Ang “One Shot” Tokyo Talk Event ng B.A.P na tampok sa HanCHU

Translator: Bernz
Original post: http://www.bapyessir.com/2013/12/bap-one-shot-tokyo-talk-event-feature.html




Tagasalaysay: Sa susunod, ang paglabas sa Premium Live Talk ng B.A.P. Ngayong linggo rin, kaya wag ialis ang tingin!
Nagdaos sila ng kanilang live talk noong Disyembre, binayayaan ng magandang panahon sa Lalaport TOYUSU ng Tokyo. Sila ang... B.A.P
Sa kabila nang noong Mayo lang ang kanilang unang bisita, ang B.A.P ay nakakuha ng malaking tagumpay. Pagkatapos ng kanilang Japan debut, dinaos nila ang pinakahihintay na kauna-unahang arena tour sa Tokyo, Nagoya, at Osaka. At di nagtagal ay inanunsyo nila ang bagong relsease. Ngayon ay nagdaos sila ng premium live talk para sa namili ng kanilang pangalawang single na "One Shot". Si Nishio-san na nasa venue ng Osaka bago ang araw na ito, ay magpapatuloy na magsilbi bilang tagapangasiwa. Kaya, mag-umpisa na!

[Ano ang pinakapuntong papakinggan sa pangalawang single na "One Shot"?]
Jongup: Ang kantang "One Shot" ay tungkol sa pagsusumikap sa daan papaunta sa mga pangarap niyo, at wag palampasin kung may dumaan na tsansa! Iyon ang mensahe ng kanta.

[Tungkol sa cool na koreograpiya ng sayaw...]
Nishio-san: Ang sayaw ng B.A.P ay napaka cool di ba?
Daehyun: Salamat.
Nishio-san: Naalala ko ang kakaunti.
[Ang Dance Communication ni Nishio! Tampok si Zelo (ng B.A.P)]
Tagasalaysay: Ito ang kinaugaliang Dance Communication ng HanCHU! Sa kaunaunahang pagkakataon mula ng huli nitong paglabas noong 2 nakaraang buwan, ang komunikasyon ni Zelo at Nisho-san!
[Magaling]
Nishio-san, kahit na huli ka nang nag-umpisa, mukhang natutuwa ang lahat.

[Mensahe sa iyong mga tagahanga!]
Zelo: Paala sa lahat. Ang panahon ngayon ay maganda. Magkita tayo muli!
Youngjae: Maraming salamat sa pagpunta ngayon. Magkita tayo muli!
Bang Yongguk: Maraming salamat para sa araw na ito. Tumawa kami ng todo ngayon.
Himchan: Ang tanging dahilan para mabuhay ako ay ang Babyz.
Jongup: Napakasaya ngayon. Sobrang saya ko na nakausap ko ang aming mga tagahanga. Nasasabik akong makita kayo muli.
Daehyun: Gagawin namin ang lahat!

Nishio-san: Ito ang B.A.P!

[Pangalawang single na "One Shot" ay binebenta na!]
Tagasalaysay: May lubos na paghihikayat, ang premium live talk ay malaking tagumpay! Walang mintis, sana ay magbalik at maglaro ulit kayo ulit sa HanCHU!
© jinhwan_93(raw video) | bapyessir.com #Bernz (Filipino)

No comments:

Post a Comment