging lumulusong na visual ni Youngjae] Sa pagtanda, nagiging mas cool siya.
Youngjae: Noong kaka-debut, ang mga tao sa paligid ko ay nagbigay sa akin ng magagandang payo. Sa lahat ng magagandang payo, ang parati kong naririnig ay, "Youngjae, di ba dapat ay magbawas ka ng timbang?" Di ko ramdam siya noong panahon na iyon. [T/N: inuulit lang sa komentaryo ang sinasabi niya]
Daehyun: Ako, sa totoo lang, ay naiintindihan ko siya.
Youngjae: Di ko alam na ganoon ako kataba
[Di ko alam na ganoon ako kataba]
Daehyun: Hip hop group tayo...
[Hip hop group tayo... Imbes sa visual makikipaglaban tayo sa talento]
Youngjae: Kahit na kumain tayo...
Daehyun: Respect, dahil ang grupo natin ay nakasentro sa mga ganoong uri ng bagay...
Himchan: Di natin ginagalang ang mga bagay tulad ng respect. Ibig sabihin ng respect ay magmalasakit, magpahalaga.
Daehyun: Tulad nito, tulad niyan. Talaga... Argh
Himchan: Okay, tama na.
Daehyun: Anyway, iyon lang ang mga bagay na naiisip namin, at ganoon kami magtrabaho... [Ako ay mapagbigay Si Daehyun ay natipon na may magalang na paniniwala] Pero kung titignan mo... [Medyo...]
Youngjae: May panahon na nagulat ako, kaya inumpisahan ko ang diet ko.
Daehyun: Kelan iyon?
Youngjae: Habang...
[Lumabas na Hindi isa o dalawang madilim (masama) na kasaysayang meron si Youngjae]
Daehyun: Noong meron kang buhok na mala-pinya?
Youngjae: Hindi hindi hindi... ito iyong habang nagrerekord ng diary mula sa MTV.
[Sa umpisa ng kanilang debut Para sa pagtatanghal, nagpunta ang B.A.P sa Singapore]
Daehyun: Iisipin mo pa lang... iisipin mo pa lang...
Himchan: MTV diary?
Youngjae: Noong pumunta tayo sa Singapore.
[Makikita niyo ang lagay ni Youngjae sa panahon na iyon sa 'B.A.P Diary']
Youngjae/Himchan: Noong una tayong nagrekord nito.
Youngjae: Noong pumanta tayong Singapore, nakita ko iyong mgalarawan na kinuha ng ating mga tagahanga. [Matapos makita ang mga larawang kinuha ng mga tagahanga, ang paniniwala niya ay nabuhay] Napakataba ko.
Himchan: Isang taon rin ang kinailangan mo.
Youngjae: Oo, kaya simula noon...
Daehyun: Pasensya pero di ito nakakatawa
[Kalabasang Daehyun Pasensya pero di ito nakakatawa "Ano"]
Himchan: Ito ang nararamdaman niya
Youngjae: Hinahayag ko ang nararamdaman ko.
Daehyun: Hindi gusto ng manunuod ang kwento ng taba.
[Kapitan Daehyun Hindi gusto ng manunuod ang kwento ng taba]
Daehyun: Ang mga tagahanga...
[Naiiyak]
Youngjae: Sino nagsabi?
Daehyun: Si Himchan hyung
Himchan: Youngjae, mabuti ito habang nagtagal. Palampasin na natin ito ngayon.
Youngjae: Pinaka usong miyembro ng 2013
[Matapos talikuran ang mga panahong iyon, ngayon ay siya na ang pinaka usong sa 2013...!!]
Daehyun: Ang rookie award ng B.A.P
[Nabawasan ng timbang Youngjae ay totoo~"]

Youngjae: Tignan natin ang damit ng araw na ito
Daehyun: Ako..
[Daehyun na nagsuot ng sexy na damit ngayon; Naguguluhang see through]
Himchan: Dahil medyo matagal na rin tayong nasa palabas...
Daehyun: Nag-umpisa akong mag-ehersisyo ulit, pero hindi pa siya maganda
[Matapos ang debut, si Daehyun ay nagsimulang masipag na mag-ehersisyo]
Manunulat: Meron ka paring abs?
Daehyun: Oo, meron pa rin. [Kumpiyansa] Pag tinganggal ito at tignan niyo, hindi naman masama. [T/N: Inuulit lang sa komentaryo ang sinabi niya] Mas maganda kesa kay Youngjae.
Youngjae: Pag nag-eehersisyo si Daehyun, may isang bagay...
[Ang patuloy na lait Ang behind the story ng pag-eehersisyo ni Daehyun]
Daehyun: Ano?
Youngjae: Pag nag-eehersisyo si Daehyun, parehas lang sa ibang lugar... pero ang mga braso niya lang ang bumubuti. [Parehas lang sa ibang lugar... braso lang niya lumalaki]. Kaya, ang mga braso niya lang ang sobrang lumalaki...
[Para pagtawanan ang kaniyang mga hyung, ang tunay na maskuladong pangangatawan na si Jongup ay nagpakita]
Himchan: Hoy hoy! Si Jongup pumunta sa likod mo.
Youngjae: Di na dapat magsalita tungkol sa mga katawan ngayon.
Daehyun: May kumpiyansa ako na ang braso ko ay mas maganda kay Jongup.
Youngjae: Talaga?!
[Ginagawa pa rin niya ito...]
Daehyun: May mas kumpiyansa ako sa mga braso ko kesa sa braso ni Jongup.
Youngjae: Talaga? E di ipakita natin dito?
[Magkakaroon ba tayo ng Daehyun laban kay Jongup sa bunong braso?]
Daehyun: Pero di ngayon, dahil nakasuot siya ng may mahabang manggas, at kailangan niya tanggalin. Papakita namin sa susunod.
[Papakita namin sa susunod.]
Youngjae: Okay sige

Himchan: Kumakailan meron akong inaalala.
[Kumakailan meron akong inaalala.]
Youngjae: Ano iyon?
Daehyun: Na bumigat ka
[Ang inaalala ni Himchan ay?]
Himchan: Habang ‘BADMAN’ nabawasan ako ng malaking timbang. [Habang promosyon ng 'BADMAN' nagpakita si Himchan ng payat na anyo] Sinasabi ko na dahil ginupit ang buhok ko kaya mukha akong mas tumaba
[Dahil ginupit ang buhok Gusto niyang paniwalaan iyon]...
Daehyun/Youngjae: Tignan mo ang katotohanan
[Masakit dahil bata ka pa Parang oras na ito para magbabad sa katotohanan]
Himchan: Parang oras na ito para magbabad sa katotohanan
Daehyun: Mag-ehersisyo tayo
Youngjae: Oo
Himchan: Tumaba ba ako?
[Pumilipit at umikot para sabihing "Tumaba ba ako?"]
Daehyun: Oo
Manunulat: Lumaki ba mukha mo?
[Naguguluhan]
Daehyun: Hindi ba ang mukha niya ang lumalaki.
["Bakit niyo ginagawa sa akin ito?? ㅠㅠ"]
Himchan: Lumapad ang noo ko... mukhang lumapad at naglalagas ang buhok ko [Ang ulzzang ng tradisyonal na musikang Koryano ay nagaalala sa kaniyang itsura.] Ang dami kong inaalala.
[Himchan~ wag kang umiyak, pero magpalakas ka~ cool ka kahit bumigat ka~]
Himchan: Baka nga bumigat ako.

[Saan nagpunta ang maurirat na bunsong si Zelo habang nagkakaroon ang kaniyang mga hyung ng panayam?]
[Eksena ng lihim na kasunduan ng mga manunulat]
Manunulat: Lakad ka mula doon.
[Hinanda ko ito para sayo; Pagbigay ng cool na one shot na pagkakaton para kay Zelo; "Maglalakad lang ako mula doon?"; Ang mga daan na nilalakaran ko ay mga runway; Nahihiya; Bang Impact!; May nawalala... at…? 3... 2... 1.. Aksyon Wow; Tagumpay at cool na nagpabali-baligtad; Lumabas na may kumpiyansa, ang one shot na pangunahing tauhan]
Zelo: Sinabi ng writer na gawin ko iyon.
Manunulat: Sinabi ko na cool kang maglakad, di ko sinabing magpabali-baligtad~
Zelo: Walang nahulog di ba?
[Ang bunso ay lalo lang lumaki Siya na ulit ang baby Zelororo (T/N: Pororo); Walang pinahihintulutang editing effect; Lihim na kasunduan ni Zelo at ng manunulat]
Zelo: Fighting
[Zelo na nakakuha ng single shot ay masiglang nawala tulad niyan...]

© bapyessir.com #Bernz (Filipino)

No comments:

Post a Comment